Chapter 17 ~ Heart to Heart

56 4 0
                                    

PENNY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PENNY

WE spent almost four hours inside of Pascal's home, playing board games with them to pass the time. Madali naming napakisamahan ng kasama kong si Clifford ang mga kapatid ni Pascal. Though, pansin kong panay ang pa-cute ni Seraphine sa kasama ko. Funny how kami pa ang inaasar nila, huh?

After hours of playing, Clifford and I bid our farewell to them. Malapit na kasing maggabi at ayaw naman namin ni Cliff na masyadong magtagal since medyo malayo ang bahay nila Pascal sa Richmond Fields.

"Babye, Kuya Clifford!" Seraphine and their younger brother waved goodbye to Clifford, prompting me to turn to them and shoot them a piercing look.

"S-Sa 'yo rin po pala, Miss Penelope! Thank you po sa groceries!" bawi naman nila dahilan para mapa-smirk na lang ako habang ginagabayan ni Pascal patungo sa kanilang gate.

"Maraming salamat ulit sa mga grocery, Miss Penelope," Pascal said with a smile. "Salamat din pala sa pagbisita."

"No need for thank you's. I'm only doing the best that I can," nakangiti kong sabi. "Also, stop calling me Miss Penelope. Para naman tayong walang pinagsamahan." Pabiro akong humawak sa dibdib ko dahilan para matawa siya.

"Ihahatid ko na kayo. Madilim na, oh. Baka mapaʼno pa kayo sa daan," giit niya ngunit agad akong umiling. From my peripheral vision, nakita ko namang napatingin sa akin si Clifford.

"We can go home by ourselves, Pascal," I said. "Also, you can't leave your siblings behind. Kilala mo naman ang mga tao ngayon. The world is dangerous."

Napatingin siya nang diretso sa 'kin, pati na rin sa katabi kong si Clifford na kanina pang walang imik. Mukha mang nag-aalinlangan, napabuntong-hininga na lang siya.

"Mag-iingat kayo, ha?" paalala niya kaya tumango kaming dalawa ni Clifford. After exchanging goodbyes, nagsimula na kaming maglakad palayo. I saw Pascal waving at us for one last time before entering their house again.

Nang makarating kaming dalawa ni Clifford sa kabilang sidewalk kung saan tanaw namin ang bahay nila Pascal, naupo ako sa bench dahilan para mapatingin sa 'kin si Clifford na mukhang naguguluhan sa ginawa ko.

"Akala ko ba, uuwi na tayo?" nagtataka niyang tanong, halos magkasalubong na ang mga kilay habang nakatingin sa 'kin.

I gulped as I awkwardly smiled. "About that... hindi ko alam kung paano tayo makakauwi."

"Ano?!"

Halos mapatakip ako ng tenga dahil sa sigaw ni Cliff. Napatingin ako sa kaniya at muntikan na akong matawa nang makitang halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Though, agad kong pinigilan ang sarili ko dahil baka lalo lang siyang ma-badtrip.

"Paanong hindi mo alam kung paano tayo makakauwi?!" he asked, visibly hysterical.

"Let's just say that I... don't know where we'll ride from here," I answered, slowly lowering my head to avoid his distorted gaze.

That Unwritten Love StoryWhere stories live. Discover now