Chapter 23 ~ Brave

57 4 0
                                    

PENNY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PENNY

"BITCHSHIEWAP! Sama ka, dali!" pang-aaya ni Cora sa 'kin na sinabayan niya pa ng pagkaway, ngunit natatawang umiling lang ako sa kaniya.

Palibhasa, nagkukulitan silang tatlo nina Remi at Jago sa swingset ng park kung saan namin napagdesisyunang magpunta ngayong weekend. These past few days were a pain since ilang linggo na lang at tuluyan nang matatapos ang high school life namin.

Whenever I think about it, mas lalo akong nag-aalala para sa mangyayari sa 'kin. My parents want me to pursue my studies in another country. They want me to leave Richmond Fields. They want me to leave my friends. They want me to leave home just to live the future that I didnʼt want in the first place.

Iʼm sick of it, I really am. Hindi pa man nila nasasabi sa 'kin nang personal dahil hindi kami nagkikita sa mansyon, pero para na akong magkakaroon ng internal crisis everytime na naiisip ko ang plano nila para sa 'kin.

It feels like Iʼm in a battle with the world.

Buti na lang at nandito ang mga kaibigan ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan silang naglalaro sa swingset. It's a good thing na walang masyadong tao ngayon dito kundi baka isipin nilang mga takas kami sa mental.

Cora and Remi were on the swings, and as usual, kinukulit na naman ni Jago si Remi. Itinutulak niya nang malakas ang swing nito kung kayaʼt halos makapag-tawag na ng demonyo ang tomboy.

Si Cora naman, halos maglupasay na sa lupa sa kakatawa. Kanina pa nga niya ako inaayang sumali sa kanila pero todo tanggi lang ako. Okay na akong panoorin sila mula dito sa stone bench na inuupuan ko hindi kalayuan sa kanila.

Muli akong napangiti.

At least, I have them. They're the only family I need.

Sa isang iglap, nagulat ako nang may kamay na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. It was holding a plastic cup filled with street foods. Nagtaas ako ng tingin at nakitang si Clifford ang nag-aabot nito sa 'kin.

"I'm full." I smiled, shaking my head.

Nag-pout lang siya at umupo sa tabi ko bago magpatuloy sa pagkain ng binili niyang street foods. He had two plastic cups on hand and since tumanggi ako sa isang ibinibigay niya, siya tuloy ang umuubos ng mga ito.

I couldnʼt help but chuckle as I watched him struggle to eat. Hawak pa rin kasi ng pareho niyang kamay ang dalawang cup kung kayaʼt ihinuhulog niya ang laman ng hawak niya sa kaniyang kanang kamay. I donʼt know why he wonʼt just put down the other cup since weʼre on a stone bench naman.

I saw him glance at me from the corner of his eye as he continued to struggle. Tinaasan ko naman siya ng kilay ngunit hindi pilit na namumuo ang isang ngiti sa 'king mga labi. Is he guilt tripping me?!

That Unwritten Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon