Chapter 11 ~ The right thing to do

62 4 0
                                    

PENNY

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

PENNY

IT took fifteen minutes before we finally got to the mansion. Dali-dali akong bumaba sa sasakyan at inutusan na lang ang driver kong dalhin sa kwarto ko ang mga pinamili kong damit. Tinatamad pa kasi akong umakyat. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako kahit natulog lang naman ako sa byahe.

Dumiretso ako patungo sa pinakamalapit na banyo namin. When I got inside, ginamit ko ang makeup remover na nasa cabinet at naghilamos. Nang matapos na ako sa pagtanggal ng makeup, pinagmasdan ko ang sarili sa salamin.

Ah, shit. Mas malaki pa ang eyebags ko kaysa sa tsansang umayos ang bansang 'to.

I returned the things I used before leaving the room. Aakyat na sana ako patungo sa kwarto ko nang bigla kong makasalubong si Nay Elsa na nasa dining room. Lumapit ako sa kaniya at nakipagbeso.

"Jusko kang bata ka, sa'n ka na naman nanggaling?" tanong niya.

"Nagpunta lang ako sa mall. I bought new clothes! I was thinking of buying you some too, actually." I smiled, grabbing a chair to sit on since my feet fucking hurts. "By the way, what are you doing here? 'Di ba po dapat nagpapahinga ka sa kwarto mo?"

Imbes na sumagot, tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa dahilan para mapalunok ako.

"Hinihintay lang kitang bumalik. Gusto kitang kausapin." Just like me, she grabbed a chair and sat beside me.

"About what po?" I curiously asked.

Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata at bumuntong-hininga bago abutin ang kamay ko para hawakan.

"Nabalitaan ko na napapaaway ka sa school ninyo," she started while gently caressing my hand. "May problema ba?"

I smiled and undoubtedly nodded. Nakita ko namang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya dahilan para mapabuntong-hininga na lang ako.

"But don't worry about it, Nay. I can handle myself. Malakas kaya 'to." I flexed my invisible muscles and patted it, but she didn't laugh nor even smile. Nag-aalalang tiningnan niya lang ako.

"Narinig ko na ikaw ang nagsisimula ng away. Ano'ng ginagawa mo, hija? Bakit ka nagkakagan'yan?"

Pasimple akong napakagat-labi.

"It's nothing... I'm old enough to take responsibility for my actions, Nay. Kaya ko na ang sarili ko. Actually, matagal ko nang kaya ang sarili ko." I flashed a smile at her and stood up.

"Anak..." Bigla niyang hinigit ang kamay ko dahilan para muli akong mapabalik sa pagkakaupo. "Hindi mo 'to kailangang gawin. Hindi mo kailangang manakit."

"But it's the only way, Nay!" Napalakas ang boses ko. "I have to do what I had to do. Hindi ako pwedeng maging mahina. All my life, pinakita ko sa lahat na may mabuti akong puso. Pero ano'ng ginawa nila? They just used me. Inaabuso lang nila 'yong kabutihang pinakita ko sa kanila. Kung hindi ako kikilos ngayon, habang buhay akong paglalaruan ng lahat."

That Unwritten Love Storyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें