Prologue

2.7K 28 4
                                    


***

"OH! Sige, ibenta mo na lahat ng mga Sampaguitang yan. Huwag kang uuwi hangga't hindi yan nauubos ah." Bilin sa akin ng nanay. Tumango ako sa kaniya.

Palagi na lang ganito. Aalis ako ng maaga tapos uuwi ng hapon. Sinisigurong ubos lahat ng Sampaguitang binebenta ko. Sa murang edad, lumaki ako ng ganito ang pakikipagsapalaran sa mundo. Sabi pa ni nanay noon, maging praktikal daw ako.

Hindi naman kami ganito noon. Sabi pa nga ng lola ay may kaya daw sila noon.

Meron pa nga silang sarili nilang kompanya. Pero nalugi din iyon. Kaya heto, naghihirap kami ngayon. Hindi ko na rin alam ang ibang kwento patungkol sa pamilya namin. Dahil wala na akong balak alamin iyon. Okay na naman din ako sa ganito.

"Kristin! Ang aga mo naman ata ngayon." Napangiti ako ng lapitan ako ni Ella.

Kagaya ko, ay nagtitinda din siya ng Sampaguita. At parati kaming magkasama pag nagtitinda. Mabuti na nga lang at naging kaibigan ko siya. Saka, nasa labasan lang ang bahay nila at hinihintay niya lang ako sa labas ng bahay nila.

"Ella, anong maaga? Anong oras na nga oh. Kailangan nating makarami ngayon. Tutal, magpi-pyesta na rin dito sa lugar natin. Tiyak na maraming mga dayuhan ang pupunta dito! Makakarami na rin ulit tayo ng kita!" Masiglang sabi ko sa kaniya.

"Oo nga! Saka sigurado akong marami ring gwapo!"

Sa aming dalawa ay mas matanda pang si Ella ng isang taon. Kinse ako habang labing-anim na taong gulang naman siya.

"Ella naman! Gwapo-gwapo, yan na naman ang nasa isip mo. Hindi naman tayo matutulungan ng mga gwapong yan eh! Mapapakain ba tayo niyan?" Tanong ko sa kaniya.

"Huy hindi naman lahat tamad ano."

"Oo nga, pero kahit na. Bakit, sa tingin mo may magkakagusto sating gwapo kung ganito ang estado natin sa buhay? Hello? Mabuti na lang kung mahirap din yang gwapo na yan. Pero nako! Hinding-hindi talaga ako mag-aasawa ng pobre! Pinanganak na nga akong pobre, mamamatay pa akong pobre?"

"Hmm, sa bagay. May foint ka." Napangiwi ako sa pag-Ingles niya.

"Point yun hindi foint!" Nagtawanan lang kami hanggang sa makarating kami sa divisoria. Mas marami kasi ang mga kustomer dito kaysa sa gilid ng kalsada. Mamaya, sa simbahan na naman kami pupunta.

"Bili na po kayo ng Sampaguita. Ateng maganda, bili na po kayo."

Nakaka-apat na benta pa lang ako. Si Ella naman ay nakaka-dalawa pa lamang. Kinse lang presyo ng isang bugkos na Sampaguita. Kaya ang dinadala ko parati para ibenta ay mga nasa singkwenta. Para malaki din ang kita ko.

Nang magtanghali na ay naisipan namin ni Ella na umupo na muna at magpahinga.

"Magbenta ay hindi biro, maghapong nakatayo, di man lang makaupo." Pagkanta niya pa.

"Sa simbahan na naman tayo mamaya ah." Aya ko sa kaniya.

"Ay gora ako diyan! Maraming mga gwapo dun! Hindi pa naman tayo nakapunta doon kahapon. Eh pano, naubos agad yung Sampaguita natin. Sana pala dinamihan natin kahapon." Reklamo niya.

"Matumal ang benta natin ngayon ah. Nakakapanibago." Saad ko.

"Alam mo kahapon Kristin, nakita ko si Jomar! Mas lalo siyang gumwapo! Kaso nga lang, may jowa na pala. Haist, umalis lang siya ng Barangay natin tapos pag-uwi, may jowa na pala." Malungkot niyang sabi.

Si Jomar ang matagal niya ng gusto.

Kaso nga lang, umalis ito, siguro mga dalawang taon na ang lumipas. Tapos, kakabalik lang nung isang linggo.

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now