Chapter 27

30 4 2
                                    

***

"THE ceremony will start now." Nakangiting sabi ni Yannie.

Magsisimula na ang kasal.

Nagsimula na ang seremonya. Katulad ng ibang normal na kasalan ay nauna ng naglakad ang groom which is Tyron. Sumunod ang mga kids. Then, us the bridesmaids together with the groomsmen. Partner ko si Caiden, while si Ian naman ay partner si Vivienne, iyong babaeng hinalikan ni James.

The song, 'Marry Your Daughter' ang namayani sa buong lugar.

The sun is now rising.

After naming lahat ay unti-unting naglakad si Jessica, kasama ang kuya niya. She's smiling like an idiot. Ang kuya niya naman ay seryoso habang naglalakad.

Then I saw his eyes looked intently to Vivienne.

Nagpalakpakan kaming lahat hanggang sa marating nilang dalawa ang ginawang altar dito sa dagat.

"Make sure you'll take care of my sister, Tyron." Banta ni James.

"I will,"

Binigay ni James ang kamay ni Jessica kay Tyron at sabay silang humarap sa priest na nasa altar. The normal ceremony started, not until bigayan na ng vows nila.

"Jessica, the mother of my child, and will be my wife after this wedding. I don't know how to thank you for giving me a complete family. The moment I saw you, nagkagusto kaagad ako sa'yo. I know you have a good heart, at hindi ako nagkamali. Nung sinaktan ka ni Paul, mas doble ang sakit na hatid nun sakin. Pakiramdam ko ay napaka-walang kwenta kong lalaki. Dahil hinayaan kitang sumama sa lalaking yon. You became obsessed to him. Ni hindi mo na ako nakuhang pakinggan, pati ang kuya mo. But did you know, nang maghiwalay kayo ay ako ang pinakaunang tao na naging masaya. Finally, wala ng hadlang. I though makaka-move on ka agad, but I am wrong again. Pero hindi na mahalaga yon, ang mahalaga ay binuksan mo ulit ang puso mo and you accepted me. And now, we have our baby Tyler Jew. I will love you forever."

Naiyak ako sa vow ni Tyron.

It was so heartwarming. Every words na lumalabas sa bibig niya ay halatang sincere.

"Tyron, the father of my child, and will be my husband after this ceremony. Alam mo bang may crush ako non sa'yo? Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa lalaking tulad mo. Pogi, matalino at higit sa lahat ay mabait. Nagustuhan kaagad kita. Pero nang ligawan mo si Kristin, nasaktan ako. That's why I let Paul enter my life. Kristin, huwag kang magagalit ah. Hindi naman ako nagtanim ng galit sa'yo. But that doesn't matter now, right? Ang mahalaga ay binuksan ko ang puso ko and I let you in. Tyron, I love you so much."

After ng bigayan nila ng vows ay ang pagsuot nila ng singsing sa bawat isa.

Ganitong kasal din ang ninanais ko noon. Pero hindi nangyari, kung sakaling makasal man kami ni Caiden. Hindi ko naman hihilingin na ganito.

Ang gusto ko lang ay mga witness, mga visitors, at higit sa lahat ay ang pamilya ko.

Kahit alam kong labag sa kalooban ng nanay at tatay.

"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride." Anunsiyo ng pari. Tinaas ni Tyron ang belo na suot ni Jessica and he kissed her.

Nagpalakpakan ulit kaming lahat.

Masaya sa nakikita namin ngayon. Finally, nahanap na ni Jessica ang tunay na lalaki na para sa kaniya.

Ang katabi ko ngayon ay si Vivienne.

Magkaiba naman kasi ang mga lalaki sa babae. Nasa right side ang mga groomsmen.

"Naunahan pa ako ng pinsan ko." Naluluhang sabi niya. Masaya sa pinsan niyang kasal na. Napag-alaman ko rin nung nag bridal shower kami ay twenty five na rin pala siya, kasing-edad lang ni Ian at James.

"Huwag kang mag-alala ate, ikaw na ang susunod."

Natawa kami sa sinabing iyon ni Dahlia. Bunsong anak si Dahlia sa kanilang tatlong magkakapatid. Vivienne is already twenty five years old, ang sunod naman ay si Eira, she's twenty three, and ang bunso nila, si Dahlia, she's nineteen years old.

"Loko, nandiyan pa si Kristin." Sabi niya.

"Mas matanda ka sakin di'ba, saka sabi mo wala ka pang boyfriend. Baka si James na ang para sa'yo. Siya rin ang first kiss mo, baka nga tinadhana kayo para sa isa't isa." Biro ko sa kaniya.

Nagkakwentuhan kasi kami kagabi.

Tanghali na ng matapos ang lahat ng seremonya. And I mean by lahat, ay maging iyong next part ng ceremony.

Hapon na ngayon at nandito ako sa dalampasigan.

Naglalakad-lakad.

Sakto namang papalubog na ang araw. Kitang-kita kasi rito ang paglubog ng araw. Nagiging kulay kahel na rin ang kalangitan.

"Baby," tawag sa akin ni Caiden.

Napalingon ako sa kaniya. And suddenly, ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko mawari kung ano na naman ang dahilan ng pagkakakaba ko. Lumapit siya sakin saka dinikit ang noo niya sa noo ko. Bahagya pa nga siyang nakayuko.

"Caiden."

"You have to wake up now. You've been sleeping so long. Wake up, and find your true self." Naguguluhan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Anong ibig niyang sabihin?

Anong ibig niyang sabihin na kailangan ko ng gumising? At saka matagal na akong natutulog?

"Wake up. Please live,"

Walang kung ano-anong tumulo ang luha ko. Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Bakit niya ba sinasabi to? Is this a prank? Is this a joke? Please if this is just a joke sana gisingin niyo na ako. This isn't funny anymore.

"C-caiden," binitawan niya ako. At dahan-dahan siyang lumayo sa akin.

N-no! Where is he going?

San siya pupunta?

"Gumising ka na Kristin, miss na miss ka na namin." Napahinto ako sa paghabol sa kaniya dahil sa boses na narinig ko. Nagpalinga-linga ako upang hanapin kung saan man galing ang boses na iyon. Pero hindi ko makita kung sino ang nagsabi nun, but I'm pretty sure that her voice is very familiar.

"Please babe, come back to me."

I-ian?

"Come back to us. I-i'm sorry for what I have done. H-hindi ko ginustong mangyari sa'yo to. I'm really sorry, please gumising ka na." Salita niya ulit.

Ikot ako ng ikot pero hindi ko siya nakikita.

Wala na rin sa paningin ko si Caiden.

Paglingon ko ulit ay wala na ang building, ang hotel. Nasan na? Nasan na ang hotel? N-nasan na yung ginawa naming design sa kasal kanina? Asan na? Hilong-hilo na ako, hindi ko na naiintindihan kung anong nangyayari sa paligid ko. All I want is to faint.

"Kristin, look, I'm sorry. Sobra kong minahal si Ian. That I even threatened him na kapag hindi ka niya hiniwalayan ay sasaktan kita. Natakot siya, that's why nangyari iyong sa company."

I'm sure that's Cheska.

Tatakbo sana ako pero tila bang na-stuck ang paa ko sa kinatatayuan ko dahil hindi ko sila maigalaw.

And then suddenly, a black hole ate me.

"Attention everyone, please put on your oxygen masks. Don't panic, we will do everything we can to save all of you." Dinig kong anunsiyo ng piloto.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa loob ng eroplano.

Nakikita ko ang takot sa mga mata ng mga pasaherong nakasakay. Takot na takot ang mga mukha nila. Patuloy sa pagyugyog ang eroplano. Hanggang sa nakarinig ako ng malakas na tunog. Para bang may sumabog.

N-no, this can't be.

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz