Chapter 30

37 4 0
                                    

***

"ANO pa bang kailangan mo samin? Nandiyan na ang totoo mong mga magulang, bakit ka pa pumunta rito?" Iyon agad ang tanong ng babaeng tinuring kong nanay sa loob ng napakahabang panahon.

"B-bakit? Bakit niyo nagawa sakin to?" Galit na tanong ko.

Tatlong buwan ang nakalipas bago ako na-discharge.

At ang una ko agad na binisita ay ang dalawang taong totoong nagpahirap sa buhay ko. Sila agad ang sinadya ko. Natanggap ko na rin ang lahat ng nangyari, mentally stable na rin ako ngayon. At ang mga totoo kong magulang ay tanggap ko na rin. Even Cheska, she's my sister kaya tinanggap ko siya.

"Hindi pa ba malinaw sa'yo na ginawa lang namin yon para sa pera?" Nangangalaiting sigaw ng babae.

Hinding-hindi ko na siya tatawaging nanay.

Wala silang karapatan para galangin ko pa. Dahil hindi nila ako ginalang simula pa lang!

"Alam kong may malalim kayong dahilan, sabihin niyo!" Hindi ko na rin naiwasang magtaas ng boses sa kaniya. Nandito kami ngayon sa presento. Kung sakaling saktan man nila ako ay hindi nila magagawa. Dahil puno ng kapulisan ang nasa gilid namin.

"Gusto mong malaman huh? Gusto mo?"

Nasa tabi niya lang ang asawa niyang tinuring kong tatay. Tahimik lang ito na para bang na-trauma dahil sa pagkakakulong.

Hindi na rin ito nagsasalita.

"Pwes! Sasabihin ko sa'yo, alam mo ba kung bakit ka namin dinukot? Dahil yang mga magulang mo ang sumagasa sa inosente naming anak na nagtitinda ng Sampaguita! Namatay ang anak ko dahil sa kanila! Kaya hinanap namin ang bahay nila at kinuha ka bilang kabayaran sa namatay naming anak. Pinagbenta ka namin ng Sampaguita para maranasan mo ang nangyari sa anak ko! Hinintay rin naming masagasaan ka, pero hindi nangyari! Kaya nag-isip kami ng ibang paraan para pagkakitaan ka. Ibenenta ka namin kay Don Rafael para makabawi man lang. Masaya ka na? Masaya ka ng alam mo na ang lahat?"

"Hindi namin sinagasaan ang anak mo!" Sigaw ni mommy.

"Sinungaling!"

"Galing sa supermarket noon ang katulong namin at ang driver namin. Pag-uwi nila ay humingi sila ng tawad sa amin dahil sa nagawa raw nilang kasalanan, pilit namin silang tinatanong kung bakit sila humihingi ng tawad. Pero hindi nila kami sinasagot." Sagot ulit ni mommy.

"H-hindi! Nagsisinungaling lang kayo! Hindi yan totoo!"

Akmang susugurin niya na si mommy ng bigla ko siyang sinampal. Sakto ng ako lang ang pinahirapan nila noon! Sakto ng ako lang! Hindi na nila kailangang idamay ang totoo kong mga magulang.

"Huwag na huwag mong sasaktan ang nanay ko!" Sigaw ko sa kaniya.

Umalingawngaw ang tunog ng pagkakasampal ko sa kaniya. Kaya napabalik siya sa pag-upo niya. Pulang-pula ang pisngi niya dahil sa ginawa ko.

"Umalis na kayo dito! Sapat na ang mga nalaman ninyo!" Sigaw niya ulit.

"Aalis talaga kami dito dahil hindi kami nababagay sa selda! Kayong mag-asawa ang nababagay rito, at hindi kami." Mariin kong sambit.

Hinawakan ni dad ang kamay ko saka ako hinila.

Lumabas na kami ng presento, "Are you okay? Gusto mo ba ng maiinom? Sabihin mo lang samin, we are willing to buy everything for you. Oras na rin para i-spoil ka namin. We've spoiled your sister so much, dahil ayaw naming mawala rin siya samin. Now, that your back to us. Ikaw naman ang i-i-spoil namin. Is that okay to you Cheska?" Dad asked.

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now