Chapter 4

981 22 5
                                    

***

"I LOVE you so much babe." Kakauwi ko lang galing school. At nandito na naman silang dalawa.

Nasasanay na rin ako.

"I love you too." Sagot ni Ian. Para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi na kami masyadong nag-uusap ni Ian kapag kaming dalawa lang dito sa bahay. Nakakapag-usap lang kami pag nandito si Cheska.

"Kristin, kumain ka na roon. Pinaghanda na kita."

Ngayon alam ko na kung bakit si Cheska ang gustong pakasalan ni Ian. Mabait ito at maalaga. Maraming alam sa kusina, hindi tulad ko. Mas marami pa ang alam ko sa pagbebenta kaysa sa paglukuto. Pano ako matututo kung parati naman akong nasa labas ng bahay noon.

"Sige po ate."

Dumiretso na ako sa kusina at kinain ang niluto ni Cheska. Inaamin ko, masarap siyang magluto. Kaya mas lalo akong nakakaramdam ng kirot.

"How's your school?" Tanong ni Ian.

Pumunta pala siya rito sa kusina. Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel.

"I-it's fine."

Napaisip ako. Buti pa yung school tinatanong kung okay lang, pero ako hindi man lang. Haist. Bakit kaya ganon ano? Ang school ang parating tinatanong kung ayos lang.

"Cheska's staying here tonight."

Napatigil ako sa pagsubo at nag-angat ng tingin sa kaniya. Wearing my face na nagtatanong ng, 'ano?'

"Aalis siya bukas. She's going to States. Two months siyang mananatili doon. I invited her na dito na lang siya matulog and she agreed. I'm telling this to you cause you have the rights."

Yeah, I have the rights pero para saan pa?

"Okay." Tanging sagot ko. Nanahimik na ako hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag-alis niya sa kusina. Ng matapos akong kumain ay pumanhik na ako pataas. Matutulog na ako, may pasok pa ako bukas.

"Hep hep hep! At bakit late ka Kristin Avenzado?"

Pangungulit sa akin ni Jessica. Late ako kasi isinama pa ako ni Cheska sa paghatid sa kaniya. Ayaw ko sana pero wala naman akong magawa. Wala daw kasing kasama ang 'kuya' ko kuno pauwi. Kaya ayun, sinama ako sa airport.

"Good morning Kristin." Bati naman sa akin ni Tyron.

"May pa-good morning good morning ka pa kay Kristin tapos sakin wala man lang? Aba! Bias ka ata ah!" Sigaw ni Jessica kay Tyron. Napatawa lang ako sa kanilang dalawa.

My phone beeped at tiningnan ko kung sino ang nag-text.

Napangiti ako ng makitang si Ian ang nag-text sa akin. But when I opened his message ay hindi ko iyon nagustuhan.

'I'm going to States. Susundan ko si Cheska doon. Hindi muna ako makakauwi ng ilang buwan. Take care of yourself.'
-Hubby ✿

Napangiti ako ng mapakla.

Cheska, Cheska na naman. Umalis na nga iyon at lahat-lahat. Pero siya pa rin ang hinahanap ng asawa ko. Eh ako? Kailan niya rin kaya ako hahanapin gaya ng paghahanap niya sa babaeng iyon.

I admit it. Mahal ko na si Ian.

Hindi naman siya mahirap mahalin eh. Ang kaso, we're married, yes, pero hanggang isang taon lang. Meron na lang kaming siyam na buwan para magsama. Pero ano? Pupunta siya ng States para makasama si Cheska doon.

"Oh, ba't parang lukot ata yang mukha mo?" Jessica asked.

"Wala. Nag-text lang iyong pinsan ko. Sabi niya pupunta na daw muna siya ng States." Pagpapalusot ko pa sa kaniya.

Hanggang magpinsan na nga lang talaga ata kami sa tingin ng iba.

Ako. Ako ang unang sumuway sa rule namin. At ang sinuway ko pa talaga ay ang rule number one, no strings attached. I need to stop this. Dahil sa huli ay ako lang din ang masasaktan. I need to stop this dahil kahit anong mangyari, si Cheska lang ang gugustuhin niya.

"Diba wala naman ang pinsan mo sa bahay niyo? Dun na lang kaya tayo gumawa ng projects?"

"Pwede naman." Pagpayag ko.

Kaming tatlo ang parating magka-grupo. Sa amin kasi, kapag may grupo ka na yun na yung permanent mong makakasama. Hanggang sa matapos ang school year. Pero sa next school year ay pwede din namang kayo pa rin ang magka-group, pero baka mabawasan kayo or madagdagan.

"Ang laki talaga ng bahay niyo. Tapos kayong dalawa lang ang nakatira dito."

Manghang sabi ni Jessica.

"I heard your cousin has a girlfriend." Sabi naman ni Tyron. Tumango ako sa kaniya. Kahit ako ang legal at tunay na asawa pero hindi ako ang kinikilala. Si Cheska pa rin. It's always Cheska.

"Ah oo. Si ate Cheska. Nasa States rin siya ngayon eh."

Ate, I don't want to call her ate anymore. Ayokong tawaging ate ang girlfriend ng asawa ko. Ayoko, nasasaktan ako. Pero hindi ko naman pwedeng hindi siya tawaging ate. Dahil baka magtaka siya.

Pano kaya kung sabihin ko sa kaniya ang totoo?

'Hi ate Cheska, ako nga pala ang asawa ng boyfriend mo.' O kaya naman ganito, 'Asawa ko lang naman po ang boyfriend mo ate Cheska.' At least sa ganiyang paraan ay mabuti. Alangan namang daanin ko sa dahas.

'Layuan mo ang asawa ko. You heard it right bitch, asawa ko siya!' Or, 'Ayan ang marriage certificate namin, hihiwalayan mo siya o kakalbuhin kita?'

Waah! Napa-praning na nga ata ako.

"Huy! Ayos ka lang? Bakit mo sinasampal ang sarili mo?" Nabalik ako sa katinuan ng lapitan ako ni Jessica.

"Huh? Parang namamanhid kasi ang pisngi ko eh. Paki-kurot nga." Utos ko na sinunod niya naman kaagad. "Aray!" Sigaw ko.

"Sabi mo kurutin ko eh."

Nag-peace sign pa ito sa akin. Iniwan ko sila sa sala at nagpunta ako sa kusina. Ipinagtimpla ko sila ng juice. At kumuha rin ako ng ilang biscuits. My favorite, Hansel!

"Alam mo, ang swerte ng pinsan mo sa'yo. Maalaga ka, hindi tulad ng pinsan ko. He's always teasing me, kaya parating nauuwi sa away ang kantiyawan namin."

Talaga, ang swerte niya sakin.

Kaso, mas maswerte siya kay Cheska. Argh! Cheska, parating si Cheska na lang ang lumalabas sa utak ko! Kailan ko kaya makakalimutan ang babaeng iyon?

Napatingin ako sa cellphone ko.

Kailan kaya siya uuwi? Kamusta kaya siya doon? Kung nakakakain ba siya ng tama? Pero sa bagay, nandun naman ag girlfriend niya. Kaya sigurado akong hindi siya gugutumin nun.

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now