Chapter 25

28 4 0
                                    

***

"AT ano naman ang pumasok sa kokote mo para magpakalasing ka ng ganiyan?" Sermon ko sa kaniya.

Alas onse na at ngayon lang nila naisipang bumaba.

"I'm sorry baby," mahinang bulong niya. Sa lobby sila dumiretso at tinawagan na lang ako ng staff sa baba. Lasing na lasing silang apat. Caiden, Ian, Tyron and James (Jessica's brother).

"Hoy! Sumosobra *huk* ka na pare!" Biglaang sigaw ni Ian.

"Ang usapan *huk* natin dapat fair tayo. Paghihirapan natin siya, hindi yung *huk* dadala-dalahin mo siya ng ganiyan." Dagdag niya ulit.

"Magsisimula na naman *huk* kayong dalawa." Singit ni James.

"Tumigil na nga kayo, kuya naman di'ba ang sabi ko hanggang alas otso lang kayo. Tingnan mo, hindi na kayo makalakad ng maayos. At ikaw naman Tyron, huwag na huwag kang lalapit sa anak mo na ganiyan ang itsura." Pagsesermon sa kanila ni Jessica.

"Ayaw mo na ba akong maging ama sa anak natin?" Parang batang tanong ni Tyron.

"Jusko! Wala naman akong sinabing ganiyan. Ang sabi ko, huwag ka munang lalapit sa kaniya. Amoy alak ka kasi." Pagpapaliwanag pa ng isa.

"Hindi mo na ako mahal?"

Napatawa ang lahat ng staff sa hotel dahil sa tanong ni Tyron. Maging ako ay hindi maiwasang mapangiti. Tyron has this hobby kapag nalalasing. Para itong bata.

"Tyron! Nakakahiya ka!" Sigaw ni Jessica.

"Ikinakahiya mo na pala ako ngayon? Ayaw mo na ba akong pakasalan? May iba ka na bang mahal? Pano na lang ang anak natin? Hindi siya magkakaroon ng buong pamilya kung hindi ako ang ama niya." Mas lalo kaming natawa sa sinasabi niya.

"Caiden, tara na sa taas."

Inakay ko siya papunta sa kwarto niya. Iniwan ko muna sila doon, pero babalik naman ako kaagad.

Inihiga ko siya sa kama.

"Where are you going?" He asked habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

"Babalik ako sa baba. I need to bring Ian to his room." Sagot ko.

"Fvck! What if he'll do something to you? I can't forgive myself if that would happen. Hayaan mo na ang staff ang dalhin siya sa kwarto niya. Go back to your room and sleep." Parang hindi siya lasing sa mga sinasabi niya.

"Okay." Sabi ko.

But the truth is, bumalik talaga ako sa baba. Hindi ko naman kayang pabayaan na lang si Ian doon.

Pagbaba ko ay nandun pa rin si Jessica at Tyron.

Natawa ako sa posisyon nila.

Nakaluhod si Tyron habang hawak-hawak ang kamay ni Jessica. Nagmamakaawa. Hindi pa ba siya tapos sa kalokohan niya?

"Sabihin mo kung sino ang putanginang lalaking yan."

Pagmamakaawa niya.

Halata sa mukha ni Jessica na napipikon na siya sa fiance. Sino ba naman kasi ang hindi mapipikon sa inaakto ni Tyron?

"Ian." Pagtawag ko sa kaniya.

Nakaupo lang siya sa sofa at matamang pinapanuod sina Tyron.

"You came back," aniya.

Mukhang hindi na gaanong kalasing ang lalaking to. Dahil maayos na ang pananalita. Hindi katulad kanina, paputol-putol pa.

"Let's go? Dalhin na kita sa kwarto mo." Kinuha ko ang kamay niya saka inalalayan siya sa pagtayo.

"Tyron kapag hindi ka pa tumayo diyan hindi talaga kita pakakasalan!" Sigaw ni Jess.

"There! Sinabi mo rin, hayop na lalaking yan! Sino ba yang ahas na umahas sakin? Ang ahas-ahas niya! Wala naman akong ginawa para ahasin niya. Bagay silang pagsamahin ng ahas, mga mukha silang ahas!" Napa-praning na sigaw nito.

Nilagay ko ang braso ni Ian sa balikat ko.

"Eh wala nga kasi! Sino ba kasi yang lalaki na iniisip mo huh? May anak na nga tayo tapos ganiyan pa ang iniisip mo!"

Mahina lang ang paglalakad ko.

Dahil baka matumba tong kasama ko. Pasuray-suray pa rin ang paglalakad niya.

"Wala, wala? Eh bakit mo'ko pinagbabawalan na lumapit sa anak natin? Bakit? Dahil ba mabaho ako? Kung buntis ka pa maiintindihan ko kung ayaw mo akong lumapit sa'yo kasi alam ko yun. Pero yung ganito? Ayaw mo'kong lumapit sa kaniya? Bakit? Hindi naman buntis ang anak natin ah! Hindi siya mabubuntis dahil lalaki siya!"

Lumakas ang tawanan sa paligid.

Pumasok kami sa elevator saka pinindot ang floor ng kwarto niya. Three minutes had passed at nakarating na nga kami sa labas ng kwarto niya.

"Matulog ka na," sabi ko.

Inihiga ko rin siya sa kama niya gaya ng ginawa ko kay Caiden.

"Thank you. Thank you so much Kristin. I love you," banggi niya bago siya tuluyang kainin ng dilim. Ang lakas ng hilik niya. Tulog na nga talaga. Kinumutan ko siya bago ako lumabas ng kwarto niya. Wala nga pa lang ibang tao rito sa hotel. Dahil nirentahan ito nina Tyron and Jessica.

Bumalik ako sa kwarto ko saka humiga at natulog.

Kinabukasan ay nagsidatingan na ang iba pang mga invited sa kasal ng dalawa.

"Mom! Dad!" Salubong ni Tyron sa mga magulang.

Kakauwi lang nito galing sa States.

"Son. How are you? Where's our grandson? We want to see him." Excited na sabi ni Mrs. Bosca.

"How are you?" Tanging sambit ni Mr. Bosca.

"I'm fine mom and dad, though I still have hangover. And my son? Nandun sa labas. It's our pictorial day. Magbibihis na rin ako at pupunta na doon." Sagot ng anak nila.

Lumabas na ako ng hotel at pumunta sa lugar kung saan magpi-pictorial.

Nakabihis na rin ako.

Of course, bridesmaid ako.

Groomsmen naman sina Ian at Caiden, tapos si James which is kuya ni Jessica ay siya ang maghahatid sa kapatid niya doon sa altar pag kasal na ng kapatid niya. Ulila na nga sila, remember?

"Nandito na pala ang bridesmaid!" Sigaw nung photographer.

"Kristin! Nasan na si Tyron?" Tanong ni Jessica. Katatapos lang nilang mag-picture. Sinakto kasi nilang sunrise, para daw mas maganda.

"Magbibihis pa lang," sagot ko.

Sinimulan na akong kuhanan ng picture ng babaeng photographer. Iba't ibang poses ang ginawa ko. At nang dumating si Caiden ay parehas kaming kinuhanan ng picture. Sinabi pa nga ni Jessica na couple kami, kaya ang photographer ay sinabihan kami na mag-pose ng nakahalik sa noo ko si Caiden. Tapos ang sunod na pose namin ay nakahawak sa bewang ko si Caiden.

May mga iilang poses pa kaming ginawa. At ang last ay iyong nakasakay ako sa likod ni Caiden.

Kinuhanan niya rin ng solo pic si Caiden.

Tapos nung dumating si Ian ay kinuhanan na rin siya ng picture. Tapos maging si James. Huling dumating si Tyron dahil inasikaso niya pa raw ang mga magulang niya at ang iba pa nilang relatives.

Kinuhanan muna siya ng solo pic.

Tapos maya-maya ay silang dalawa ni Jessica. Tapos last ay silang tatlong mag-pamilya. Ang pinaka-last ay kaming lahat. Pati ang iba pang bridesmaids na mga pinsan at pamangkin ni Tyron.

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now