Chapter 14

58 4 2
                                    


***

APAT na buwan na lang ang meron kami.

Hiwalay na rin naman sila di'ba? Siguro hindi na rin kami maghihiwalay. Dahil sabi niya noon, maghihiwalay kami dahil pakakasalan niya si Cheska. Pero wala na sila ngayon.

"Ian? Sana hindi na to magwakas, sana palagi na lang tayong ganito."

Hinimas-himas ko ang kaniyang malambot na buhok. Ang fluffy talaga. Nakahiga siya ngayon sa couch habang naka-unan sa hita ko. Samantalang nakaupo naman ako ngayon. Naging maayos naman ang pagsasama namin kahit papano. Bumabawi namn siya. Alam ko namang hindi niya pa ako mahal. Pero para saan pa't tutungo rin kami doon?

"I hope so," mahinang bulong niya.

Pero kahit ganon ay hindi pa rin iyon lumagpas sa pandinig ko. Anong ibig sabihin niya sa sinabi niyang iyon? Ah basta, ang importante ngayon ay nagsasama kami. At wala ng Cheska na gugulo sa amin. Sana nga wala na.

"Teka, magluluto na muna ako ng ulam natin." Tinanggal ko ang ulo niya sa hita ko.

Kailangan kong magluto na ng ulam. Anong oras na kasi. Saka, medyo gutom na rin ako. Madali lang naman ang lulutuin ko. Ang paborito niyang pagkain, Adobong manok. Pumasok ako sa kusina at kinuha ang mga kagamitan sa pagluluto. Sinilip ko siyang muli sa sala, nakita kong nakapikit ang kaniyang mga mata habang ang tv naman ay patuloy sa pagsasalita.

Kakabalik lang din namin sa university nung isang linggo.

Nag-Jollibee pa nga kaming tatlo. Alam nila na medyo ignorante pa ako sa mga ganoong fast food chains. Dahil wala namang ganoon sa bahay namin sa Quiapo. Hindi naman kami kumakain sa labas. At lalong hindi kami kumakain sa mga mararangyang kainan.

"Asin, asukal, toyo, manok, sibuyas, at bawang."

Siguro wala pang tatlumpong minuto ay natapos na ako sa pagluluto. Inihain ko na iyon sa mesa, kumuha rin ako ng dalawang plato, tapos tig-dadalawang tinidor at kutsara. Tapos dalawang baso. Nang matapos ko na iyong ihanda ay tinawag ko na siya habang nasa kusina pa rin.

"Ian. Ian kakain na tayo."

Lumipas ang ilang segundo ay wala pa ring sumasagot. Kaya naisipan ko ng bumalik sa sala. Nilapitan ko siya. Ang himbing ng tulog niya. Yumuko ako para makapantay ang kaniyang mukha. Napaka-gwapo naman talaga nitong lalaking to.

Kaya maraming nagkakagusto.

Hinaplos ko ang kaniyang mukha. Ang kinis-kinis ng mukha, daig pa ang isang babae. Ang tangos-tangos ng ilong. Ang lalantik ng nga pilikmata. Ang nipis ng kaniyang mga labi. Napangiti ako, napaka-gwapo niya, mayaman pa, para tuloy akong nanliliit sa sarili ko. Wala akong karapatang maging asawa niya. Dahil, langit siya, at lupa lang ako.

"Kanina ka pa ba diyan?" Nailayo ko kaagad ang kamay ko sa mukha niya.

"Bago lang, halika na. Bumangon ka at kakain na tayo. I already prepared the foods." Tinulungan ko siyang bumangon. Sabay kaming naglakad patungong kusina. Nang naupo na siya ay sinimulan ko na siyang sandukan ng pagkain.

"This is, delicious." Puri niya.

"Paborito mo to di'ba? That's why I tried my best na matutunan ito. Alam mo namang wala akong masyadong alam sa kusina." I scoffed.

"Yeah. Thank you."

Sumapit ang gabi ng hindi pa nakakauwi si Ian. Alas nueve na ng gabi pero wala pa rin siya. Nandito ako sa veranda at hinihintay ang pag-uwi niya. Umalis siya kaninang alas-sais. Ga Sabi niya ay may importante lamang daw siyang pupuntahan. Pero mula kanina ay hindi pa siya umuuwi. Ni wala man lang akong natanggap na text galing sa kaniya.

Nasaan na kaya iyon?

Dala ng sobrang kaantukan ay pinili ko na lang na mahiga sa kama. May pasok pa pala ako bukas. Ang dali talaga ng weekend. Parang kahapon lang ay Sabado, tapos ngayon ay Linggo agad. Bukas ay Lunes. Balik na naman sa university. Nakakapagod pa lang mag-aral. Pero atleast nakaka-enjoy.

Ilang minuto akong nakatingin sa kisame bago tuluyang nakatulog.

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng may nagsasalita sa veranda. Napabangon ako kaagad. Nakauwi na pala siya. Nang pagtingin ko sa alarm clock na nasa gilid ay ala una na pala ng madaling araw. Bakit kaya gising pa siya? Saka anong ginagawa niya sa labas?

Alangan namang nagpapahangin lang.

Eh malamig na nga dito sa loob dahil sa aircon. Nga pala, nasa kwarto niya ako ngayon. Kapag kasi ay umaalis siya ng gabi ay dito na ako natutulog. Hindi naman siya umaangal. Mag-asawa kami diba? Kaya normal lang ito. Huwag niyo namang lagyan ng malisya.

Tumayo ako saka maingat na naglakad.

Nasa labas siya at halatang busy sa kausap niya sa kaniyang cellphone. Nakalagay kasi ito sa lamesa habang siya ay nakaupo naman sa upuan. Mukhang naka-loudspeaker ata siya. Kaya may possibility na marinig ko ang usapan nila.

"It's hard for me," aniya.

Nagsalita iyong nasa cellphone pero hindi ko maintindihan. Hindi naman kasi siguro siya naka-full volume para hindi ko marinig. Medyo choppy iyong boses ng nagsasalita sa cellphone. Nakita kong bumuntong-hininga siya.

"Mabait siyang tao. I don't want to ruin her." Dagdag niya pa.

Sino ba ang tinutukoy niya?

Nang makita ko siyang tumayo ay agad akong napabalik sa kama at humiga. Na kagaya ng pwesto ko kanina. Ipinikit ko ang aking mga mata kahit hindi naman totoong tulog ako. Naramdaman ko ang pagsara ng glass door na tanging daan papuntang veranda.

"I'll try." Iyon lamang ang huli niyang sinabi bago niya ibinaba ang tawag.

Kitang-kita ko siya sa posisyon ko ngayon. Lumapit siya sa kama at naramdaman ko ang pag-uga nito. Hudyat na nakapatong na siya sa kama.

"I'm sorry," mahinang bulong nito sa akin.

Nanatili akong nagpanggap na tulog. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako. Pero may isang katanungan na nabuo sa isip ko bago ako tuluyang makatulog.

Bakit siya humihingi ng tawad?

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now