Chapter 55 ~ What ifs

50 4 0
                                    

Chapter Theme:
Pare Ko by Eraserheads

Chapter Theme:Pare Ko by Eraserheads

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PENNY

"NAG-TEXT sa 'kin si Remi, nagpapasama sa 'king bumili ng mga bulaklak," Clifford said out of the blue while we were eating breakfast in my condo.

I creased my forehead, faking a look of confusion. "And what is she going to do with flowers? Donʼt tell me na duma-damoves na naman siya sa mga babae? I always knew she was fruity."

Napatingin siya sa 'kin, kunot-noo ngunit 'di tulad ng akin, mukhang totoo ang pagkalito niya. "Anong fruity? Mukhang pakwan si Remi, ganoʼn? Medyo pumayat nga siya ngayon, eh. Siguro dala na rin ng stress."

Napangiwi ako. Meanwhile, he only looked at me like some lost kid. Pinanlisikan ko lang siya ng mga mata ngunit nag-pout lang siya kung kayaʼt wala na akong ibang nagawa kundi mapabuntong-hininga.

"Pero 'yon nga. Nagpapasama siya sa 'king bumili ng mga bulaklak. Papunta kasi siya ngayong araw sa puntod ni Cora." Natigilan siya at nagtaas ng tingin sa 'kin. "Pupunta ka rin ngayon, 'di ba?"

I nodded in response, taking a spoonful of rice. Ever since Cora died, we always tend to visit her. Though most of us are always busy with our own lives, sinisikap naming mabisita lagi ang kaibigan namin. To think about it, parang lagi nga kaming nagkaka-reunion sa tuwing bibisita kami kay Cora, eh. Doon lang kasi kami nabubuong lahat, maliban na lamang kay Mason na ilang linggo nang walang paramdam.

It still hurts — it will always hurt. But Iʼm trying my best to be okay by hiding my pain with a smile.

I donʼt want my friends and family to worry about me anymore. Hanggaʼt kaya ko, susubukan kong maging okay para sa kanilang lahat.

"Sama ka sa 'min?" Clifford asked, prompting me to look at him. Bumungad sa 'kin ang nakangiti niyang mukha na para bang isang batang nagpapa-cute para mabigyan ng candy.

Umiling naman ako. "I have to go to my parentsʼ house first. Nagtatampo na kasi ang mga 'yon dahil hindi na raw ako nakakabisita sa kanila."

"Sama na lang ako sa 'yo!" he suggested, looking like heʼs ready to ditch Remi just for the sake of it.

"Magmo-motor tayo?" I raised a brow.

He smiled sheepishly and slowly shook his head. "Hindi pwede, eh. Coding ko ngayon. Kotse na lang tayo."

"You can drive?"

Nahihiyang humagikhik lang siya at bahagyang yumuko. "Ikaw na lang ang mag-drive. Baka magkita-kita agad tayo ni Cora kapag ako ang pinag-drive mo."

Natawa na lang ako at uminom ng tubig. "Just go with Remi. Baka matagalan pa ako kanila Dad."

He just groaned but then later sighed out of utter defeat. "Itong si Remi, dami-dami niyang lalaki 'tapos sa 'kin pa napiling magpasama."

That Unwritten Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon