Chapter 8

238 13 3
                                    


***

"YOU are fvcking messing with me." Galit niyang sabi.

Wala siyang karapatang magalit sakin! Dahil una sa lahat, siya ang sumuntok kay Tyron kahit wala namang ginagawa sa kaniya iyon. Pangalawa, hindi ko kasalanang sumunod-sunod siya doon sa coffee shop. Pangatlo, nasa rule namin ang walang pakialamanan sa bawat isa.

"Ano bang pinuputok ng butchi mo?" Gigil kong tanong.

"May asawa ka ng tao pero nakuha mo pang magpaligaw! Nakuha mo pang magpahawak sa kaniya!" Bulyaw niya.

"Anong sabi mo? Bakit? Hindi ba't nasa usapan natin na walang pakialamanan sa bawat isa? Bakit ngayon nagagalit ka? Saka, diba sabi mo rin noon na mag-asawa lang tayo sa papel? Saka, nagalit ba ako nung kayo pa ni Cheska? Nagalit ba ako nung parati kang may dinadalang babae dito sa bahay? Na kahit ang laswang tingnan dahil inuuwi mo pa talaga dito! Hindi ako nagalit sa lahat ng yun di'ba? Kaya wala ka ring karapatang pagbawalan ako sa gusto ko!"

Humahangos ako ng matapos kong sabihin iyon.

Hindi na ito sumagot pa at iniwan ako sa bahay. Umalis ito, hindi ko alam kung saan na naman siya pupunta. Pero kung saan man iyon, wala akong pakialam.

Dala ng sobrang pagod ay pinili ko na lang umakyat sa taas at matulog.

Ayoko na parati kaming ganito. Pero anong magagawa ko?

Alas diyes na ng umaga ng magising ako. Sabado naman ngayon kaya walang pasok. Pero I invited Jessica and Tyron dito sa bahay. Magmo-movie marathon kami. Pagbaba ko ay alam kong hindi pa nakakauwi si Ian. But, the hell I care.

Naligo kaagad ako at tinext ang dalawa.

'12 sharp. Dapat nandito na kayo, bring foods ah. Jessica, ikaw na sa popcorn, and Tyron ikaw na rin sa soft drinks.'
-Kristin

Syempre wala akong dadalhin.

Sagot ko na nga ang aircon, sagot ko pa ang kuryente tapos ang tv. Kaya dapat libre na ako. After how many minutes ay nag-reply sakin si Jessica.

'Dadala ako ng cookies and brownies na binake ko kagabi.'
-Jess

Napangiti ako sa kaniya.

Umakyat ako sa movie room namin. Yes, meron kaming movie room. It's like a little cinema. Madilim din sa paligid para feel na feel ang movie. Ni-ready ko na lahat ng mga cd's na gagamitin para mamaya. Kumuha ako ng limang cd's. At iba-iba ang genre ng mga iyon.

Ang una ay Four Sisters and a Wedding, which is Romance.

Ang pangalawa ay A Child's Play, which is Horror naman. You know, Chuckie. Ang pangatlo ay Bulong, na Horror-comedy. Tapos ang pang-apat ay Moonfall, which is Sci-fi. Then last, Seven Sundays na drama. There, it's all set!

Wala pa atang alas dose ng nakarating ang dalawa.

Sinundo na lang pala ni Tyron si Jessica, dahil nag-text daw ito na walang masasakyan. Dahil wala ang kuya niya. Nasa trabaho daw.

"I'm ready!" Excited na sigaw ni Jessica.

Kumaripas ito ng takbo papuntang movie room. Nasa second floor lang naman kasi ang movie room namin. Dapat nga sa third floor iyon, pero mas pinili ni dad which is Don Rafael na sa pangalawang palapag na lang.

Sabay naman kaming pumunta doon ni Tyron.

Nakapambahay lang kaming tatlo. Alangan naman kasing magsuot kami ng bongga tapos dito lang naman sa bahay ang punta nila. Tapos manunuod lang naman kami.

Alas otso na ng gabi ng matapos lahat ng pinanuod namin.

Iyakan, tawanan at takot ang namayani kanina sa movie room. Dahil ang lahat ng iyon ay hindi pa namin napanuod kaya ganon ang reaksiyon namin.

"Hindi pa ba umuuwi ang pinsan mo, Kristin?" Tanong ni Jessica.

"Baka nasa bahay ng kaibigan niya." Palusot ko. Kahit na hindi ko naman kilala ang mga kaibigan niya. Wala kang pakialaman diba. Kaya wala akong alam kung sino ang mga kasama niya sa labas.

"Sige, mauna na kami."

Paalam nilang dalawa. Naiwan ako sa bahay ng mag-isa. Walang bakas ng isang Ian. Alam kong galit pa iyon. At siguro nagpapahupa lang yun ng galit niya.

Hindi na ako kumain dahil busog pa naman ako sa cookies at brownies na dala ni Jessica.

Maaga akong natulog kaya maaga rin akong nagising.

"Ian?" I was shocked ng pagbukas ko ng pintuan ko ay naroon si Ian. Nakasandal at tulog na tulog. Tinulungan ko siyang akayin. Napaka-bigat pa naman ng lalaking to. Tsk, bakit ba kasi hindi na lang siya dumiretso sa kwarto niya.

"Hmm..."

Dinala ko siya sa kwarto niya saka doon inihiga. Amoy na amoy ko sa kaniya ang alak. Mukhang marami ang nainom nito ah. Nung isang araw pa to umalis tapos ngayon lang nakauwi.

Bumaba ako saka pinagluto siya ng sopas.

So far so good, marami-rami na rin akong alam na mga recipe. Nag-search kasi ako sa google, and gladly natulungan ako nito.

After twenty minutes ay natapos na ang niluluto ko.

Bumalik ako sa kwarto at pagdating ko doon ay nakaupo na siya sa kama. Halatang bagong gising lang. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa gilid ng kama niya.

"Kumain ka na." Sabi ko sabay subo sa kaniya ng sopas.

Kaagad niya naman iyong kinain. Para tuloy akong isang nanay na pinapakain ang anak. Napangiti ako, dahil kahit papano ay nagkasundo kami. Kahit sa ganito lang. Feeling ko nagagawa ko ang tungkulin ko bilang asawa sa kaniya.

"I'm sorry." Out of nowhere niyang sabi .

"I'm sorry for doing that. Alam kong wala akong karapatang gawin iyon. I was just, the green monster ate me." Saad niya.

Napangiti ako, mukhang bumabalik na siya sa dati.

Sana nga magtuloy-tuloy na to. Gusto kong bumalik na ang dating Ian na kilala ko. Ang Ian na may mabuting puso. Hindi ko ring maiwasang hindi sisihin si Cheska sa nangyayari sa kaniya ngayon. Kaya siya ganito dahil sa pang-iiwan sa kaniya ni Cheska. Hinawakan ko ang kamay niya.

"It's fine." Sabi ko.

Ayos na sakin yun. As long as nag-sorry siya. Saka, dapat nagpapatawad tayo diba. Kaya okay na rin to. Na maging maayos na kami.

"Thank you. Thank you for forgiving me."

Ngumiti ako sa kaniya. "Sige na, tapusin mo na tong kinakain mo." Sabi ko sa kaniya saka sinubuan siyang muli.

Sana pala, parati na lang siyang lasing.

itzmecndy

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora