Chapter 2

101 4 3
                                    


***

"GOOD evening dad." Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. Inangat ko ang tingin ko at natagpuan ko ang isang lalaking tumawag kay Don Rafael ng dad.

Siya siguro ang anak ng Don.

"You're late iho. Sabi ko naman sa'yo na pumunta ka rito ng maaga. But anyway, everyone I want you to meet my one and only son, Ian Peterson. Anak, she is Kristin Avenzado your soon to be wife."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"A-ano?" Utal kong tanong habang nakaharap sa mga magulang ko. Sobra na ito! Hindi ko makakayanang ipakasal ako sa lalaking ngayon ko lang nakita! Ni hindi ko pa nga siya nakikilala ng lubusan.

"Iha, hindi ba sinabi sa'yo ng mga magulang mo?" Takang tanong naman ni Don Rafael.

Naguguluhan akong umiling.

"Pasensiya ka na Don Rafael, nawala sa isip namin na sabihin sa kaniya. Pero mabuti na rin ito, para naman mas lalo silang magkakilala ng anak ninyo." Sabi ni tatay.

Tumayo ako at ikinabigla iyon ng lahat.

Hindi ma-absorb ng utak ko ang lahat ng nangyayari ngayon. Parang sasabog na ito sa kakaisip na ikakasal na ako. Grabeng regalong to!

"Kristin!" Saway ni nanay.

Tiningnan ko siya ng puno ng hinanakit. Hindi ko alam na kaya nilang gawin ito sa akin. Mga magulang ko sila pero wala man lang silang pagtutol sa mga nangyayari ngayon.

"Ayoko. A-ayoko."

Umalis ako sa hapag at lumabas ng mansiyon. Ayoko, ayokong matali sa isang lalaking hindi ko kilala! Ayokong mangyari ang lahat ng ito. Pano na iyong pinapangarap kong kasal? Pano na iyon? Gusto kong ikasal ako, pero hindi sapilitan. Gustong maikasal sa lalaking mahal ako at mahal ko.

Naupo ako sa gilid ng hardin nila.

Hindi naman kasi ako makakaalis dito dahil hindi ko naman alam ang daan pauwi. Saka mayo rin ang lugar nila. Kaya malayo kung lalakarin ko lang.

Dito sa hardin nila binuhos ko ang sakit.

Bakit naman kasi ganito? Naturingan silang mga magulang ko pero sila pa ang may kagustuhan dito.

"Ahem."

Pinunasan ko ang mga luha ko ng may tumikhim sa likod. Alam ko kung sino iyon, si Ian ang anak ni Don Rafael.
Umupo ito sa tabi ko.

"You don't need to marry me if you don't want to. Look, I didn't know about this. Kanina ko lang din to nalaman. But knowing dad, hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Nasa sasakyan na ang mga magulang mo, they are waiting for you. Dad told me everything, he said your parents wants this. Nalubog sa utang ang tatay mo. Wala siyang pambayad sa mga utang niya."

Kwento niya.

"Marami ng naniningil sa tatay mo. And he kept hiding dahil nga wala siyang pambayad. So they talked to my dad, and they said na handa silang gawin ang lahat mabayaran lang nila ang utang ng tatay mo. My dad asked if may anak ba ang mga magulang mo. And there, they said na meron, and it's you."

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now