Chapter 40 ~ The End

53 4 0
                                    

Chapter Theme:
Masyado Pang Maaga by Ben&Ben

Chapter Theme:Masyado Pang Maaga by Ben&Ben

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PENNY

"BAKIT naman gagawin 'yon ni Mason?! Anoʼng kagaguhan ang naisip niya para iwan si Cora nang ganoʼn-ganoʼn lang?!" Clifford slammed his hands on the table, fuming with utmost anger.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Clifford, shut the fuck up. Baka marinig ka ni Cora," pabulong kong saway sa kaniya at tumingin sa kwarto kung saan namamalagi si Cora ngayon.

"Hindi! Marinig na kung marinig!" he shouted back. "Ano naman ngayon kung marinig niya? Eh 'yon naman ang totoo, eh!"

"Clifford!" I glared at him.

Galit na napabuga na lang siya ng hangin at tumalikod sa amin habang sapo ang kaniyang noo. Heʼs usually calm and relaxed so itʼs a rare sight to see him like this.

After we found out that Mason is still waiting for his plane at the Richmond Airlines, wala na kaming inaksayang panahon at agad na nagtungo doon. We almost got in trouble but we still managed to get Cora inside the airport.

Unfortunately, when she came back to us, she was already bawling her eyes out that she couldnʼt even tell us what happened. Inihatid ko na lang siya pauwi and while we were on our way home, napadaan kami sa isang maliit na hill. She begged me to stop the car and all I could do was obey her. Though, sinundan ko pa rin siya nang umakyat siya sa hill na 'yon and thatʼs when I saw her break down, crying her heart out.

Wala na akong ibang nagawa sa mga sandaling 'yon kundi yakapin siya. Kitang-kita ko kung gaano siya nadurog sa nangyari at ramdam ko ang sakit na unti-unting bumabalot sa kaniyang puso.

After her breakdown, pumayag na rin siyang ihatid ko siya sa condo unit ko. Ngayon, namamahinga siya sa kwarto habang kasama ko naman dito sa salas sila Clifford na kakarating lang.

Napahalukipkip na lang ako at pinaglaruan ang sleeve ng damit ko. Patuloy lang akong nakatingin sa direksyon ng pinto ng kwarto kung nasaan si Cora.

"What if... may nangyari?"

Napatingin kaming lahat kay Jago na nakaupo sa upuan, nakayuko at nakatitig sa kaniyang mga kamay, mukhang malalim ang iniisip.

"Ano namang pinagsasasabi mo, Jago?" kunot-noong tanong ni Remi na nakasandal lang sa pader.

Nagtaas ng tingin si Jago at tiningnan kami isa-isa. "Baka may nangyaring importante? Maybe dahil sa mga kamag-anak niya? Or about sa parents niya?"

"Jago, walang connect 'yon sa pagpunta niya sa New York," seryosong sambit ni Remi. "Ano namang gagawin niya doon? Wala na siyang ibang kamag-anak. Sino namang mapupuntahan niya doon?"

"Pero, Remi—"

But before Jago could reason out, Remi cut him off with a scoff. "Manahimik ka na nga lang, Jago."

That Unwritten Love StoryWhere stories live. Discover now