Chapter 26

28 4 0
                                    


***

ONE day left at kasal na nilang dalawa, and of course, Jessica's birthday.

She's turning twenty four now.

"Tyron ah, sinasabi ko sa'yo. Kapag ikaw talaga naglasing na naman. Hinding-hindi kita patutulugin sa taas. Magtiis ka diyan sa labas." Panenermon ni Jessica.

Nandito kami sa labas, gabi na ngayon ay nandito kami.

May bonfire sa gitna naming lahat. Ang narito lang ay sina Tyron, Jessica, Caiden, Ian, ako at si James.

"We'll play truth or dare," sabi ni James.

"Bale, spin the bottle talaga ang laro. Alam niyo na naman siguro ang gagawin sa larong to, di'ba?" He asked. Tumango kaming lahat. Hindi na naman kami bata para hindi malaman kung pano laruin tong spin the bottle.

"Okay, ako muna ang mag-i-spin."

And then he started, pag-ikot ng bote ay huminto iyon kay Ian. And suddenly, nakaramdam ako ng pagka-awkward.

"Okay Ian, truth or dare?"

"Truth."

"Do you still love my Kristin? Kahit na alam mong hindi na kayo pwede? Kahit alam mong ako ang mahal niya at hindi ikaw?" Dapat si James ang magtatanong pero naunahan siya ni Caiden. Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Kapag si Caiden ang magtanong.

"Yes. Hindi man kami pwede but I will fight for her. At saka hindi niya ako mahal? Maybe for now, pero noon minahal niya ako. At sisiguraduhin kong ako ang mamahalin niya hanggang dulo. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na nauna siyang naging akin, at sisiguraduhin kong ako rin ang huli niya."

"O-okay, stop it now." Saway ni Jessica.

Ian smirked at inikot ang bote. Sumakto naman iyon kay James. Parang bumalik lang sa kaniya.

"Truth or dare?"

"Dare." Matapang na sagot ni James. I saw Ian smirked again. May masamang balak ang lalaking to. Dahil sa pag-smirk niya pa lang ay mahahalata mo na.

"Tyron's cousin is over there. Balita ko kasing-edad mo lang siya," aniya.

"And what about his cousin?"

"Kiss her." Walang atubiling sagot ni Ian. Nasisiraan na ba siya ng bait? It seems more challenging kay James kasi ngumisi rin siya. Napatingin ako kay Tyron na parang wala lang.

"What? Matanda na ang pinsan ko. She can handle it," sagot nito.

Tumayo na si James at pumunta sa pinsan ni Tyron na nakaupo sa bench. Nakatanaw lang ito sa dagat at malalim ang iniisip.

At ginawa na nga ni James and dare sa kaniya.

"That's more like it!" Sigaw ni Tyron na para bang nasisiyahan sa nakita. Mabilis na bumalik si James sa pwesto niya kanina.

"Kuya! That wasn't nice!" Angal ni Jessica.

"What? Ayos nga lang sa asawa mo na pinsan ng babaeng hinalikan ko. Tapos sa'yo ay hindi?" Taas-kilay nitong tanong.

"Kahit na! You should not kiss her without her permission!"

"Oh please stop it. Dare lang naman iyon," saad ni Tyron. Tahimik lang akong nakaupo. Ayokong magsalita, para kasing nanunuyot ang lalamunan ko kung magsasalita pa ako.

"Sige, kampihan mo yang kuya ko!"

Nagpatuloy ang laro. Nakailang ikot na ang bote hanggang sumakto yon kay Caiden.

"Truth or dare?" Jessica asked.

"Dare."

"Okay, give Kristin a sexy dance, and afterwards, give her a torrid kiss." Habang sinasabi iyon ni Jessica ay may nakakalokong ngiti na namumutawi sa bibig niya. Shux! Hindi ata tama na sumali pa kami ni Caiden sa larong to.

"Okay."

Tumayo siya saka lumapit sakin. Kumakabog ang puso ko ngayon, hindi ko alam kung sa kaba ba, o dala ng pagmamahal ko sa kaniya.

Sinimulan niyang igiling ang katawan niya.

And damn! Just damn! Dati ba tong macho dancer? Bawat giling ng katawan niya ay nakakatulo ng laway. I'm pretty sure na namumula na rin ngayon ang mukha ko. Nakakahiya! Tinanggal niya ang damit niya saka tinapon sa kung saan at nagpatuloy sa paggiling. Bakit ang hot niyang tingnan?

"A-ah eh, C-caiden. Stop it," pagpuputol ko sa kaniya.

Pero imbes na sundin niya ako ay umupo siya para magkapantay kaming dalawa. Tumigil na rin siya sa paggiling. And then there! He kissed me. Hindi lang iyon halik na dampi lamang, kundi gumagalaw rin ang labi niya!

I can't help but respond to his kisses. It's giving me butterflies.

"Hep! Awat na, baka kung saan pa umabot yang ginagawa niyo." Pigil ni Jessica sa kaniya.

Lumayo sa akin si Caiden ng may malaking ngisi sa mukha.

Nakita ko rin ang pag-irap ni Ian sa gilid, "Tss." Bulong nito na narinig ko naman.

My gosh, that was intense!

"Naiinggit ka ba? Pwede naman nating gawin yan mamaya. Sabihin mo lang, I'm always ready." Nakakalokong sambit ni Tyron. Tumataas-taas pa ang magkabilaang kilay nito. Halatang inaasar si Jessica.

"Tigil-tigilan mo ako lalaki,"

Natapos ang gabi na puro lang kami laro. Kung ano-anong laro pa ang sinubukan namin.

Pero kalaunan ay sumuko na kaagad ako. Hindi na kaya ng katawan ko ang antok.

Saka bukas, may bridal shower pa.

Gabi gaganapin, saka saktong pagkabukas ay araw na ng kasal nila. Alas kwatro ng madaling araw ang simula ng kasal nila. Jessica loves sunrise kaya sinakto nila sa oras ng pagsikat ng araw.

Nagustuhan naman naming lahat yon.

"Goodnight," sambit ko kay Caiden saka ko siya hinalikan sa noo. Tulog na siya kanina pa.

Umalis na ako sa room niya at pumunta na rin sa room ko.

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now