Chapter 11

108 7 4
                                    


***

"OH my gosh! Talagang bumait na siya?" Excited na tanong ni Jessica.

Nasa school's cafeteria kami ngayon. It's lunch time. At syempre, sino pa nga bang magkakasabay kumain kundi kami lang din naman tatlo. Naisip kong ikwento sa kanila yung tinuran ni Ian. Well, matagal-tagal na din naman iyong nangyari. Pero ngayon ko lang naisipang ikwento sa kanila.

"H-hindi ko alam," hindi ko talaga alam kung totoo ba lahat ng pinapakita niya.

Para ata akong na-traumatize kahit na hindi naman niya ako sinasaktan physically. Pero ang pagkakaroon naman trauma ay hindi lang naman pang-physical di'ba? Siguro nga na-trauma na ako sa mga nakikita ko sa kaniya noon.

Parating may kahalikan.

At nung sila pa ni Cheska ay nasasaktan din ako. Parati ko ngang iniisip noon na sana ako na lang. And now, my wishes came true. Binalot ako ng panandaliang lungkot ng maalala ang nanay at tatay. Kamusta na kaya sila?

Kahit naman pagbali-baliktarin ko ang mundo ay sila pa rin ang mga magulang ko.

"Alam mo, hindi mo naman kailangang itago ang nararamdaman mo. Kagaya ng sinabi namin, you are so transparent. Kung akala mo ay walang nakakaalam na malungkot at nasasaktan ka, pero nagkakamali ka roon." Yumuko ako sa sinubo ang natitirang pagkain sa plato ko.

"Don't be afraid when it comes to your feelings." Dagdag naman ni Tyron.

"Panong hindi ako matatakot, eh nadala na nga ata ako nung mga panahong parati niyang dinadala si Cheska sa bahay, at nung nag-uuwi pa siya ng babae." Talaga naman kasing katakot-takot iyon. Nakakadala.

"So it's really confirmed, mahal mo na talaga siya. Hindi lang mahal, kundi mahal na mahal. Kasi nakikita ko sa'yo ngayon, ay base na rin sa pananalita mo ay nagseselos ka. Unang beses mo ba yang naramdaman?" Dahan-dahan akong tumango.

"Oo," totoong unang beses ko pa lang ito naramdaman.

Kaya nga grabe ang takot ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong pwedeng mangyari. I think I'm very innocent when it comes to love. Ayokong mabiktima ako ng pag-ibig. Ayoko rin na tulad nina nanay at tatay ay parang hindi pinapahalagahan ang salitang pagmamahal.

Dahil hindi naman nila nagawa iyon sa akin.

"Alright, naiintindihan ka namin." Saad niya. Buti pa nga siya nagkaroon siya ng boyfriend. Si Paul, may boyfriend nga siya gago naman. Pinaglaruan lang ang feelings niya. May kabit pala ang hayop.

"U-uy, alam ko kung anong tingin yan. Kay Paul na naman ba?"

Ganon ba talaga ako kadaling basahin? Dahil isang tingin niya lang sa akin ay alam niya na kung anong pinapahiwatig ko. Pero sa tingin ko ay madali nila akong nababasa kasi kilala na nila ako. Dahil kung hindi pa naman nila ako kilala ay hindi naman nila ako mababasa ng basta-basta.

"Oo, inaamin ko. Minahal kong sobra si Paul. Kaya nga maski nung sinabihan niyo akong niloloko lang ako nung hayop na yun ay hindi ako naniwala,"

Yung mga panahong iyon ay hindi kami magkasundo.

"Pilit kong pinipilit sa sarili ko na hindi totoo ang mga balitang nakakarating sakin. Nagalit pa nga ako sainyo dahil lang sa kakitidan ng utak ko. Pero nang mahuli ko mismo sa akto si Paul ay para akong tinusok ng libo-libong kutsilyo sa katawan."

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant