Chapter 16

41 4 0
                                    


***

PAGTAPOS naming maggala-gala sa kung saan-saan ay naisipan na rin akong ihatid ng dalawa.

Gabi na rin kasi.

"Lagot ka sa asawa mo," banta ni Jessica while chuckling. Alas nueve na ng gabi, kanina ko pa sana gustong umuwi. Kaso hindi ko naman maiwan-iwan ang dalawa dahil una sa lahat, wala akong dalang kahit anong sasakyan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako marunong magmaneho. Binigyan nga ako ng sasakyan ni Don Rafael, hindi ko naman magamit.

"Para namang may pake sakin yun." Hindi ko alam kung biro lang ang kinalabasan nun.

"Praning ka lang, oh siya, mauna na kami sa'yo. Mag-iingat ka diyan sa asawa mo baka patayin ka. Hahahhahha!" Malakas siyang napahagalpak ng tawa.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa sinabi niya.

"U-umuwi na nga kayo." Pagtataboy ko sa kaniya. Pumasok siya ulit sa loob ng kotse, si Tyron naman ay binuksan niya ang window ng kotse niya. Ngumiti siya saka nag-salute na parang pulis o kaya nama'y army.

"Goodnight." Sabi nito.

Ngumiti ako sa kaniya saka pinaharurot niya na ang sasakyan niya. Napatingin ako sa gate, kunot-noo akong pumasok. Bakit wala pa si Ian? Kanina pa iyong umaga umalis. Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ang kotse niya? Nakakapagtaka lang. Pagpasok ko ng bahay ay pinailaw ko na lahat ng ilaw. Medyo madilim kasi sa loob.

Nang makita ko ang sofa ay agad akong humiga rito.

Nakakapagod. Sobrang antok ko na rin. Gusto ko sanang matulog kanina sa kotse ni Tyron kaso putak ng putak naman si Jessica. Kaya ayun, nanatiling mulat ang aking mga mata. I closed my eyes. Nasan na kaya si Ian? Gabing-gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi.

Three days had passed pero ganon pa rin.

Hindi pa rin siya nagpapakita sakin kaya sobra-sobra na ang pag-aalala ko. Pano na lang pala kung may nangyari ng masama sa kaniya? Saan siya umuuwi? Pagkagaling ko sa university ay umuuwi kaagad ako sa bahay umaasang madadatnan ko siya rito. Ni hindi na nga ako nakakasama sa mga gala nina Tyron at Jessica.

Tumayo ako.

That's it. Pupunta ako ng kompanya. Isang beses pa lang akong nakapunta ron, at alam na rin ng lahat na mag-asawa kami. Half day lang ang klase namin ngayon, at mamayang hapon pa ang pasok ko. Nagbihis ako ng pormal na damit.

Ayaw kong pumunta dun na mukha akong manang.

Nag-grab na lang din ako. Para naman may silbi ang cellphone na binigay sakin. Habang nasa loob ay puno pa rin ng katanungan ang isip ko. At para malingat ay inisip ko muna iyong mga perang allowance na binibigay sa akin kada buwan. Hindi ko naman iyon masyadong nagagamit kaya iniipon ko sa bangko.

"Nandito na po tayo ma'am." Pukaw sa akin ng driver.

Agad kong inabot sa kaniya ang bayad saka bumaba na ng sasakyan. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay sinalubong ako ng dalawang guards na nasa gilid. Sila iyong security guards rito sa kompanya.

Tiningala ko ang nasa taas. At napangiti sa nakasulat doon.

'Peterson's Group of Company'

"Good morning po ma'am. Sino pong sadya nila?" Napakunot ako ng noo ng hindi ako makilala ng dalawang guards. Tinitigan ko ang kanilang mga mukha at na-realize na iba pala itong naka-duty ngayon. Umaga nga pala ngayon at iba ang naka-duty.

"Ian Peterson please."

"Ah sige po ma'am. Pumunta na lang po kayo roon." Sabay turo niya sa akin doon. Nakita ko doon ang secretary niya. Ngumiti ako sa dalawang guards saka naglakad papasok. Habang binaybay ko ang daan ay kinakabahan ako.

Na siyang hindi ko alam kung bakit.

"G-good morning ma'am." Nakita ko kaagad ang pagiging balisa niya. Bakit ba? Kanina pa ako naguguluhan. Hindi naman siya ganito eh. Nung una kong pagkakakilala sa kaniya ay hindi ganito.

"Nasan si Ian?" Tanong ko kaagad. Siya lang naman kasi ang puntirya ko rito.

"Nasa meeting pa po ma'am." Kahit maayos ang pagkakasalita ay hindi pa rin nawawala ang kaba sa boses niya. Dahil medyo nanginginig iyon. Nagpaalam ako sa kaniyang aakyat ako at wala naman akong nakitang pagtutol sa kaniya.

Sumakay ako sa elevator at gaya nung una kong tapak rito ay marami na namang nagbubulungan.

"Siya iyong asawa ni sir di'ba?"

"Panong naging asawa? Eh hindi ba't nasa taas ang girlfriend ni sir."

"Dinala siya rito ni sir dati eh. Tapos pinakilala sa lahat na asawa niya raw. Edi kung ganon, sino iyong babae kanina? Na kung makalingkis sa braso ni sir ay parang tuta lang."

Napantig ang tenga ko sa aking narinig.

Babae?

Sino naman kayang babae ang tinutukoy nila? Pagrating sa floor na kung saan naroon ang office na Ian ay lumabas ako ng elevator. Lumapit ako sa pintuan ng office niya. At akmang bubuksan ko na ito ng mapahinto ako. Huminga muna ako ng malalim kahit grabe na ang kaba ko. Mas dumoble ngayong nandito na ako sa taas.

Pinihit ko ang sedura at ganon na lang ang pagkagulat ko ng makitang nasa loob si Cheska.

Anong ginagawa niya rito?

Prente siyang nakaupo sa sofa at halatang busy sa pinapanuod dahil hindi niya naramdaman ang presensiya ko. Nakahiga siya na parang sirena tapos ay kumakain ng popcorn habang nakaharap sa malaking flat screen tv.

"Yannie diba sabi ko sa'yo huwag kang papasok ng hindi kumaka-"

At nang makita niya ako ay napatigil siya sa pagsasalita. Nakita ko kung pano kumuyom ang mga kamao niya. Nakita ko kung pano nandilim ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Sigaw niya.

Hindi ako nagpadala sa kaniya. Baka nakakalimutan niyang ako ang asawa! Naglakad siya papalapit sa akin at nabigla na lang ako ng bigla niya akong itulak! Mabuti na lang at hindi ako natumba.

"Wala kang karapatang pumunta rito!" Sigaw niya ulit.

Hindi ko alam na itong santa-santita na babaeng to ay isa palang eskandalosa. Akala mo kung sinong santa! Akala mo kung sinong mabait. Iyon pala ay pakitang-tao lang ang lahat.

"Mas wala kang karapatan!" Balik kong sigaw sa kaniya.

Akmang itutulak ko na rin sana siya pero hindi pa man lumalapat ang kamay ko sa balikat niya ay natumba kaagad siya. Hah! Ang galing, at ngayon siya pa ang may balak na magpatumba! Sino siya sa akala niya?

Magsasalita pa sana ako kaso nakaramdam ako ng kaba ng makarinig ako ng yabag ng mga paa.

At sigurado akong kay Ian iyon.

"What the fvck is happening here?"

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now