Chapter 9

99 8 13
                                    


***

NAG-AYOS na ako sa sarili ko. Pupunta kasi kami ngayon sa simbahan. Inaya niya kasi ako. Hulaan niyo muna kung sinong nag-aya.

Well, it's none other than...

"Are you ready?" Tanong niya habang inaayos ang polo niya. Yes! It's him. My one and only husband. Diba parang imposibleng magkabati kami? Pero eto na, ang parati kong dinadalangin. Hindi ko na ino-open sa kaniya si Cheska. Baka magbago na naman ang ugali. Eh kasi nga diba si Cheska ang dahilan kung bakit siya nagbago.

"Sandali lang," inayos ko muna ang buhok ko bago lumabas ng kwarto ko.

Simula nang maikasal kami ay hindi man lang nakadalaw si Don Rafael rito sa bahay. Kaya, parang etsapwera lang din ang rule number three namin. Pero kailangan pa ba naming sundin iyon? Eh hindi ba nga magkaayos na kami? So para saan pa ang rules na yun?

"Let's go?" Inabot niya sakin ang braso niya at magiliw na tinanggap ko naman iyon.

Inakay niya ako papuntang sasakyan.

Habang nasa loob kami ng kotse, siya habang nagmamaneho. At ako naman na sa labas nakatingin ay hindi maiwasang mapaisip. Masaya ako ngayon. Ano naman kaya ang magiging kapalit nito?

Sa buong buhay ko ay naniwala ako na kapag masaya ka ay may darating na problemang makakapag-palungkot sa'yo.

Kaya ngayon iniisip ko na kung ano iyon.

Hindi naman sa pangunguna sa buhay ko. Pero, nakakatakot pala talaga ano. Nakakatakot na bigla kang masaya sa isang araw tapos kinabukasan, pighati na naman ang nararamdaman mo.

Pero ang mas lalong ikinababahala ko ay ang pagdating ng ika-isang linggo ng kaarawan ko.

Mag-iisang taon na rin kami.

Pano kung mangyari iyong usapan namin? Na hanggang one year lang kami. Pagkatapos ay mai-annul ang kasal namin. Saan naman kaya ako pupulutin niyan? Bahay niya naman ag tinitirhan namin. Kaya kung sakaling maghiwalay kami, saan naman ako tutuloy? Hindi naman pwedeng umuwi ako sa amin.

Kasi ayoko na silang makasama.

Hindi ko pa pala sila nakakausap. Gusto kong kausapin sila at linawin ang lahat. Dahil gulong-gulo na ako. Paano nila naatim na ipakasal ako kapalit ng isang bilyon? Bakit parang ang dali lang sa kanilang gawin iyon.

Pitong buwan pa lang. Pero iniisip ko na ang pwedeng mangyari.

Kinamot ko ang ulo ko. Bakit ko ba to iniisip? Baka mamaya, magkatotoo tuloy. Imbes na hindi mangyayari dahil naawa sakin ang Diyos, pero siguro dahil sa pag-iisip ko ng kung ano-ano ay baka matotoo nga.

Lord, huwag naman po.

"What are you thinking?" Biglaang tanong niya. Malapit na kami sa simbahan kaya medyo natuwa ako ng konti.

"H-huh? Ah wala. Iniisip ko lang kung kamusta sina Tyron."

Pagsisinungaling ko.

Sembreak namin ngayon kaya ilang araw na rin kaming hindi nagkikita nina Tyron at Jessica. Si Jessica ay umuwi sa probinsiya nila. Si Tyron naman, ewan ko dun. Ni hindi man lang makatawag sakin. Medyo nakakatampo na siya. Pero siguro isa na rin to sa paraan para tuluyan niya na akong mabura sa puso niya.

Inamin ko na sa kanilang dalawa ang totoo. Ang tungkol samin ni Ian.

Akala ko nga mabibigla sila pero ako ata ang nasorpresa nilang dalawa. It turns out na matagal na pala nilang alam ang totoo. It happened a month ago.

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now