Chapter 39 ~ Swerve

55 4 0
                                    

A/N: Long chapter ahead! Expect scenes that are paralleled with the previous books of this series since all of these are interconnected.

A/N: Long chapter  ahead! Expect scenes that are paralleled with the previous books of  this series since all of these are interconnected

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PENNY

PAULIT-ULIT akong huminga nang malalim para pakalmahin ang aking sarili. Moments passed, and the expected happened. Several knocks hit my unitʼs front door, prompting me to let out a deep and heavy breath.

Wala na akong ibang nagawa pa kundi humakbang patungo sa pinto at buksan ito. Bumungad sa 'kin ang isang pamilyar na ngiti at nang tumama ang tingin niya sa 'kin, nakita ko sa kaniyang mga mata ang labis na pananabik at pangungulila.

"Nay Elsa," I smiled as I greeted her. Bago pa ako makalapit sa kaniya para bumeso, agad niya na akong hinila at kinulong sa isang mahigpit na yakap. All I could do was smile as I felt her warm embrace.

Earlier, I received a text from her saying that sheʼll visit me here in my condo unit. Itʼs been almost a month since I last saw her. Hindi na rin kasi ako nakapagpaalam sa kaniya nang maayos noong umalis ako ng mansyon at lumipat dito para mamuhay nang mag-isa. I was too determined to get away from my parents as soon as possible that I didnʼt get to properly say goodbye to the person who truly raised me.

Seconds later, she broke the hug and looked at me. "Jusko kang bata ka, ano nang nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba rito? Nakakakain ka ba nang maayos?" She caressed my face and even checked my body.

"Nay, okay lang ako," I assured her, the smile on my lips never fading away. "Itʼs hard but kinakaya ko naman."

Tiningnan niya ako, bakas ang labis na pag-aalala sa kaniyang mukha. Kung makayakap nga siya sa 'kin, parang ilang taon kaming hindi nagkita.

Bago pa siya makapagsalita ulit, iginiya ko na siya papasok ng unit ko. May dala-dala siyang mga luto niyang pagkain kung kayaʼt inihain ko ito sa lamesa. I only had a cup of coffee a while ago, kaya siguro muntik na akong mag-palpitate sa kaba kanina.

"Kumusta na po kayo, Nay?" I asked her as I placed down a plate in front of her. On the other hand, abala siya sa paglilibot ng tingin sa loob ng unit ko.

"Abaʼy hindi baʼt dapat ako ang nagtatanong sa 'yo nʼyan?" she replied and looked at me with a raised brow.

I couldnʼt help but chuckle. Hindi ko alam kung nasa dugo ko na ba ang pagiging ma-attitude or sadyang nakuha ko lang ang trait na 'yon sa kaniya.

"Okay nga lang ako, Nay." I sat in front of her and fixed the plates on the table. "Medyo naninibago lang, pero nakakaya ko naman. I also have my friends to lean on so hindi ako gaanong nahihirapan sa ganitong set up."

I heard no response, prompting me to look at her. Nakatingin lang siya sa 'kin, bahagyang nakakunot ang kaniyang noo at bakas sa mukha niya ang pag-aalala para sa 'kin.

"Hija, alam mong pwede kang bumalik sa mansyon kahit kailan mo gusto," she said, concern evident on the tone of her voice.

I flashed a wry smile before I shook my head.

That Unwritten Love StoryWhere stories live. Discover now