Chapter 34 ~ His mistake

54 4 0
                                    

WARNING: This story contains mature and disturbing themes not suitable for younger audience.

A/N: NO SPOILERS!

Also, just a little heads up, this is the turning point of the story. I hope you'll enjoy :))

 I hope you'll enjoy :))

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PENNY

"BITCH, I told you, I canʼt come." Naiinis man dahil sa kanina pang pangungulit ni Remi sa 'kin sa tawag, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong matawa nang mahina.

"Ih! Penelopota naman, eh! Pumunta ka na! Napaka-ano nito..." she whined from the other line.

I only chuckled as I picked up a bag of chips from the shelf. I checked it first before putting it inside the cart filled with stuff Iʼm going to buy here in the grocery store.

"I told you, Iʼm doing groceries today. Iʼm also going to apply for a job as a private tutor. Bawi na lang ako sa susunod," I bargained, but all I heard next was her unearthly howl. Kung magkaharap lang kami ngayon, siguradong lumuhod na siya para magmakaawa.

"Sige naaaaa~" she said in a sing-song voice. Umirap na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa kong pamimili ng groceries.

Kanina niya pa akong kinukulit na pumunta sa isang bar kung saan balak nilang pumunta since kakatapos lang kasi ng 18th birthday nila ni Jago. And a fun fact; magkasunod lang ang birthday nila. Jagoʼs on the 7th while Remiʼs on the 8th. Itʼs cute and ironic at the same time. Soulmates talaga siguro ang dalawang puta na 'yon.

Back to the main topic, kanina pa niya ako kinukulit na magpunta sa belated celebration nila. Well, nang kami-kami lang dahil gusto nilang ma-experience na makapunta sa isang bar at since nag-18 na ang asoʼt pusa. Though, balak nilang ipuslit lang sa loob si Cora dahil siya na lang ang underage sa 'min. Weʼre all 18 except for her na sa September pa magiging legal adult.

"Iʼm sorry, but I really canʼt go. Babawi talaga ako sa susunod," I replied with a soft tone.

Ayokong tumanggi sa kanila lalo naʼt gusto ko rin silang makasama, pero sadyang hindi ko talaga muna kayang magpunta sa isang bar ngayon. Bumabalik kasi sa isip ko 'yong nangyari dati noong debut ko... when some jerk tried to take advantage of me.

Mula sa kabilang linya, narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Hindi na talaga kita makukumbinsi, 'no?"

I giggled. "Yep, sorry."

She sighed again. "Sige na nga, pota. Bumawi ka sa susunod, ha! 'Yong pa-buffet ko nga pala noong debut mo, hindi mo na nabigay!"

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Oh my Gucci! Youʼre right! I totally forgot about that."

Ngayon ko lang ulit naalala na pinangakuan ko siya ng sarili niyang private buffet noong debut ko sa isang kondisyon — she has to wear a pink gown I personally picked for her — which ginawa niya naman.

That Unwritten Love StoryWhere stories live. Discover now