Chapter 10

110 9 12
                                    


***

"OF course." I smiled.

"Kaya wag ka ng umiyak. Baka paalisin pa tayo dito dahil pinaiyak ka namin. We stayed quiet kasi hinihintay lang namin na sabihin mo ang lahat. Pero mukhang natagalan bago mo sabihin." Natatawang saad ni Jessica.

"Pasensiya na kayo ah. Natakot lang talaga ako ng husto."

Puno ng katanungan ang isip ko ngayon. Bakit nga ba ako natakot na baka kung malaman nila ang totoo ay iiwas sila sakin? Parang ang babaw naman ng pag-iisip ko. Dapat pala ay inisip kong maaari nila akong matulungan o kaya naman ay mabigyan nila ako ng mga payo.

"Wala ka namang dapat katakutan. Kaibigan mo kami, at maiintindihan ka namin."

Mas lalo kong nagugustuhan ang ugali nilang dalawa. They are the most understanding person I've ever met. And suddenly, nag-pop si Ella sa utak ko. Sobrang miss ko na talaga siya. Kamusta kaya ang buhay nila sa probinsiya? Ang tatay niya kaya? Maayos na ba ito?

"Thank you. Maraming salamat sa inyong dalawa."

Niyakap ko sila. Isang mahigpit na yakap.

"You're always welcome," napanguso ako ng ginulo ni Tyron ang buhok ko. Eh kakaayos ko lang nito bago ako umalis sa gymnasium eh! Tapos ngayon, uuwi tuloy ako ng bahay na gusot ang buhok.

"Oh siya, naghihintay na doon si kuya. Baka naiinip na iyon."

Tumayo na kaming tatlo ng magsalita si Tyron, "Hindi man lang tayo nakapag-orded ng kape." Panghihinayang nito. Kaya biniro ko siya.

"Tutal, tulad ng sinabi mo kanina. Only child ka naman, saka yung parents mo nasa States diba? Tapos parati ka namang may pera dahil hindi ka na umaasa sa padala nila. Tapos, dala mo din ang sasakyan mo. Kaya maiwan ka nalang kung nanghihinayang ka. Dahil kami ni Jessica ay uuwi na." Binelatan ko siya bago kami lumabas ni Jessica.

Tinalikuran na namin siya at kami naman ay tawa ng tawa.

"Wait for me you guys!" Sigaw nito sabay habol samin. At dahil mas loko-loko kami ay tumakbo kaming dalawa papuntang parking lot.

"So, shall we?" He asked.

Tumango ako sa kaniya. Bumaba siya ng sasakyan niya saka pumunta sa pintuan na nasa gilid ko at binuksan niya. Oh, he's being a gentleman.

Oh diba, ang fluent ko na sa English.

Malaki talaga ang tulong ng College sa akin. Saka Business Ad ang kinuha ko kaya dapat mas lalo pa akong maging fluent sa English. Dapat magaling ako, kaso pano na lang kung isang araw ay mag-manage ako ng isang business. Tapos halos karamihan na makakasalamuha ko ay mga beterano na sa English.

Pero hindi pa rin talaga ako maka-get over sa nangyari noon.

Nabigla ako sa paghingi niya ng tawad. Pero in my innermost core ay natutuwa ako. Marunong rin naman palang mag-sorry ang isang to. Matagal ko na rin naman siyang napatawad. Ayokong magtanim ng sama ng loob sa kaniya.

Kinaumagahan ng araw na iyon ay maaga akong nagising dahil may pasok na naman.

Nagluto na ako ng breakfast namin nang may kumatok sa pinto. May bisita ba? Tulog naman si Ian sa taas. Dahil puno lang ng pag-uusap ang nangyari kagabi. Pumunta ako sa pintuan at binuksan iyon. Pero laking gulat ko ng makitang si Cheska iyon.

Napaatras ako ng naglakad siya papasok.

Prenteng umupo siya sa sofa na para bang pagmamay-ari niya. Inilibot niya pa ang kaniyang paningin sa kabuuan ng bahay namin. Kahit napipilitan ay nilakasan ko ang loob kong magsalita.

"A-anong ginagawa mo dito?" Wala na ang ate.

Alam niya na naman ang lahat diba? Kaya bakit ko pa siya tatawaging ate? Saka hindi na siya girlfriend ni Ian. Dahil siya mismo ang nakipaghiwalay. Lahat ng tong mga sinasabi ko ngayon ay base lamang sa ikinwento sa akin ni Ian kagabi.

"Wala, binibisita ko lang. Kamusta na kayo?" Kalmado nitong tanong.

Napakunot ako ng noo. Napaka-soft pa rin ng boses niya na tila hindi siya apektado. Alas sais pa lang pero nakadayo na siya rito. Alas otso pa naman ang klase ko, nagising lang talaga ako ng sobrang aga dahil feel ko lang.

"What are you cooking wife?" Sabay kaming napatingin ni Cheska sa isang mala-adonis na bumaba ng hagdan.

Halatang bagong gising pa lang ito.

"Who's your visi-" napatitig siya kay Cheska. Ganon din si Cheska. Para silang nag ba-battle sa pagtitigan. Kaagad akong nakaramdam ng kaunting kislot sa puso. Nagtagal ng ilang segundo ang titigan nila bago unang nagbitiw ng tingin si Cheska.

"Good morning," maligalig na bati nito kay Ian.

Kahit kaninong disciples na ako nakiusap na sana huwag siyang sumagot dito. Dahil baka madagdagan pa ang pag-uusap nila. Edi magiging etsapwera na naman tuloy ako. Pero sadyang mabait nga talaga siguro ang isang-dosenang disciples dahil natupad ang pakiusap ko.

Lumapit ito sa akin at...

At hinalikan ako sa aking labi! Shux! Ngumisi ito ng nakakaloko, "Good morning, wife." Bati niya habang hindi pa rin naaalis ang ngiti niya. Pagkatapos niya akong halikan ay hinapit niya ang bewang ko na siyang ikinailang ko.

"Good for you too. Hindi niyo na kailangang magpanggap. Anyway, mauna na ako sa inyo. Happy wedding."

Tumayo na ito at lumabas na ng bahay.

Nang natiyak ko ng wala na si Cheska ay tinampal ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sa bewang ko. Napa-aray naman siya.

"At para saan iyon?" Tanong ko sa kaniya.

Na ang tinutukoy ko pa ay iyong halik na binigay niya sakin. Lumayo siya sakin saka dinilaan ang labi niya. Napalunok ako dahil sa ginawa niya. Maghunos-dili naman sana siya! Kaka-dise-otso ko pa lang.

"Good morning kiss ko. Bakit, bawal ba? Asawa naman kita ah."

May pagmamalaki sa boses niya.

Hinampas ko ulit siya pero yung mahina lang. Bumalik ako ng kusina saka kumuha ng mga plato. Kakain na kami. May pasok pa siya sa kompanya ng alas siyete y media. Tapos ang kupad-kupad kumilos. Eh ang rason niya, siya naman daw ang boss kaya ayos lang na hindi siya pumasok.

"Dito na lang tayo please..." parang batang pangungulit niya.

"Ano ka ba naman, may pasok pa ako. Tapos may pasok ka rin." Pangungumbinsi ko sa kaniya. Hindi naman kasing pwedeng mag-absent ako tas wala man lang valid reason. Anong sasabihin ko? Na ma'am absent po ako kahapon kasi hindi ako pinapasok ng asawa ko. Naglalambing po eh.

"Let's stay here all day." Ngumuso siya.

Ay jusko! Oh tukso, layuan mo ako~
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Baka sakaling madala. At tumigil na sa pangungulit.

"Hindi nga pwede, okay? Baka next time pwede na. Maligo ka na nga."

Pinagtulakan ko siya pataas.

Ayaw nga daw niya munang maligo dahil alam niyang opisina na ang kakaharapin niya pagkatapos. Napaka-tamad talaga! Kaya talaga hindi ko alam kung pano siya umasenso kahit na walang binibigay na pera sa kaniya si Don Rafael.

"Nakakatampo ka na," sabi niya saka kusa ng umakyat pataas.

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now