🌼Chapter: 23

231 5 0
                                    

"Woah! Anak mo?" Napahawak ako sa pisngi nang makita ang isang batang buhat ngayon ni Lenard. Sobrang lusog at ang pula ng pisngi, parang nangangamatis. Sarap pisilin, kagigil. 

His expression changed, kung kanina nakangiti siya palapit sa akin ngayon parang pinagsisihan niya pang lumapit sa akin. Ano na naman ang nagawa ko? Wag niya ako sinisimangutan diyan, pinag-antay niya ako.

Ang usapan, dapat saktong 12:00pm nakarating na rito sa pinag-usapan naming place. Kaso, 20 minutes bago nakarating ang lalaki na 'to, may dala pang bata. Pasalamat siya nakangiti pa ako habang papalapit sila sa akin. Hirap sumimangot pag ililibre ka.

"Hindi ko anak 'to." Hindi parin naalis ang pagkairita niya sa akin.

I rolled my eyes. "Kamukha mo e." Hindi ako nagbibiro, talagang magkamukha sila. "Alam mo, hindi kita huhusgaha-" 

"Sabing hindi ko anak 'to." He cut me off. "Anak 'to ng kapatid ko, ako lang nagbabantay ngayon." Explain niya. 

Wala sa sarili ako napatango. "Ang bait mo namang holdaper." I grinned as I teased him.

"Parang pinagsisihan kong nakipagkita pa sa'yo." Umupo na ito at doon rin ikinandong ang batang hawak niya.

Npangiwi ako. "Sino ba nagpapunta sa akin dito? Diba ikaw? sinong bobo? 'Diba ikaw rin?" Walang prenong tanong ko kaya mas lalo ito napasimangot. Parang naririndi pa ang itsura.

"Bakit pati kabobohan ko dinamay mo?"

"Para ipaalala sa'yo," mabilis na sagot ko. "Anyway, mag-oorder naba ako?" I was about to raise my hand to call the waiter when he suddenly stopped me. Natigilan tuloy ako. Wag niyang sabihin sa akin na balak niya muna makipag kwentuhan bago ako pakainin. Aba, grabeng kakapalan ng mukha 'yon.

"Bakit mo tinatawag?" Walang kwenta niyang tanong.

"Kasi kakain na tayo?" Patanong na sagot ko. "Hindi ba, dito mo ako pinapunta para ilibre?" Hindi pa nga ako naniwala noong sinabi niyang dito ang place na pagkikitaan namin, nagsawa na siguro sa 7-eleven. Himala nga, first time manlibre sa restaurant. Tiba- tiba siguro sa naholdap.

Humagalpak ito ng tawa habang naiiling. Blanko ang utak ko habang pinapanood siya tumawa na parang gago. "Oo nga ililibre kita," tumigil siya sa pag tawa. "Pero hindi dito, masyado ka naman pinagpalang lubos kung dito kita ililibre."

Naningkit ang mata ko. "Bakit dito mo pa ako pinapunta?" Nyemas na lalaki 'to, sabi na nga duda ako sa putangina na 'to.

"Wala, naisip ko lang."

I bit my lips, my hand itching to punch him. Mabuti nalang talaga may hawak siyang bata kaya swerte siya ngayon. 

"Sana naisip mo rin na nakakahiya kung nandito parin tayo, wala naman tayong balak umorder." Though I feel like I'm regretting it now, I finished my part in research early for this. Nagmamadali pa ako nun, ah.

Ngumiti ito at naunang tumayo. "Tara na, papakainin na kita." 

Muli umikot ang mata ko at tinakpan ang sariling mukha gamit ang aking buhok. Nakakahiya talaga, confident pa ako pumasok sa loob tapos ngayon.... argh!! 

Walang imik akong sumunod sakaniya, nakakagago kasi 'yan kausap. Hinayaan ko nalang siyang mag baby talk habang kinakausap ang pamangkin niya. May tinatago rin palang ganitong side si Lenard, wala lang mukhang tanga lang.

Akala ko sa 7-eleven ang bagsak namin nung makalabas kami pero sa ibang daan kami dumiretso. Hindi na ako nagtanong, baka kung ano na naman kalokohan na sabihin nito. 

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang