Chapter 3

1.5K 22 2
                                    


***

"I NOW pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride." Anunsiyo ni mayor.

Hindi katulad ng dream wedding ko ang kaganapan ngayon. Simpleng pagpapakasal lamang ito. Tanging mayor at iba pang mga tao ang naririto. Nandito din ang nanay at tatay tapos si Don Rafael.

Nilapit sa akin ni Ian ang mukha niya.

Akala ko'y talagang hahalikan niya ako sa labi. Pero nagkamali ako. Hinalikan niya lamang ako sa pisngi. Masaya kaming humarap sa mga tao at itinaas ang aming kamay kung saan naroon ang singsing.

"Congratulations anak." Bati ni Don Rafael.

Marami pa kaming natanggap na mga bati at puri. Masayang tinanggap namin ang lahat. Pagkatapos ng maikling salo-salo ay dinala ako ni Ian sa isang malaking bahay.

"And this, this is our home." Sabi niya.

"Ah Ian... Sabi nga pala ng dad mo, ipapasok niya daw ako sa paaralan. Pumayag ako dahil matagal ko na ring gustong mag-aral." Pagpapaalam ko pa sa kaniya.

Asawa niya na ako ngayon, kaya dapat alam niya lahat ng gagawin ko.

Isa na akong Peterson ngayon. Ako na si Kristin Avenzado-Peterson. Parte na ako ng mga Peterson.

"Do whatever you want. Saka nga pala, kailangan nating gumawa ng mga batas." Napatango ako sa sinabi niya. Oo, talagang kailangan namin ng mga batas. Labing-walo pa lamang ako habang siya ay bente-dos anyos na.

Umupo kami sa sofa at kumuha siya ng papel at ballpen.

"Rule number one, just like what I've said no strings attached. I love Cheska at wala sa isip kong lokohin siya. Rule number two, walang pakialamanan kung anong gustong gawin ng bawat isa. Rule number three, let's act sweet kapag narito ang dad."

Tanging tango lamang ang sagot ko sa kaniya.

"M-may balak ka bang dalhin si Cheska dito?" Tanong ko sa kaniya. Syempre naman, para malaman ko kung kailan ako uuwi. Kasi baka mamaya, makita ko sila dito ni Cheska. Ngayon, nararamdaman ko sa sarili kong mabait si Ian. Pero siya yung tipo ng tao na huwag na huwag sasagarin.

"Remember the rule number two."

Napayuko ako. Oo nga pala. Rule number two, walang pakialamanan. Tumayo ako at pumasok sa magiging kwarto ko. Alam ko na agad ito dahil kahapon ay pumunta kaming dalawa rito. Isang linggo na rin simula nung tumira ako sa mansiyon. At sa isang linggong iyon ay hindi ko man lang nasilayan ang nanay at tatay. Kanina ko lang sila nakita.

Siguro masaya na sila na nakuha na nila ang gusto nila.

Hinubad ko na ang damit ko at nagbihis ng pantulog. Kahapon lang din ay bumili kami ng mga bagong kagamitan. Mga bagong damit at gamit sa bahay. Sagot lahat iyon ni Don Rafael. Dahil binigay nito sa amin ang card nito at malaya naming ginastos iyon.

Sa isang buwan naming pagsasama ni Ian ay naging maayos naman ang lahat.

Pero natatakot ako.

Hindi ko naiintindihan kung anong nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya. Bihira lang siyang umuuwi rito. Kinakabahan ako kapag malapit siya sa akin. Alam kong hindi ko dapat nararamdaman to, pero hindi ko magawa.

"Huy Kristin, pano tayo matatapos niyan kung tulala ka?"

Bulyaw sa akin ni Jessica. Isang buwan na rin ang nakalilipas simula ng makapasok ako sa paaralan. College na ako, hindi na ako dumaan pa sa elementarya at highschool.

"Jessica, hayaan mo na yan at baka may iniisip pa." Awat naman ni Tyron.

"Palibhasa gusto mo." Bulong naman ni Jessica pero kahit mahina iyon ay nadinig ko pa rin. Umayos ako ng upo saka pinagmasdan ang aming ginagawa. Oo nga pala, gumagawa kami ngayon ng thesis namin.

"Kristin, do you think this is pretty?" Tanong sakin ni Tyron.

Ipinakita niya sa akin ang isang bugkos ng Tulips.

Natuwa kaagad ako, it's my favorite flower! "Yes of course! Why? Sinong pagbibigyan mo niyan?" Sa isang buwan ko ring pag-aaral ay natuto na akong magsalita ng straight na Ingles. Kaya hindi na ako nahihirapan. Fast learner naman ako kaya naging madali lang ang lahat.

"W-wala."

Kita ko ang pamumula ng tenga niya kaya napatawa ako. It's pretty obvious! Alam ko namang may crush sa akin si Tyron. Pero ayaw ko siyang paasahin, may asawa na akong tao. Pero ang laswa kung magkakaroon ako ng boyfriend. Pero bakit naman? Si Kyle nga merong Cheska.

"Aysus, ayan kasi. Ang torpe-torpe." Singit ni Jessica.

Tinawanan lang namin pareho si Tyron dahil mas lalong namula ang tenga niya. Nakakatuwa talaga siya kahit kailan!

"Huy Tyron, ihatid mo yan ng walang galos si Kristin ah. Kundi malilintikan ka sakin pag nalaman kong nagkaroon yan ng scratch sa kahit saang parte ng katawan yan." Sermon ni Jessica.

Kakatapos lang namin sa thesis kaya pauwi na kami ngayon.

"Oo na. Let's go Kristin?" Ngumiti ako kay Tyron at sumakay sa kotse niya.
Hinatid niya ako sa bahay. Kinabahan ako ng makita ko ang kotse ni Kyle sa labas. Kadarating niya lang ba?

"Oh, kaninong kotse yan?" Tanong naman nitong kasama ko.

"Huh? Ah, baka nandiyan si dad sa loob. Sige ah, mauna na ako sa'yo. Salamat nga pala sa paghatid. Mag-iingat ka."

Oo, alam kong iniisip niyo.

Hindi alam ng iba na kasal na ako. Dahil Avenzado pa rin ang gamit kong apelyido sa school. Sabi ni Don Rafael ay antayin ko muna daw na tumuntong ako sa bente bago ko gamitin ang apelyido nila. Pumayag naman ako, dahil ayoko ring layuan ako ng mga kaklase ko dahil lang sa may asawa ako.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan ko doon si Cheska.

Nakasuot ito ng apron. At halatang galing sa kusina. May hawak pa nga itong maliit na plato, siguro iyon na iyong niluto niya.

"Good afternoon Kristin! Halika dito, saluhan mo kami ng kuya mo. Nagluto ako ng paborito niyang adobo."

Oo ulit, tama kayo ng nabasa.

Hindi alam ni Cheska na mag-asawa kami ni Ian. Ang sabi sa kaniya ni Ian ay magpinsan kami. Pag nandito sa bahay si Cheska ay kuya ang tawag ko sa kaniya.

"Magbibihis lang ako ate."

Sabi ko sa kaniya at iniwan silang dalawa sa sala. Nasasaktan ako. Hindi ko kayang makita silang dalawang magkasama. Pero hindi pa ako nasasanay? Ang tagal ng parating pumupunta si Cheska dito.

Minsan nga nakikita ko pa silang magkadikit.

Masakit, oo. Ako nga na asawa niya ay hindi niya kaya maging ganon sa akin. Pero kapag kay Cheska. Sa bagay, girlfriend niya si Cheska at mahal niya. Eh ako? Asawa niya lang ako sa papel at higit sa lahat ay hindi niya ako mahal.

Habang mas tumatagal ang pagsasama namin ni Ian ay mas lalo kong nararamdaman ito sa kaniya.

Isang pakiramdam na kailanma'y hindi ko naramdaman sa ibang tao. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Dahil parati akong nag-aalala kapag hindi siya umuuwi ng bahay. Parati akong nasasaktan kapag nakikita ko silang magkasama ni Cheska.

Hanggang ganito na lang ba kami?

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now