Chapter 51 ~ Shelter

52 4 0
                                    

WARNING: This story may contain mature and disturbing themes not suitable for young audience.

A/N: helloooo guysss! malapit-lapit na tayo sa conclusion ng story so kapit lungz! but before that, marami pang pagdadaanan si Boss Maʼam at Dum-dum bago tayo makarating sa ending so i wish na magkakasama pa rin tayong lahat hanggang sa dulo. labyu all mwap mwap! <333

long chapter ahead !!!

Chapter Theme:
I Donʼt Wanna Love You Anymore by LANY

Chapter Theme:I Donʼt Wanna Love You Anymore by LANY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PENNY

Three weeks later...

"TITANIC! Titanic 'yan, sure na ako!" sigaw ni Remi habang tinuturo si Clifford na nasa harapan namin, nakataas ang dalawang braso sa tamang lebel nito. Basically, he looks like heʼs just T-posing.

"Just because heʼs stretching out his arms like that doesnʼt mean the answer is Titanic." Napahalukipkip ako sa aking kinauupuan.

Remi only raised a brow at me. "Edi anoʼng ibig sabihin nʼyan? T? T for 'Tagay pa, pre! Hindi ka pinili!ʼ, ganoʼn?!"

"Tangina mo, Remi! Laro lang 'to, walang personalan!" reklamo ni Clifford na ngayon ay nakabusangot na habang nakataas pa rin ang mga braso.

Hindi naman namin mapigilang matawa nina Cora at Jago. Wala kasi kaming ibang magawa kanina so we decided to play charades. Magka-team kaming tatlo, habang sina Clifford at Remi naman ang magkakampi.

But instead of getting to play accordingly, mukhang nauwi na lang kami sa bardagulan.

"The truth will set you free!" madiing sambit ni Remi kay Clifford habang nakapameywang. "Lalabas din ang katotohanan!"

"Ganoʼn ba ang translation noʼn?" Jago muttered beside me, confused.

"You bitches are giving me a headache." I heaved a deep sigh and massaged my temples.

"I swear, we shouldʼve just played something else na lang," Cora commented with a grimace, sitting on her bed as she leaned on the headboard.

"Hanap ka na lang ng mga bagong kaibigan, Bitchshiewap," I joked.

Agad naman akong sinamaan ng tingin nina Remi, Jago, at Clifford kung kayaʼt nagtaas na lamang ako ng peace sign.

"Except for me pala," I added, prompting Remi to raise her middle finger at me. Napabusangot naman si Jago habang si Clifford ay ngumuso at nag-thumbs down sa 'kin.

For the next few moments, nagkwentuhan lang kaming lima tungkol sa kung ano-anong bagay. Sa loob ng kahit ilang minuto man lang, naramdaman ko na para bang bumalik kaming lahat sa dati — masaya lang at walang pinoproblema.

"'Nga pala, nasaan si Mason?" Jago asked when he noticed that weʼre incomplete.

"Ano ba?! Nakakasakit na kayong dalawa, ha!" pagwawala ni Clifford at madramang humawak pa sa kaniyang dibdib.

That Unwritten Love StoryWhere stories live. Discover now