Chapter 14 ~ Iʼll be okay

59 4 0
                                    

PENNY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PENNY

HOW do you move on from an unrequited love?

Makailang-ulit na akong nagpagulong-gulong sa kama. Itʼs been days since Cora and I made up, and everyone was shocked that we did so easily. Parang noong nakaraan lang, halos patayin ko na sa galit ang best friend ko. Ngayon naman, walang araw na hindi kami mapaghiwalay.

Some were delighted by the news, but some were questioning how in the world na nagkabati kami nang ganoʼn-ganoʼn lang. Hindi na lang namin sila pinansin pa dahil wala naman silang kwenta.

Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paggulong sa kama. Araw-araw na akong ganito ever since nang magkabati kami ni Cora. Rolling on my bed like a sea lion seemed like it's already a habit for me.

Days passed since I had to find out the truth coming out of Mason's mouth. The painful truth of not having my love reciprocated. The pain of being stuck on a one sided love.

Don't get me wrong, wala na akong galit for both Cora and Mason. By accepting the truth, I already accepted the fact that they love each other. Mason loves Cora, and the same goes for Cora. If they're happy with each other, then I'm happy for them.

But it still hurts... It still hurts that I've spent the past few years loving and caring for the person who didn't even think of me the same way.

Iʼm stupid, but I'm not regretting anything.

Oo, mukhang sinayang ko lang ang lahat ng taon na lumipas sa paghahabol sa lalaking 'yon. Pero wala akong pinagsisisihan. At least I knew that I had the courage to fight for what I want — for someone whom I want to be mine.

But, yeah. I guess it's all 'all's well that ends wellʼ for them, but not for me. These past few days, halos mawala ako sa katinuan dahil sa nararamdaman ko.

Kapag nakikita ko silang magkasama, it hurts my heart. Kahit sabihin kong masaya ako para sa kanila, hindi ko pa rin mapigilan na masaktan kapag nakikita ko ang mga ngiti nila. I'm hurt, but I'm not going to hurt others anymore.

I'd rather hurt on my own than hurt anyone else again.

Once again, I heaved a deep sigh. Sa nakalipas na mga araw, mga sad posts at sad songs ang nagpapatakbo sa mundo ko. Dahil first time ko lang naman makapag-deal with a heartbreak on a romantic aspect, I turned to the best method I know of — searching the internet.

Napabalikwas ako ng bangon at naupo sa magulo kong kama. Kinuha ko mula sa may tabi ko ang aking phone at nagsimulang mag-type.

How to move on from an unrequited love?

Ugh! I look so desperate right now. Searching the internet for answers about my heartbreak — it's not a bad idea but it's so not like me.

Anyways, wala naman na akong magagawa. I already searched so might as well seek help from technology then.

That Unwritten Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon