Chapter 12

88 8 6
                                    


***

KAHAPON pa lang nang ikasal kami pero sa tingin ko ay parang umabot na kami ng isang taon sa sobrang bagal ng oras.

Nandito lang ako sa sofa at nanonood ng telebisyon. Wala naman akong ibang magawa kundi manuod lang ng manuod. Ayos na rin to, alangan naman kasing lumabas pa ako ng bahay. Anong gagawin ko sa labas? Magbebenta ng Sampaguita para magka-pera?

"Dad didn't hired a maid, so unfortunately, kailangan nating gumawa ng mga gawaing bahay,"

Pagbaba niya sa hagdanan ay nakasuot na siya ng polo.

Pupunta siya ngayon sa kompanya nila. Marami pa raw siyang dapat asikasuhin. Na-delay kasi dahil doon sa one week ma preparation sa kasal. Naalala niyo ba nung sabi niyang papakasalan niya ako bukas na bukas agad? Hindi iyon nangyari dahil hindi pumayag ang Rafael Ibinili niya kami ng kung ano-anong gamit, pambahay at pansarili.

"Okay." Maikling sagot ko.

Ayaw kong ma-disturbo sa pinapapanuod ko. Nanunuod lang naman ako ng Maala-ala Mo Kaya (MMK), naka-YouTube lang din ito. Marunong na akong mag-operate ng tv. Madali lang naman pala eh. Mabuti na lang tinuruan ako ni Ian. Saka, doon kasi sa bahay namin ay walang tv.

Pero kina Ella meron.

Kaso nga malabo pa iyon, lumang klase kasi ng tv ang nasa kanila. Hindi tulad dito sa mga angat angat ang buhay ay naka-flatscreen. Tapos may WiFi pa. May gripo na, hindi tulad dun sa Quiapo. May poso kasi kami doon, kaya iyon ang halos ginagamit ng kararamihan.

"Mauna na ako saiyo." Paalam niya.

At dala ng gulat ko ay hindi agad ako nakapag-react. Hinalikan niya ako sa pisngi! Totoo ba to? Oh isa na naman sa mga fairy tales.

Tumango lang ako sa kaniya.

Naiilang pa rin ako hanggang ngayon. Eh nung gabing pinakilala siya sakin hindi ko naman talaga as in nakikita ng malapitan ang mukha niya. Kahit nung dumukwang siya tapos inabot niya sakin ang kamay niya ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Iba pa rin talaga ang dating kapag umaga.

Kanina sinabi niya saking pupunta ang girlfriend niya dito. Yung, Cheska?

Siguro bago mag alas-kwatro ay lumabas ako ng bahay. Nasa isang villa kami. Lumabas ako at naglibot-libot. Nakarating ako sa isang park, may mga batang naglalaro doon. Kasama ang mga magulang ng mga ito. Napangiti akong pagmasdan sila.

Naupo ako sa isang upuan.

Umalis muna ako sa bahay kasi ako lang naman isa dun. Wala akong makausap. Tas alangan namang kausapin ko cellphone na binigay niya sakin. May app kasi yun na, Siri? Tas sabi niya pa, iphone daw iyon. Wala naman akong pake kung anong brand ang ibigay niya. Bali-balita ko kasi na iyon daw ang pinakamahal na cellphone.

Halos mga may kaya nga lang daw ang nakakabili nun.

Nagtagal ako ng ilang minuto sa park bago naisipang umuwi. Maganda ang villa na ito, sabi pa nga rin niya ay nung isang araw lang daw binili iyong bahay na timutuluyan namin. Saka, kalahating milyon ata ang binayaran nila para lang sa bahay na iyon. Mahal nga talaga dito.

"Hon, do you think makakalipat ng ibang bahay?"

Rinig kong sabi nung babaeng nadaanan ko. Nasa labas sila ng bahay nila. Kasama niya iyong asawa niya na busy sa kakahawak sa anak nilang babae.

"Soon hon. Masyadong maliit itong bahay natin para sa pamilya natin." Saad naman nung lalaki.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now