Chapter 15 ~ Acceptance

56 4 0
                                    

PENNY

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

PENNY

"Aray, Penny! 'Yong takong mo naman!"

"Putangina mo talaga, Jago! Nasa mukha ko na 'yong pwet mo!"

"Kasalanan ko ba?! Baka ang mukha mo ang nasa pwet ko!"

"Guys, mababalian na yata ako ng buto..."

"Uhm... How do you do this?"

"Ang ingay niyo! 'Di ako maka-concentrate!"

"Why the hell are you going to concentrate sa Dr. Kwak Kwak?!"

SIGAWAN at rambulan — those are only two words I could think of for our current situation right now. Who would have thought that Cora's invitation for us to go to the school's outdoor field would resort into this kind of chaos?

"Mason, you should be untangling us right now!" pasigaw na reklamo ni Cora na halos dumausdos na sa lupa. I don't know how she got into that position and I'm not planning to know anymore.

Wait. Paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?

Oh, right... It was nine in the morning when Cora messaged us to go to the cafeteria. Dahil nasa meeting ang karamihan ng mga teachers, nagkaroon kami ng vacant time.

Payapa at tahimik lang kaming kumakain sa cafeteria. Nagkukwentuhan, nagbabangayan, naglolokohan. Mason, surprisingly, even joined us. Nowadays, madalas siyang busy dahil sa pag-aasikaso sa kaso ng kaniyang mga kamag-anak. That's why it's such a surprise na makita siyang kasama namin.

Since vacant naman at wala kaming magawa bukod sa kumain at magkwentuhan, biglang nag-aya si Cora na magpunta kami sa outdoor field. Dahil wala naman kaming kaalam-alam sa mga susunod na mangyayari, ayon, pumayag kami.

Naglaro lang kami noong una kahit naka-heels ako. Piko, luksong baka, and all the other traditional pambatang Pinoy games. Nagpaturo pa nga ako sa ilang mga laro dahil hindi naman ako lumaki na nakapaglaro ng gano'n.

It was peaceful and fun. Even Mason, who isn't really the type to do stuff like these, joined us. Siya nga ang laging panalo, eh. Record holder namin siya sa Piko with a total of five houses.

Masaya kami, hanggang sa bigla na lang nag-suggest si Jago na maglaro kami ng ibang laro. Isang laro na ngayon ko lang nilaro pero habang-buhay kong isusumpa.

"Mason, jusko! Tanggalin mo na kami dito! Hindi ko na kaya! Malapit ko nang masapak 'tong putanginang 'to!" sigaw ni Remi na mukhang triggered na triggered na dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa pwetan ni Jago.

Napakamot naman sa likod ng kaniyang ulo si Mason. He looks so tense and pressured. Kung kanina, halos lamugin niya kami sa ibang laro, mukha namang nagkaka-internal crisis na siya dito sa Dr. Kwak Kwak.

He's the one na natokang maging si Dr. Kwak Kwak na magkakalas sa pagkakabuhol naming mga players. Patawa-tawa pa kaming lahat bago magsimula ang laro, hindi namin alam na ganito pala ang kahahantungan namin.

That Unwritten Love Storyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن