CHAPTER 2: Life of Eleonora

3.9K 145 2
                                    

Padabog na umalis si Prinsipe Theodore habang natulog naman si Eleonora. Hindi akalain ni Theodore na aasta ng ganon si Eleonora na as if wala lang sya.

"Bakit ganon na sya? Nag ka amnesia nga ba sya?" Sabi nya sa sarili habang pinupuntahan ang kwarto ni Lily.

Sa kabilang banda, nasa salamin naman si Eleonora.
"Nux, ang ganda mo naman Eleonora. Crush na kita- uh, crush ko sarili ko? " Ani nya habang sinusuklayan ng maid ang buhok nya.

Nauubos na ang pasensya nya ng sinusuklayan sya ng bastahan at halos nananakit na ang ulo nya. Alam niya na may galit ito sa kaniya kasi sinasadya nito ang pananakit kay Eleonora.

"Dahan dahan." Kalmadong banta ni Eleonora.

Ngumisi lamang ang maid at lalo pang nilaksan ang pag susuklay.

Aba, iniinis ako neto ah. Isip isip ni Eleonora.

"Kapag hindi mo inayos mismong buhok mo ang mawawala." pikon na saad nya ngunit parang wala itong napapakinggan mas lalo pang nilaksan.

Hinablot nya ang buhok nito at kin*ladkad patungo sa may apoy na sa isip isip nya ay lutuan.

"AHHHHHHHH MASAKIT ANO BA!" Sigaw ng babae habang nakahawak sa kamay ni Eleonora.

"Binantaan na kita kaso di ka nakinig,kapag binalaan na kita ng tatlo tapos na iyon. Hanggang dun na lang ang pasensya ko." Kalmado na sagot ni Eleonora.

Nagtataka ang maid kung bakit biglang nagiba si Eleonora e nung nakaraan halos binu búlly pa nila ito at hindi naman pumapatol.

Hinawakan ni Eleonora ang ulo ng maid at idinikit sa apoy. Ang tanging napapakinggan lang sa mansiyon na iyon ay ang sigaw ng nasasaktan na maid.

"Ayoko ng makita ang mukha niya. Hanapan nyo ako ng bagong maid at siguraduhin nyo na hindi na makakapasok pa yan dito kung ayaw nyo na mangyari din yan sa inyo."

Nang ma satisfied na sya ay nakangiti syang bumalik sa kwarto at iniwan ang mga nag kakagulo na mga utusan sa mansiyon.

Muli syang bumalik sa salamin at naghubad. Nahagip ng paningin nya ang mga pasa at bakas ng sugat sa likod nya na halatang latigo ang may gawa.

Kumunot ang noo nya at hinawakan Ang mga sugat, ang iba ay medyo naging peklat na at ang iba naman ay sariwa pa.
Napaka dami non.

"Ganito ba ang nararanasan mo sa mansiyon na ito Eleonora?" saad nya na halos mangilid na ang luha nya.

Bakit hinayaan mo ang sarili mo na maapi at hindi mo nilinis ang pangalan mo.

Kumuyom ang kamao nya. Wag ka mag alala Eleonora, nandito ako parurusahan ko lahat ng may gawa nito sa iyo at mabubuhay ako ng tahimik.

"ELEONORA! ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO?" umaalingawngaw ang boses ni Theodore sa buong mansiyon.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें