Chapter 29

30 4 0
                                    

***

"KUMAIN ka na." Nilingon ko si Ian na may bored na tingin.

"One week ka ng hindi kumakain ng maayos. Kumain ka na please, para makabawi na ang katawan mo." Pamimilit niya pa. Tiningnan ko ang pagkain na inaalok niya.

Wala talaga akong ganang kumain.

One week na buhat ng magising ako. One week ko na ring alam kung ano ang totoong nangyari.

"Kristin, wag ng matigas ang ulo please." Pakiusap niya.

Ano bang magagawa niya kung wala talaga akong gana? Ayokong kumain, ayoko talaga. Ayokong kumain kapag siya ang nag-aalok sa akin. Binisita ako rito ni Caiden. Nakiusap sina Jessica na kung pwede siya raw muna ang magpakain sa akin.

"Captain Caiden Navalez." Bati nilang lahat sa bagong dating na lalaki.

Pagtingin ko sa pintuan ay agad na lumuha ang mga mata ko. My Caiden, I missed his face. Gustong-gusto ko siyang lapitan at hagkan, pero hindi ko magawang tumayo.

"C-captain, ilang araw na po siyang hindi kumakain. Sobrang nag-aalala na po kami sa kaniya. Ikaw po ang parati niyang hinahanap. Baka kung pwede po ikaw na muna ang magpakain sa kaniya." Pakiusap ni Jessica.

"Sige." Walang atubiling sagot nito.

Lumabas silang lahat at kaming dalawa na lang ni Caiden ang natitira sa silid. Lumapit siya sa akin habang dala-dala ang tray ng pagkain.

Hindi ko maiwasang hindi mahumaling sa mukha niya.

"Eat now," malumanay nitong sabi.

Sinubuan niya ako at malugod kong tinanggap iyon. Ngayong si Caiden ang nasa harap ko ay mas lalo akong gaganahan sa pag kain.

"I'm glad your awake. I'm sorry, it was my fault. Hindi ko na-check kaagad kung may problema bang iniinda ang eroplano. I thought the flight will be going smooth, pero nagkamali ako. I don't know how can I forgive myself, maraming buhay ang nawala dahil sa kagagawan ko. I even lose my bestfriend, my co-pilot." Naiiyak nitong kwento sa akin.

"I-it's okay, right? As long as may nailigtas ka pa rin kahit papano."

Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kaniya.

The realization hit me.

He's not my Caiden. My Caiden isn't a pilot. Hindi piloto ang Caiden ko. Walang tinuturing na bestfriend ang Caiden ko. Malayo-malayo sa Caiden na nasa harap ko ngayon.

Marami pa siyang sinabi sa akin hanggang matapos ko ang pagkain ko.

Sakto namang pumasok ulit sina Jessica. Hindi tulad kanina ay bitbit niya na ang anak nila ni Tyron, si baby Tyler. Hinehele niya ito.

"Thank you Capt."

Tumayo na si Caiden saka nagpaalam na aalis na. Paglabas ni Caiden ay nagsiunahang pumatak ang aking mga luha. Realizing na hindi siya ang Caiden na kilala ko.

"Sana pala hindi na lang ako nagising," walang buhay kong salita.

"P-please don't say that."

Para na ring walang saysay ang buhay ko. I even loved Caiden, k-kahit hindi pala totoo ang lahat ng senaryong lumabas sa isip ko. Naaalala ko pa rin ang sinabi ng doctor.

"When a person is in a coma, kung ano ang naririnig niya sa paligid ay ginagawan ng scenery ng kaniyang utak. Kaya siguro masyadong confused siya ngayon because of that. Hindi niya pa siguro matanggap ngayon, but soon, matatanggap niya rin. Let's just for her to fully recover. Alam namin natin simula pa lang na walang kasiguraduhan ang kaniyang paggising, but it did. Nagising siya, indeed a miracle."

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now