Chapter 24

35 5 1
                                    

***

"WELCOME to the world baby, Tyler Jew." Bati ni Jessica sa anak niya.

Alas nueve na pala ng umaga.

Matapos mailabas ni Jessica kagabi ang anak nila ni Tyron ay nailipat na rin agad siya sa private room. Nandito kaming lahat ngayon, ang kuya ni Jessica, ako, Tyron, Ian at Caiden.

"Tyler Jew, what a nice name." Komento ni Caiden.

I saw how his eyes sparkled.

"Eh kayo ni Kristin, kailan niyo balak magka-anak?" Biglaang tanong ni Tyron. Si Caiden naman ay ngingiti-ngiti na parang asong ulol.

"Ahem." Tikhim ni Ian.

"Pasensiya na. Dalawa nga pala kayo, well, may the best man win. Kaya niyo na yan, matanda na kayo." Sabi ulit ni Tyron. Mas matanda pa nga si Ian sa aming tatlo pero kung makaasta para siya tuloy ang pinakabata. Me and Caiden are just only twenty three years old. While Ian, he is now twenty five.

"Hayaan mo na nga sila," singit ni Jessica.

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa.

Nagbantay kasi ako kagabi kay Jessica. Baka magising, kaya hindi ako masyadong nakatulog. Habang ang kuya naman ni Jessica ay kadarating lang kaninang alas otso.

"Kailan mo siya pakakasalan? Sabi mo kahapon, pag nailabas niya na ang anak ninyo. And now, nandito na si baby Tyler. So, kailan gaganapin ang kasal?" Tanong ko habang inaalala iyong sinabi ni Tyron kahapon.

"Kristin! Di'ba sabi ko hindi pa siya nagpo-propose?"

Our eyes is full of shock nang biglang lumuhod si Tyron.

"Oh my gosh..." tila natutop ang bibig ni Jessica dahil sa ginawa ni Tyron. Hawak ni Tyron ang kamay ni Jessica habang nakaluhod. Si baby Tyler naman ay nasa kuya ni Jessica na ngayo'y malawak ang ngiti.

"Jessica, the day we first met ay nagustuhan kita agad. Kalaunan ay minahal din, iyong panahong nililigawan ko si Kristin ay ikaw ang mahal ko, pero sa tuwing nakikita kitang masaya na nililigawan ko siya ay nasasaktan ako. You know from the very first na hanggang kapatid lang ang turing ko sa kaniya. Manhid ka nga ata talaga dahil hindi mo man lang naramdaman na ikaw ang totoong gusto ko, ang totoong mahal ko. Now that we have our baby Tyler, and I want us to be legal family. Will you marry me?"

Saka niya inilabas ang box na kinuha niya sa bulsa niya.

Kita ko ang saya sa mga mata ni Jessica. Umiiyak na rin siya. Sa akin? Kailan kaya magpo-propose si Caiden? Magti-three years na kami, pero hindi pa rin siya nagpo-propose.

"Y-yes! Of course yes!"

Tumayo si Tyron saka mahigpit na niyakap ang fiance niya.

Pumalakpak kaming lahat na nasa loob.

"So kailan nga ang kasal?" Pag-uulit ko. Naiinip na kung naiinip, but I can't just wait seeing Jessica wearing a wedding gown. While Tyron on his wedding suit.

"On her birthday."

Nabigla ulit kami dahil sa sagot niya, "T-that's one week from now."

Tyron smiled.

"Yes baby, matagal ko na tong pinaghandaan. Our wedding will be held at the beach. Your dream wedding."

The next day ay mas lalo kaming naging busy.

Three days na lang at birthday na ni Jessica. Nakalabas na rin pala siya sa hospital. Madali lang kasing nag-heal ang tahi niya. Nandito kami sa beach kung saan gaganapin ang kasal nila. Tumulong na rin ako sa pagde-decorate para naman may silbi ako. While si Caiden naman ay kasama si Tyron and Ian and also Jessica's brother. Ano nga ang tawag dun? Ah, bachelor's party.

"Ayos na ba yan Yannie?"

Yes, Yannie. Ian's old secretary.

Matagal na raw siyang umalis sa kompanya. Kaya naging wedding organizer na lang siya.

"Yes ma'am. Everything is okay now. Ang kasal na lang po ang hihintayin natin." Malugod niyang sagot.

Kakatapos lang naming mag-design.

Pumasok ako sa hotel ng beach na gaganapan ng kasal nilang dalawa saka pumunta sa kwarto ko. May tigsa-sariling kwarto kami rito. Yung mga lalaki naman ay doon nag-celebrate ng bachelor's party sa rooftop nitong hotel.

Si Jessica naman ay nasa kwarto nila ni Tyron.

Kasama ang anak nila.

Naligo na muna ako saka pumunta sa kwarto nina Jessica.

"Hi Mrs. Jessica Perez-Bosca and to the one and only cute son, Tyler Jew Bosca." Ani ko saka mabilis na lumapit sa kanilang mag-ina. Nilalaro-laro niya ang anak niya, habang ang bata naman ay tawa ng tawa. Tuwang-tuwa sa ginagawa ng kaniyang ina.

"Tita-ninang!" Masayang sambit ni Jessica.

Yes, kinuha niya akong ninang ng anak nila. Malayo-malayo pa naman ang binyag ng anak nila. Hihintayin raw muna nilang tumuntong ng isang taon si baby Tyler, at sa mismong birthday raw ng anak nila ay saka nila ito pabibinyagan.

"Nanay na nanay ang dating natin ah," biro ko sa kaniya.

"Bakit kasi hindi na kayo bumuo ng pamilya ni Caiden. Maayos na rin naman kayo di'ba, unless affected ka pa rin sa presence ni Ian. But I'm sure hindi na. Sobra-sobra ang ginawa niya sa'yo noon. Ready ka na ba? I mean, Ian wants you back. Humingi na siya ng tawad sa'yo at alam ko namang matagal mo na siyang napatawad. You opened your heart to Caiden. Nalaman mo ring hindi naman pala talaga kayo kasal ni Ian. So, wala ng hadlang sa inyo ni Caiden."

Umupo ako sa kama.

"Gaya nga ng sabi mo, Ian wants me back. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kaniya na hindi na siya ang nakikita kong makakasama ko sa susunod pang mga taon."

"Ian will understand for sure."

"Sana nga maintindihan niya. I love Caiden more than anything in this world. Mas minahal ko pa siya kaysa sa pagmamahal ko noon kay Ian. I can't afford to lose him."

"Then explain it to him."

"I will, balak ko sanang kausapin siya pagtapos ng kasal niyo." Sabi ko and then kinuha sa kaniya si Tyler at agad niya namang binigay sa akin.

"Manang-mana siya kay Tyron." Sabi niya.

"Mata lang ata ang nakuha niya sa'yo. And I hope na nakuha niya rin ang ugali mo. You're a great friend Jess. Thank you for all the things that you did just to help me."

"Of course, para sa ano pa't naging kaibigan kita?"

Nagtawanan kaming dalawa. Hanggang sa nauwi kami sa kwentuhan.

itzmecndy

***

A/n: This is the malupetang author's note. Please bare with me. Ilang chapters na lang at matatapos na ang story na'to. There are so many revolutions na mangyayari, just wait for it. And please don't report this story. If ever na may nakita kayong story na parehas ang style ng pagsusulat namin, please I'm begging you. It's just purely coincidental. Thank you!

Whispers Series #1: Whispers Of Destiny (Completed)Where stories live. Discover now