Epilogue (Part 1)

68 4 0
                                    

A/N Again, thank you for reaching this point of That Unwritten Love Story! I hope you guys enjoyed this story as much as I enjoyed writing it (ket karamihan puro dalamhati ang ganap hwahaha)

So yeah. Let's end this once and for all.


EPILOGUE THEME
Eroplanong Papel by December Avenue

EPILOGUE THEMEEroplanong Papel by December Avenue

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

the boy who had nothing


"Penny!"

"Hindi ako tanga, Cora. Alam kong may gusto ka kay Mason. Alam kong may gusto ka sa lalaking mahal ko! Pero hindi ko 'yon pinansin. Alam mo kung bakit? Kasi kaibigan kita eh..."

"Can you just please leave me alone?! I don't fucking care if my dadʼs going to find me! Just please, stay away from me!"


NATAGPUAN ko ang sarili kong nasa loob ng isang bar, pinalilibutan ng napakaraming tao sa ilalim ng mga ilaw na may ibaʼt ibang kulay. Nakatayo lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ka na nakaupo sa harap ng counter at umiinom.

Akala ko, magiging masaya ang gabing iyon dahil kaarawan mo. Eighteenth birthday mo noon at napakagarbo ng inihandang debut ng mga magulang mo para sa espesyal mong araw. Pero imbes na maging masaya, alam kong tanging sakit lang ang naramdaman mo sa mga sandaling kinompronta mo ang pinakamatalik mong kaibigan.

Hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang pumara ng taxi at pasundan ang sasakyan kung nasaan ka. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng mga masasakit na rebelasyon noong gabing 'yon, pinili kong sundan ka at tingnan ang kalagayan mo.

Aaminin ko, sobrang sakit na marinig mismo mula kay Cora — sa babaeng ilang taon ko nang gusto — na mahal niya si Mason — ang lalaking alam naming lahat na matagal mo nang mahal. Sobrang sakit na marinig mismo mula sa kanila na mahal nila ang isaʼt isa, habang heto tayo, kapwa nasasaktan nang dahil sa kanilang dalawa.

Patuloy lang kitang pinagmamasdan mula sa pwesto ko. Gusto sana kitang lapitan, ngunit hindi ko magawa. Wala rin naman kasi akong maisip na pwedeng sabihin sa 'yo dahil alam kong kahit na ano'ng sabihin ko, hindi ito magiging sapat para ibsan ang sakit na parehas nating nararamdaman noong mga panahon na 'yon.

Bigla akong naalerto nang makita kong may lalaking lumapit sa 'yo. Itsura pa lang, mahahalata mo nang wala itong magandang dulot. Gusto ko sanang lumapit na sa pwesto mo dahil nakikita kong hindi ka komportable sa presensya ng kung sinumang gago ang lumapit sa 'yo, pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko — at 'yon ang naging pagkakamali ko.

Tinamaan ako ng matinding kaba at pag-alala nang makita kong natumba ka sa iyong mga tuhod. Hindi man kita makita nang sobrang linaw dahil sa distansya nating dalawa, alam kong may mali na sa nangyayari.

That Unwritten Love StoryWhere stories live. Discover now