Chapter 15

64 4 2
                                    


***

THESE past few days ay parang naninibago na ako sa galaw niya.

Para bang naging mailap na siya sa akin. Pag kinakausap ko siya ay halos bilang na lang ang salitang sinasabi niya. Ilang araw na siyang ganito. Siguro hindi pa naman umaabot ng isang linggo?

Pero simula nung gabing iyon ay naging ganito na siya. Ibang-iba na siya ngayon. Bakit parang nagbago siya kaagad?

"Ian, may problema ba tayo?" Tanong ko sa kaniya.

Nasa veranda kami ngayon. Siguro'y nagpapahangin siya, dadalhan ko sana siya ng kape at ng cookies na binake ko, akala ko kasi nasa kwarto niya siya. Nandito lang pala, nilapag ko sa maliit na table ang dala kong inumin at pagkain. Lumapit ako sa kaniya.

"No." Maikling sagot niya.

Parati na lang ganito. Kung hindi isang salita ay halos nasa sampung mga salita lang ang sinasabi niya. Napatingin ako sa kaniya, nasa malayo ang tanaw niya. Hindi ko talaga siya maintindihan. Maayos lang naman kami ah? Wala naman akong natatandaang may ginawa akong masama sa kaniya, ni wala nga akong nasasabing masama sa kaniya. Mahal ko siya di'ba?

"E-eh, bakit ganiyan ang trato mo sakin?" Lakas-loob kong tanong.

Hindi ko talaga alam. Feeling ko ay mababaliw ako kapag hindi ko malaman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. I am so damn curious!

"Don't mind me. Marami lang akong iniisip," aniya.

Marami siyang iniisip? Tapos, dahil lang dun magiging malamig ang pagtrato niya sakin? Dahil lang sa kung ano mang iniisip niya ay magiging ganiyan siya? I am not a nagger pero hindi ko na talaga kaya ang ginagawa niya. Gabi-gabi kong iniisip kung ano bang nagawa kong kasalanan, iniisip ko kung may nagawa ba akong mali. Ni hindi na ako magkaayos ng tulog dahil lang sa pag-iisip ko ng ganon!

"Required ba na hindi ako pansinin dahil lang diyan?"

I know that's a stupid question.

Pero di'ba asawa niya ako? Kahit naman siguro para sa kaniya hanggang ngayon ay sa papel lang kami kasal. Pero ako, pinapahalagahan ko iyon. Siya lang ang lalaking nakapagparamdam sa akin ng ganito. Mahal ko siya, mahal na mahal. Kaya nga nasasaktan ako ngayon sa kinikilos niya.

"I'm going, marami pa akong aayusin sa kompanya."

Sabi niya bago ako tinalikuran. Madali lang naman ang sagot para dun eh, kahit 'oo' at 'hindi' lang ang isagot niya. Nang makaalis na siya ay kinapa ko ang puso ko. Ito na ba yung sinasabi ni Jessica? Na huwag kong ibibigay ng buo ang pagmamahal ko?

Binalingan ko ng tingin iyong kape at cookies.

Oo nga pala, dapat ibibigay ko iyon sa kaniya pero hindi ko na nagawa. Lumapit ako sa mesa saka umupo sa upuan. Dumampot ako ng isang cookies saka kinain iyon. Masakit ang dibdib ko ngayon, hindi dahil sa may sakit ako o kung ano. Dahil alam ko namang wala sa lahi ng pamilya namin ang pagiging masakitin.

Kaya nga kampante ako noon na hindi kumain ng tanghali.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Puno ng katanungan ang isip ko. Ang puso ko naman, parang tinusok ng libo-libong kutsilyo. Naubos ko na lang ang kape at cookies kaya naisipan kong bumaba na.

Pagtapos kong mahugasan ang lahat ng hugasin ay pumasok ako sa kwarto ko.

And I dialed Jessica's number.

"Oh? Bakit ka napatawag?" Bungad niya sa akin. Ni-loudspeaker ko ang cellphone saka binaba sa kama. Humiga agad ako, patihaya ang klase ng pagkakahiga ko. Bumuntong-hininga muna ako saka ako nagsalita.

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now