Chapter 1

128 6 3
                                    


***

"NAY, pinapatawag niyo daw po ako?" Tanong ko rito.

Kakauwi ko lang galing sa pagbenta ng mga Sampaguita ng nalaman ko kay Mang Kado na hinanap pala ako ni nanay. Nagmano ako rito saka binaba ang basket ng Sampaguita. Wala na itong laman dahil malakas ang benta namin sa simbahan.

"Kristin, magbihis ka. Piliin mo ang mga magagandang gamit na meron ka. May pupuntahan tayo mamaya."

Bilin nito saka iniwan ako sa kusina. Kahit nagtataka ay sinunod ko ang utos niya. Sinuot ko iyong kulay dilaw na dress na regalo sakin ni Ella nung bago siya umalis.

Tatlong taon na rin ang nakalilipas simula nung lisanin ng pamilya ni Ella ang lugar namin.

Wala na rin akong kasama pag nagbebenta ng Sampaguita.

Nagkasakit kasi ang tatay niya at ang sabi raw ng doktor ay mas makabubuti sa katawan nito kung makalalanghap ito ng sariwang hangin. Kaya nagdesisyon silang dalhin ito sa probinsiya nila.

Simula ng umalis sila ay wala na akong balita sa kaniya.

Nami-miss ko na rin siya.

"Kristin!" Tawag sakin ni Ella. Lumapit ako sa kaniya at ganon na lamang ang pagtataka ko nang wala siyang bitbit na mga Sampaguita.

"Oh, nasan na yung mga ibebenta mo?" Tanong ko sa kaniya.

Biglang lumungkot ang mga mata niya.

"Aalis na kami mamayang tanghali. Pupunta na kami ng probinsiya. Doon muna kami titira hanggang gumaling si tatay." Kwento niya.

Nalungkot ako sa sinabi niya.

"Kagabi ay sinugod namin si tatay sa hospital. Dahil nahihirapan na itong huminga, sabi ng doktor sa amin ay mas mabuting dalhin namin si tatay sa lugar kung saan hindi siya makakalanghap ng hindi sariwang hangin. Naisipan ni nanay na bumalik na muna daw kami sa probinsiya. At doon muna tumira."

Mas lalo akong nalungkot.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan kami doon. Basta, mag-iingat ka dito ah. Huwag kang magpapaapi. Mahal na mahal kita Kristin." Aniya habang umiiyak. Napaiyak na rin ako.

Sa tagal naming nagkasama ay ngayon lang kami magkakahiwalay.

"Ella anak, ayusin mo na ang mga gamit mo. Saktong alas dose ng tanghali tayo susunduin ng tiyong mo." Anang ina niya.

Nalulungkot ako dahil mawawalan ako ng isang tunay na kaibigan.

Wala naman akong ibang kaibigan na gaya ni Ella.

"Sandali lang ah, may kukunin ako sa loob." Pumasok siya sa loob at naiwan ako sa labas ng bahay nila. Tinitigan kong mabuti ang bahay nila. Maswerte si Ella dahil mahal siya ng mga magulang niya. Hindi gaya ko, meron nga akong mga magulang hindi ko naman sila maramdaman.

Paglabas niya ay may dala na siyang dilaw na bestida.

"Para sa'yo to. Ibibigay ko sana to sa birthday mo, kaso hindi na ako makakadalo. Pinag-ipunan ko yan. Tanggapin mo." Inabot niya sakin ang bestida. Natuwa ako dahil ang paborito kong kulay ang binili niya.

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now