Chapter 19

49 4 0
                                    


***

"MAGANDANG umaga iha." Bati sa akin ni manang Brenda.

Isang linggo na ako rito, pero hindi ko pa rin natatawagan si Jessica at Tyron, alam kong nag-aalala na silang dalawa sa akin. May pasok pa kasi ako sa school pero hindi na ako sumipot. Alam kong sa mga oras na to ay kinokontak na nila ako.

Pero anong magagawa ko? Walang signal sa lugar na ito.

Wala rin silang kahit anong wifi.

"Magandang umaga din po manang." Bati ko rin pabalik. Sabi kasi ni manang Brenda ay kailangan ko pang pumunta ng city kung magsi-signal ako. Medyo naka-close ko na rin siya. Mababait ang mga tao rito.

"Eto, gidalahan taka og mga hinog na saging na bagong ani lang," aniya.

Natuwa ako sa dinala niya.

Napag-alaman ko ring hindi naman pala talaga sila ang may-ari ng bahay na pinapaupahan. Sabi niya ay silang mag-asawa lang daw ang pinahalili ang mga kabahayan. Iisa lang din daw ang may nagmamay-ari ng bahay na'to. Ang mga Navalez. Sikat ang pamilyang iyon dahil sa sila ang pinakamayaman sa buong Davao. Kahit sa buong Mindanao ay sila ang pinakamayaman.

Iilan lamang daw ito sa mga lupa na pinagtayuan ng mga tahanan.

"Salamat po manang."

Balak ko sanang pumunta ng city ngayon. Tatawagan ko muna ang dalawa, baka nag-report na sa mga pulis ang mga iyon.

"Karon ba imong lakaw pangadtog city?" Tanong niya.

Nakakaintindi naman ako ng bisaya dahil si Ella ay minsan ring nagbi-bisaya noon. Kaya kahit papano ay nakakaintindi ako, kaso nga lang ay hindi pa ako masyadong marunong magsalita ng bisaya.

"Opo manang, tatawagan ko ho iyong mga kaibigan ko. Tiyak kong nag-aalala na iyon."

"Oh hala, mag-iingat ka roon, mauna na ako sa'yo," paalam niya.

Lumabas na ng bahay si manang. Komportable naman ako sa bahay na ito. Hindi rin mainit dahil presko ang hangin rito. Nakapaglibot na rin ako rito, sinamahan kasi ako ni manang Brenda. Nilibot namin ang buong nayon, malaki-laki rin. Pare-parehas ang mga kabahayan, nakapunta na rin ako doon sa taniman ng saging. Marami nga doon, may iba pang taniman dito. Katulad na lang ng palay, mais at kung ano-ano pang mga gulay at prutas.

Sagana ang buong kalupaan na ito.

Naligo na ako at naghanda para sa pagpunta ko sa city. Signal lang naman ang habol ko roon, saka bibili na rin ako ng mga pagkain. Para naman may laman na itong ref ko, halos karamihan kasi na laman nito ay mga prutas at gulat na bigay nina manang.

Mabait silang mag-asawa kaya madaling pakisamahan.

Mag-a-alas nueve na ng umaga ng napag-desisyunan kong umalis na. Naka-ayos na rin ako, simpleng parachute pants at fitted double lining lang ang suot ko na pinaresan ko ng white sneakers.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa terminal ng mga van.

Magba-van na lang ako.

"Sa terminal po ng mga van kuya." Sa isang linggo kong pamamalagi ko sa nayon ay halos kakilala ko na rin lahat ng mga tao rito. At sinasabi kong malayo talaga ang ugali ng mga taong nasa city kaysa sa mga ganitong lugar.

Limang minuto lang ang inabot ng makarating ako sa terminal.

Malapit lang naman siya kung sasakay ka ng tricycle, pero kung lalakarin mo ay aabot ng sampung minuto.

Kinse lang rin ang bayad sa tricycle.

Hinanap ko ang van na papuntang Davao city. At ng mahanap ko iyon ay sumakay na ako, sakto at isa na lang pala ang hinihintay nila. Pagsakay ko at pagbayad ko ng isang-daan ay agad din naman kaming umalis.

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now