Chapter 17

37 4 0
                                    


***

"WHAT the fvck is happening here?" Agad akong namutla ng marinig ang boses na iyon.

Ang taong pinag-alalahan ko ng sobra. Ang taong hinintay ko ng tatlong araw. Ang taong mahal ko kahit na hindi ako sigurado kung nararamdaman man siyang katiting na pagmamahal sa akin. Ang taong iyon ay nandito.

Akala ko ay sa akin siya lalapit pero laking gulat ko ng si Cheska ang daluhan niya.

Napatanga ako.

"Are you okay? Did she hurt you? Just tell me if something hurts. What happened?" Alalang tanong niya rito. Nagsimulang manubig ang aking mga mata. Fvck! Bakit ganito?

"S-she pushed me babe," iyak ni Cheska.

Napatingin ako sa kaniya. Sinungaling! I didn't pushed her! Sa katunayan ay siya pa nga ang tumulak sa akin. Tapos ngayon ay siya pa ang may ganang bumaliktad ng istorya? Magsasalita na ako ng makita ko kung gaano kagalit ang mga mata ni Ian. Galit na galit iyon na para bang sa isang segundo lang ay kaya niya akong sakmalin.

"What the fvck did you do?" Sigaw niya.

Napapikit ako dahil dun. Nararamdaman ko ring nanginginig ako. I'm scared. Natatakot ako sa kaniya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nagsilabasan rin ang mga ugat sa leeg niya. Senyales na galit talaga siya ng totoo.

"H-hindi ko s-siya tinulak." Pag-explain ko pa.

Totoo naman kasi! Hindi ko siya tinulak. Napansin kong dumami ang mga empleyadong naki-usyo. Nasa likod rin ni Ian si Cheska na ngayon ay palihim na ngumingiti kahit na nakikita ko naman. Ang sama! Ang sama ng ugali ng babaeng to.

"Kung hindi mo siya tinulak bakit nakasalampak siya sa sahig?" Sigaw niyang muli.

Napapikit ulit ako dahil dun.

Dahil sa pag-sigaw niyang iyon ay biglang pumasok sa isip ko ang nanay at tatay. Kahit kailan ay hindi nila ako nagawang sigawan ng ganito kalakas. Hindi nila ako nagawang sigawan na puno ng galit.

Narinig ko na rin ang pagsisimula ng mga bulungan ng mga empleyado.

"Nako, ang arte talaga ng Cheska na yan. Simula pa lang ng dalhin yan ni sir dito ay mahahalata mo na sa mukha niya ang pagiging fake."

"Sopistikada nga, kanal naman ang ugali."

"Ang lakas niyang maka-fake. Story maker pa."

Iyon ang rinig ko sa kanila na alam kong hindi naririnig ni Ian ngayon. Binabalot siya ng galit ngayon kaya alam kong wala siyang pakikinggan sa kung ano mang sabihin ko, o sabihin ng iba. Marami namang nakakita eh, ako ang totoong tinulak ni Cheska. Kaso ang bruha natunugan siguro na papalapit si Ian kaya sinadya niyang magpatumba.

"Ako ang t-tinulak niya!" Depensa ko.

He gritted his teeth. Alam kong galit na galit na talaga siya. Nakakuyom na ngayon ang mga kamao niya. Magsasalita pa sana ako kaso, napahawak ako sa kanang pisngi ko. Napasinghap rin ang mga taong nasa paligid. H-he slapped me.

"Damn those fvcking excuses!" He shouted.

Nanginig akong lalo. Ito ang unang beses na napagbuhatan ako ng kamay ng kahit nino man. Ni mga magulang ko ay hindi ako ginaganito! Bakit ganito? Ano bang naging kasalanan ko sa kaniya? Sa kanila?

"I-ian."

Pagtawag ko sa kaniya.

Masakit ang pisngi ko. Nakahawak pa rin ako doon. Nakita ko ang mas lalong pagliyab ng kaniyang mga mata. Parang ano mang oras ay matutunaw ako. Habang si Cheska naman na nasa likod ay pilit na ngumingiti. Baliw ba siya? Akala ko ba mabait siya? Dapat tinutulungan niya ko rito hindi pinagmamasdan at nginisian! Binalot kaagad ako ng galit.

"Leave! Huwag ka ng magpapakita ulit sa akin! Umalis ka na rin sa bahay ko!" Sigaw niya.

Napaiyak ako ng tuluyan.

"Parang awa mo na. W-wala akong matitirhan. Saan na lang ako pupulutin kung papaalisin mo ako? Nagmamakaawa ako sa'yo. Mahal kita Ian, parang awa mo na." Kahit awang-awa sa sarili ay napili ko pa ring lumuhod at magmakaawa sa kaniya.

Totoong hindi ko alam kung saan ako pupunta kung papalayasin niya ako.

"Kawawa naman si ma'am."

"Bruha talaga yang Cheska na yan."

"Hindi man lang naawa."

"Si ma'am ang legal na asawa. Nako! Gusto ko yang sabunutan yang Cheska na yan ah, pigilan niyo ko, pigilan niyo ko!"

"Lumayas ka na at wag na wag ka ng babalik pa. Let's go babe." Tinalikuran niya na ako at pumasok siya sa opisina niya. Iyak lang ako ng iyak. I feel so hopeless. Nakaluhod lang ako rito sa sahig habang umiiyak. Alam kong sabog na sabog na ang mukha ko ngayon sa kakaiyak.

Naglakad papalapit sa akin si Cheska.

Yumuko ito para makapantay ako, "See? Sa akin pa rin ang huling halakhak." Sabi niya habang nakangisi. Parang gustong-gusto kong suntukin ang mukha niya sa inis. Ngayon alam ko na.

Ngayon alam ko na kung anong klaseng tao siya.

Mapagpanggap, isa siyang mapagpanggap. Isa siyang great pretender. Hindi ko alam kung bakit niya nagawang magpanggap. Bakit? Para ba mahalin siya ni Ian? At ngayong mahal na mahal at baliw na baliw na sa kaniya si Ian ay pinapakita niya na ang tunay niyang ugali?

"Hinding-hindi siya magiging sa'yo," aniya.

Tumayo ako.

Hindi. Hindi dapat niya akong makitang ganito. Hindi niya dapat akong makitang mahina. Dahil alam kong ite-take advantage niya iyon. Pinahid ko ang lahat ng luhang tumulo sa mga mata ko. At hinarap siya.

"Alam mo, wala akong pake. Sige, sa'yo na siya!"

Ayaw kong mang-away. Pero sobra na siya! Sobra na silang dalawa. Pinaglaruan lang nila ako.

"Wala kang alam! Bakit, alam mo ba lahat ng plano namin?" Sigaw niyang muli sa mukha ko. Bigla akong kinabahan. Anong ibig niyang sabihin? Anong plano ang sinasabi niya?

"Hah! Hindi mo pala talaga alam."

"Alam mo ba na ang lahat ng kabaitan ba pinakita niya sa'yo ay hindi totoo? Alam mo rin ba na habang naroon ka sa university ng mga Peterson at siya naman na narito sa kompanya ay patalikod ka niyang pinagtataksilan? At alam mo rin ba na tuwing late siya umuuwi ay dahil nagde-date pa kami? At eto, alam mo bang siya ang may gusto nang lahat ng iyon? Ano? Masakit ba?"

Napatigil ako.

Binalot ako ng sakit at galit. Poot na parang kumawala sa buong sistema ko. All this time, sa buong panahon na binigay niya sakin ay hindi pala totoo.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit minsan ay umiiwas siya sa mga tanong ko.

Parang tinusok ako ng isang libong kutsilyo dahil sa mga sinabi niya.

Hindi na ako nagsalita pa at tumalikod na. Aalis na ako. Ayoko na siyang makasama pa. Wala akong pake kung wala akong matirhan. Basta makaalis ako sa bahay niya. Parati na lang bang ganito? Parati na lang akong umaalis.

"Lumayas ka na at wag ka ng lalapit pa sa kaniya!" Habol niyang sigaw.

Pagpasok ko ng elevator ay nabigla sa akin ang mga empleyado. Iyak kasi ako ng iyak, humahagulgol. Nakita ko ang awa sa kanilang mga mata. Ganito na lang ba parati? Awa na lang ang nararamdaman nila sa akin. Parati na lang nila akong kinakaawaan. Ayoko na ng ganito, ayoko na!

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now