Chapter 21

61 4 3
                                    


***

"ANG tagal niyo ata?" Salubong sa amin ni Jessica at Tyron.

Kadarating lang namin sa airport, sila na ring dalawa ang nagkusang sumundo sa amin. At ang mga loko, sila na pala! Isang taon na pala sila at hindi man lang sinabi sa akin. But then, good for them. Matagal na rin naman silang magkakilala kaya ayos lang na maging sila. In fact, support pa ako sa kanila.

"Alam niyo namang naka-private plane kami di'ba?" Wika ko.

Ayaw ko nga sana pero gusto ni Caiden. Wala na akong nagawa kasi mas mabuti na rin at walang ibang tao. Knowing Caiden, ayaw niya sa mga mararaming tao. But wala siyang choice.

"Sosyalin yang asawa mo ah," biro ni Jessica.

Sinapak ko siya sa braso pero mahina lang. Baka masaktan ang juntis. Oo, buntis na pala ang gaga! Kaya pala nung pinabisita ko sila doon sa Davao ay hindi pumunta. Birthday kasi ni Caiden non, at inimbita ko sila. Pero hindi dumalo. Juntis na pala. Kabuwanan niya na rin ngayon, oh di'ba. Grabe talaga ang level ng dalawang to.

"Huy Tyron, kailan mo ba papakasalan yang babaeng yan?" Tanong ko rito.

Nasa loob kami ng sasakyan nj Tyron.

Nasa backseat kaming dalawa ni Caiden. At natutuwa ako sa kaniya ngayon, para kasi siyang bata na nakahiga at nakaunan sa lap ko at tulog na tulog. Kanina pa kasi to inaantok sa eroplano.

"Sooner or later. Paglabas ni baby," aniya.

"Hindi ka pa nga nagpo-propose!" Sigaw naman ni Jessica na ikinatawa ko. Namumula kasi ang mukha niya. Ganiyan ba talaga pag buntis?

"Babe please don't shout, natutulog si Caiden." Ani ni Tyron.

Napanguso na lang si Jessica.

Ako naman ay tiningnan itong lalaking tulog na tulog. Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Sa kaniya ko lang naranasan ang mga bagay na hindi ko naranasan noon kay Ian. Pinaramdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako at ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya.

Ang gwapo-gwapo talaga ng lalaking to. Kaya maraming babae ang nagkakandarapa mahalikan lang to eh.

Malalantik ang kaniyang mga pilikmata, matangos ang ilong, perfect ang jawline, maninipis na mga labi at mas nakakadagdag sa appeal niya ang kaniyang adams apple!

Akala ko nga nung una ay hindi ko na bubuksan pang muli ang puso ko.

Masyado na ata akong na-trauma.

Pero nagkamali ako.

"Manang Brenda, san po kayo pupunta?" Tanong ko sa matanda.

"Ay iha! Mabuti naman at lumabas ka. Halika, samahan mo ako papunta sa mansiyon ng mga Navalez." Aniya.

Kumunot ang noo ko, isang buwan na ako rito at ngayon ko lang narinig ang apelyidong Navalez.

Kakaalis lang rin nina Jessica at Tyron nung isang linggo.

Namalagi kasi sila rito ng dalawang linggo, wala naman daw kasing pasok kaya mas minabuti nilang manatili muna rito.

"Navalez po? Saan po ba iyon?" Tanong ko.

May klase pa kasi ako mamaya. Online class kasi ako, nakabili rin naman kaagad ako ng wifi kaya madali na lang para sa akin ang pumasok sa online class. Baka matagalan kami roon sa mansiyon na sinasabi niya.

"Ay, doon lang iha. Sa pinaka-tumoy aning lugara."

May pinakadulo pa pala ang lugar na'to? Ngayon ko lang to nalaman. Out of curiosity ay sumama ako sa kaniya. Sumakay kami ng tricycle para makarating doon sa mansiyon na sinasabi niya.

"Daghang salamat dong," aniya saka binigay ang bayad sa tricycle driver.

Bumaba kami sa tricycle. At bumungad sa akin ang isang napakalaking mansiyon. Sa tingin ko nga ay isa itong hacienda. Dito pala nakatira ang mga Navalez. Bibigatin ang mga ito panigurado. Bahay pa lang ay tiyak na bilyones ang halaga.

"Dito ka na muna iha ah, ngadto usa ko kay Señor." Sabi niya saka ako iniwan.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar.

Naglakad-lakad ako, dahil alam kong matatagalan si manang Brenda sa loob. Dinala ako ng mga paa ko sa isang fountain. Napakalinaw ng tubig na dumadaloy doon.

"Miss?"

"Ay kabayo ka!" Sigaw ko. Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan ng tingin ang lalaking nanggulat sa akin.

"I'm not a horse. What are you doing here? Bago ka lang ba sa lugar namin? You are not familiar to me. Kilala ko ang mga mukha ng mga taong naninirahan sa nayon namin. So, who are you and what are you doing here?"

Napatitig ako sa mukha niya.

Ang gwapo!

"A-ah, ako nga pala si Kristin Avenzado. Oo, baguhan lang ako rito. Saka nandito ako kasi sinamahan ko si manang Brenda." Explain ko. Hindi ko nga alam kung bakit nanginginig ang boses ko.

Hindi ko rin maintindihan ang inaakto ng puso ko.

Malakas ang tambol niyon.

Bagay na hindi ko dapat nararamdaman. Hindi ito maaari, hindi dapat ako muling magmahal dahil alam kong sa huli ay masasaktan lang rin naman ako.

"Kristin, what a nice name. I'm Caiden Aaron Navalez, one of the son of the owner of this place."

Pagpapakilala niya.

Inabot niya sakin ang kamay niya at malugod ko iyong tinanggap. Mahirap na baka palayasin pa tuloy ako dahil lang sa simpleng bagay na ito.

"Where's nanay Brenda?" Tanong niya.

"Nandoon sa loob. Kakausapin siguro ang tatay mo. Sige, mauna na ako sa'yo." Saka ko siya iniwan. Ayokong makasama siya ng matagal dahil baka sumabog ang puso ko kakatambol. Akala ko ba ay si Ian ang mahal mo? Pagkausap ko sa puso ko.

Pero bakit ngayon ay sa iba ka na tumitibok ng malakas?

At simula niyon ay hindi niya na ako tinigilan. Nanligaw siya sa akin makaaran ang ilang buwan. Suporta naman sa amin ang lahat ng tao sa nayon. Kahit ang mga kapatid niya! Lalo na ang tatay niya.

Hindi ko akalaing ayos lang sa kanila ang lahat.

At dahil din sa tulong niya at ng pamilya niya ay naka-graduate agad ako sa loob lamang ng isang taon. Nag-shift ako ng course at ang kinuha ko ay nursing. Kaya nga laking pasasalamat ko sa kanilang mag-anak.

Lumipas muna ang dalawang taon bago ko siya sinagot.

Sinabihan ko kasi siya na kung talagang seryoso siya sa akin ay patunayan niya. At hindi niya ako binigo. Pinatunayan niyang handa niya akong hintayin kahit na ganoon katagal ang hinintay niya.

"We're here." Anunsiyo ni Tyron.

Nandito kami ngayon sa mansiyon ng mga Peterson. Kakausapin ko pa si Don Rafael, hindi ba nga? Ginising ko na muna si Caiden.

"Caiden, gising na. Nandito na tayo." Paggising ko sa kaniya.

Naalimpungatan siya kaagad at bumangon at kinusot ang kaniyang mga mata. Antok pa nga ata talaga.

"We're here already?" Tanong niya sa mahinang boses.

"Yes, now let's go. Kakausapin natin si Don Rafael." Ani ko saka nauna ng bumaba ng sasakyan. Si Jessica ay nakatulog din sa medyo mahaba naming biyahe. Parati kasing dinadalhan daw ni Tyron si Jessica ng neck pillow.

"We'll wait for you there,"

Paglabas ni Caiden ay hinawakan ko siya sa kamay at walang atubiling pumasok sa loob ng mansiyon.

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now