Chapter 22

40 4 0
                                    


***

"YOU don't have to say sorry iha, it's my son's fault after all," aniya na nakapagpagaan ng loob ko.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Caiden.

Tahimik lang siya at kanina pa humihikab, mukhang antok na antok pa rin talaga siya. Hindi pa ata nakabawi sa pagtulog niya sa kotse.

Nakaupo kaming dalawa sa hapag, sakto kasi na kumakain ng pananghalian si Don Rafael. Inaya niya kaming umupo na muna at hindi naman namin iyon tinanggihan. Busog na rin naman kami dahil nag-drive thru kami kanina.

"Anyway, I heard that he and Cheska already broke up a month ago." Aniya.

Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Caiden. Halatang naiinip na siya. Unlike me, he hates hearing Ian's and Cheska's name. Sinaktan daw kasi ako ng dalawa kaya ayaw niya sa kanila. I don't blame him though.

"W-we didn't know that po." Sabi ko sa mahinang boses.

Kanina pa tapos sa pagkain si Don Rafael. Naligpit na rin ng mga katulong ang kubyertos na ginamit niya.

"Anim na buwan na silang hiwalay, hindi ko alam kung anong rason. But I think nagising na siya sa katotohanan." Dagdag niya pa.

"Ano pong katotohanan?"

Sa aming tatlo nina Don Rafael, ako at si Caiden ay kaming dalawa lang ng Don ang may balak na magsalita. Dahil ang isang ay pasuray-suray ang mga mata habang nakahawak sa akin ang kaniyang kamay. Kulang na lang ay sumandal siya sa balikat ko.

"Cheska is just using him. Matagal ko ng alam iyon kaya hindi ko gusto na sa kaniya maikasal ang anak ko."

"What do you mean?"

"I'm sleepy baby, can I atleast go back to the car and sleep for a while? We will just wait for you in there. You two needs privacy, and I respect that. Excuse me Don Rafael."

Before he left ay hinalikan niya muna ako sa mga labi.

"Nung college pa lang sila ay alam ko na ang binabalak ng babaeng iyon. I checked her background at hindi na ako nasorpresa ng malaman kong isa pala siyang bayaran na babae. Minsan ko na rin siyang pinasundan, may ally said na pumasok raw ito sa motel na may kasamang ibang lalaki. That's why ng ipakilala siya sa akin ni Ian ay hindi ko na kaagad siya nagustuhan." Aniya.

"I didn't give them my blessing,"

That brute!

Sinira niya pa ang kung anong meron sa amin ni Ian para ano? Para mahuthutan niya ng pera? Napakasama talaga ng ugali ng babaeng iyon. Ugaling pang kanal ang meron siya! Pang-skwater.

"And don't worry iha, malaya ka naman talaga simula pa lang. Your marriage wasn't registered. Remember the day when I told you na huwag mo na muna gamitin ang apelyido namin? It's because hindi naka-rehistro ang kasal ninyo. Ginawa ko iyon para maihiwalay ko ang anak ko sa babaeng iyon. And about your parents, totoong nangangailangan sila ng isang bilyon, ikaw ang naging kapalit pero hindi totoong kasal kayo."

Now I remember.

"Iha," tawag sa akin ni Don Rafael. Katatapos lang ng seremonya ng kasal. Hindi iyon bongga, pero naiintindihan ko naman sila.

"Bakit po?"

"In-enroll kita sa isang university. Mag-aaral ka, nalaman ko kasi sa mga magulang mo na hindi ka pa nakakatuntong ng paaralan. Kaya naisipan kong i-enroll ka. May pakiusap lang sana ako sa'yo, kung pwedeng huwag mo munang gamitin ang apelyidong Peterson. Maiintindihan mo rin balang araw iha,"

Mahabang paliwanag niya. At hindi ba talaga ako nagkamali sa narinig ko?

Na pinasok niya ako sa isang paaralan?

"Pano po ang mga papel ko? Kagaya na lang po ng sa ID ko?" Tanong ko. Syempre sa ID ay aalamin nila kung anong status ko. Pero hindi naman ipapakita iyon sa ID.

"Huwag kang mag-alala, nagawan ko na ng paraan iyan."

"Alam ko kung gaano kasakit ang naidulot sa'yo ng anak ko. I'm behalf of him, please forgive him iha. Nabulag lamang siya sa pag-ibig sa pag-aakalang si Cheska ang mahal niya."

Tumango ako.

"Matagal ko na po silang napatawad. Saka hindi na po importante sa akin ngayon kung sino ang mahal niya, dahil may mahal na po akong iba. Oo, minahal ko po ang anak ninyo. Pero hindi na ngayon, dahil mas mahal ko po si Caiden."

"Alam ko dahil nakikita ko iyon sa mga mata mo."

Magsasalita pa sana ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Y-you don't love me anymore?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. It's him, after five years ay ngayon ko na lang ulit nasilayan ang mukha niya. Hindi tulad noon ay mas lalong naging maamo ang mukha niya.

Lumapit siya sa akin.

At narinig ko ang pagsinghap ni Don Rafael pati na rin ang mga katulong na nasa gilid lang. Lumuhod siya sa harap ko at kinuha ang aking mga kamay.

"Please forgive me for what I have done. Sising-sisi ako sa ginawa ko. Hinayaan kong kontrolin ako ni Cheska. Hinayaan kong lasunin niya ang utak ko. Iyong mga pinakita ko sa'yo noon, t-that's real. Huling-huli na ang lahat bago ko siya nahuli sa akto. Ilang taon na ang nasayang. I love you Kristin, I love you so much."

Mangiyak-ngiyak niyang pakiusap.

Huminga ako ng malalim.

Kahit anong sabihin niya pa ay wala na akong nararamdaman na kahit anong pagmamahal. But I still care for him. Kawawa siya, naging bulag siya sa pag-ibig. Instead of chosing me, he chose Cheska. Dahil siguro ay akala niyang porke matagal niya ng nakasama ang dalaga ay kilalang-kilala niya na ito.

"It's oka-"

But before I could finish the words that I have said at nakita ko na lang na nakabulagta na sa sahig si Ian. May dugo ang kaniyang mukha. Agad akong napatingin sa kung sino ang may gawa niyon.

"Caiden," pagtawag ko sa kaniya.

Namumula ang kaniyang mukha at nanginginig ang kaniyang katawan, nakakuyom rin ang kaniyang kamao. Tila ba nagising siya sa biglaang pagtulog niya.

"Fvcking touch her again and I'll twist you hand!" Sigaw niya.

Na siyang ikinatakot ko.

Knowing Caiden ang talagang gagawin niya ang bagay na iyon. Nakita ko ang pagdalo ni Don Rafael sa anak, itinayo niya iyon. Pinahid naman ni Ian ang dugo na lumabas sa labi niya. Hawak ko naman ang braso ni Caiden, pinipigilan siya.

"Nauna siyang naging akin, kaya babawiin ko ang asawa ko." Mariing sambit ni Ian.

Oh my gosh, this means war.

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now