Chapter 6

455 15 5
                                    


***

NAALIMPUNGATAN ako ng makarinig ng malakas na katok. Ano ba yan! Kakatulog ko pa nga lang dahil sa pangungulit ni Tyron.

Mabigat ang loob kong bumangon saka bumaba.

Hindi naman ako basta-basta nagbubukas ng pintuan. So, sinilip ko muna sa bintana kung sino iyon. And to my surprise, it's Ian! Akala ko ba nasa States siya? Bakit siya nandito? Mabilis kong binuksan ang pintuan.

Gayon na lamang ang aking pagkagulat ng bigla itong matumba sa akin.

"Cheska, please babe hear me out. Kasal ako kay Kristin because of my father's will. Nagplano na kami noon na maghihiwalay din kami after one year. Please babe don't leave me. Hindi ko kayang wala ka."

Parang tinusok ng ilang kutsilyo ang puso ko.

Lasing siya. Kahit pala nasa ganitong sitwasyon siya ay si Cheska pa rin ang hahanapin niya. Ako naman yung palaging nandito, pero bakit ganito?

"I-ian lasing ka lang." Pilit kong inaayos ang aking pananalita.

Nagulat na lang ako ng bigla itong lumuhod. At hawak pa nito ang mga kamay ko. Nakayuko siya na parang bata na pinapatahan ng isang nanay.

"I'm sorry babe, I'm sorry for not telling you. But believe me, I love you. I love you so much."

Tuluyan na akong napaiyak.

Those three words, kailan niya kaya yan masasabi sa akin? Grabeng martyr ko na nga ata talaga. Hindi naman masamang mahalin siya di'ba, tutal asawa ko naman siya. Kaya may karapatan ako sa kaniya.

"Ian tumayo ka na please..."

Pinilit ko siyang itayo at nagawa ko naman. Inakay ko siya papuntang kwarto niya. Amoy alak siya. Anong oras pa kaya siya nakarating ng Pilipinas? Naisipan niya pang pumunta ng bar at magpakalasing.

Inihiga ko siya sa kaniyang kama.

Pumasok ako sa banyo niya saka kinuha iyong maliit na palanggana saka kumuha na rin ang ng bimpo.

Pagbalik ko ay nakita ko ng yakap-yakap niya ang kaniyang unan.

"Cheska." Bulong niya.

Maging sa pagtulog, Cheska pa rin. Napabuntong-hininga ako saka pinunasan siya. Tiyak na wala siyang maalala bukas. Hindi maalalang nagsabi siya ng ganoon. Napangisi ako, kahit papano ay nagagawa ko ang tungkulin ko bilang asawa sa kaniya. Kahit sa ganitong paraan lang ay masaya na ako.

"Napaka-gwapo mo naman, tapos nababaliw ka lang sa isang babae." Kausap ko rito.

"Kung ako na lang kaya ang mahalin mo? Baka sakaling hindi ka man lang umiyak." Napatawa ako, "Ang kaso, kahit anong gawin ko. Hindi ko mapapalitan sa puso mo si Cheska. Alam ko kung gaano mo siya kamahal. Na kahit sa pagtulog mo pangalan niya ang parati mong binabanggit."

Pinagmasdan ko ang buong mukha niya.

Noon, pinapangarap lang namin ni Ella na magka-asawa ng gwapo. Pero ngayon, totoo na. Ang kaso lang, hindi naman ako mahal. Napaisip tuloy ako, kamusta na kaya si Ella? Kailan ko kaya siya muling makikita? Miss na miss ko na siya. Sana, tinuloy niya ang pag-aaral niya gaya ko.

Tutal mas marami naman ang public schools sa probinsiya.

"Pano ba yan, tapos na akong punasan ka. Matutulog na ako ah. Diyan ka na. May pasok pa ako bukas." Paalam ko sa kaniya. Tumayo na ako at akmang aalis na ng bigla niya akong higitin kaya ang resulta ay napahiga ako sa kaniya. Nakaunan ako sa dibdib niya.

"Don't leave me please."

Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya. Nakapikit pa rin. Pero nakakaramdam sa paligid niya. Mas lalo niya akong pinagsiksikan sa tabi niya. Tapos hinimas-himas niya pa ang aking mayabang buhok.

Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na kinain na pala ako ng antok.

Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si Ian. Kaya mabilis akong napabangon. Inunat ko na muna ang katawan ko bago umalis ng kama. Lumabas ako ng kwarto niya at pumasok sa kwarto ko. Maliligo na muna ako. After kong maligo ay nagbihis na ako ng school uniform namin.

At bumaba na rin.

Wala si Ian. Hinanap ko siya sa kusina pero wala siya doon. Nagluto na lang ako ng makakain ko. I went to the ref at kumuha ng dalawang egg doon. Pagsara ko ng ref ay nakita kong may maliit na note doon.

'I'm going to the company. Huwag mo na akong hintayin.'
-Ian

"Projects, puro na lang tayo projects. Nauubos na ang allowance ko dahil sa lintek na mga projects na yan." Reklamo ni Jessica.

"Wala naman tayong magagawa diyan. Business Administration ang kinuha natin eh. Saka lahat naman na mga kurso ay may mga projects. Buti na nga lang at hindi tourism ang kinuha natin eh. Dahil kada travel ay magbabayad tayo ng malaking halaga." Sabi ko sa kaniya.

"Hi Kristin, flowers for you."

Tyron gave me a bouquet of flowers. Nagiging hobby niya na ata to araw-araw. Ayaw ko siyang paasahin. Sinabi ko na sa kaniya noon na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. But he's not listening. Sabi niya he's willing to wait.

"Naks! May pa-bulaklak ka pa. Oh siya, halika na, baka mamarkahan na naman tayong late."

Sabay na kaming naglakad papuntang classroom namin.

Bitbit ko rin iyong bulaklak na binigay sa akin ni Tyron. Marami na nga akong collections eh. Pero lahat sila ay tulips, my favorite flower, remember? Nandoon sila sa kwarto ko, at syempre ay naka-organize silang mabuti. Mabuti na nga lang at hindi sila nalalanta. Dahil parati ko naman silang inii-spray-an.

"See you tomorrow Kristin!" Paalam ni Jessica.

Nandiyan na kasi iyong kuya niya na siyang parating nagsusundo sa kaniya. Kailan kaya ako maiisipang ihatid sundo ni Ian? Kahit sa pagiging magpinsan lang ang alam ng lahat. Pero imposible naman atang mangyari iyon. Siya ang nagmamanage ng kompanya ng dad niya. Kaya parati siyang busy.

"Pano ba yan. Mauna na ako sa'yo Kristin. Or, do you want me to take you home?"

Offer niya.

"Sige, ikaw bahala." I saw him smiled. Nagpunta kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya. Bigatin din talaga itong si Tyron. Nakakatuwa nga dahil kahit na mayaman siya ay hindi siya matapobre.

"Nandito na pala ang pinsan mo." Sabi niya.

Inihinto niya na ang sasakyan niya saka bumaba na ako. Nandiyan na nga talaga si Ian dahil andiyan na ang kotse niya.

"Ah sige Tyron, maraming salamat sa paghatid." Paalam ko.

"Your welcome. I'll go ahead na. Take care, see you tomorrow." Paalam niya rin saka pinaharurot ang sasakyan niya paalis. Pinanuod ko ito hanggang sa mawala sa paningin ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay at ganon na lamang ang gulat ko nang maabutan ko si Ian na may kahalikang babae.

Tila natuod ako sa aking pagkatayo.

Hindi sila tumigil sa paghahalikan, nakita ko rin na kung saan-saan na nakakaabot ang kamay niya. Para lang akong hangin sa kanilang dalawa. Tanggap ko pa kung si Cheska ang kasama niya. Pero ito? Hindi ko to matatanggap. Dali-dali akong pumanhik pataas.

Pagpasok ko sa kwarto ay napasandal ako sa pintuan.

Hinawakan ko ang dibdib ko na kumikirot ngayon sa sobrang sakit. Bakit? Bakit ko ba to nararamdaman? Pinili kong magpakasal sa kaniya sa kagustuhang makaalis sa puder nina nanay. Hindi ko naman aakalaing, magiging ganito pala kasakit.

Iyak lang ako ng iyak. Ako ang asawa, pero bakit pakiramdam ko'y wala akong karapatan sa kaniya?

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now