CHAPTER 3: I want divorce!

3.7K 135 9
                                    

Ano ba yan matutulog na sana ako nakakainis naman andaming istorbo. Sa isip ni Eleonora.

Tinignan nya lang ito na hinihintay ang sunod na sasabihin.

"Wag mo nga ipahiya ang pangalan ko!" sigaw ni Theodore.

Hindi naman alam ni Eleonora ang sinasabi nito at humikab pa para ipakita na wala syang interes. Nauubos na ang pasensya ng lalaki kaya galit na hinawakan nya ang braso ni Eleonora.

"Bitaw." banta ni Eleonora.

Hindi nag patinag ang lalaki at sinigawan pa si Eleonora hindi parin binibitawan ang braso ni Eleonora.

"Sino ka ba talaga?" inis ng sagot ni Eleonora.

"I'm your husband." sagot naman ng lalaki na ikinatawa bigla ni Eleonora.

"Pffttt... HAHAHAHAHAHAHAHA no way." mangiyak ngiyak na tawa ni Eleonora sabay hawak sa tiyan.

Nagtaka si Theodore sa ikinilos ni Eleonora pero ang tanging nasa isip lamang ni Theo ay ang pagtawa ni Eleonora. First time niya na nakita si Eleonora na tumawa at she was way too gorgeous! Usually e walang buhay ang aura ni Eleonora pero ngayon sari saring emosyon ang nakikita nya sa kaniya.

"What do you mean?" kunot noo na tanong ni Theodore at isinantabi ang pag bilis ng tibok ng puso nya.

"W- wait.. Seryoso ka ba?" kinakabahan na tanong ni Eleonora. There's no way na may asawa ako? Then, kung asawa siya ni Eleonora bakit nararanasan ni Eleonora ang ganito?

"Yes I am!" sagot ni Theodore.

"Then let's divorce." Sabi naman ni Eleonora na ikina init ng dugo ni Theodore.

"Why? Nag seselos ka ba kay Lily? Kaya ba ginagawa mo lahat to sa kaniya? Plano mo ba ulit yang pagpapakipot mo para makuha mo ang atensyon ko? " Sabi ni Theodore.

Walang emosyong tumitig si Eleonora kay Theodore. "para kang t*nga." inis na sagot ni Eleonora na hindi naman naintindihan ni Theodore.

"Lumabas ka na, napapagod na ako makipag usap sayo." walang ganang utos ni Eleonora na halatang nag pipigil sa inis.

"Bakit ka ba tumalon sa dagat? Para ba mapag bintangan si Lily?" galit na asik ni Theodore.

"Pwede bang manahimik ka na? Wala akong pakialam sa inyo, gawin nyo ang gusto nyo sinasayang mo lang oras ko e." kalmadong sagot ni Eleonora at humiga. Natulog muli sya habang si Theodore ay naiwang naka nganga.

Tinitigan nya ang natutulog na si Eleonora. Mukha syang anghel. Hindi nya ipagkakaila na maganda sya. Si Eleonora ay naghahabol sa kaniya ngunit ang puso ni Theodore ay naiwan kay Lily. Minahal ito ni Theodore dahil ang akala niya ay si Lily ang nagligtas sa kaniya pero hindi nya alam na si-

Nag simula ang galit ni Theodore kay Leonora ng ipakasal sya dito kaya nasira ang pag mamahalan nila ni Lily. Papakasalan na sana ni Theodore si Lily ngunit bawal mag mahalan ang isang Prinsipe sa normal na tao lamang kaya ipinakasal sya kay Eleonora ang Prinsesa ng kabilang kaharian.

Hindi nya alam kung bakit hindi sya natutuwa na makikipag hiwalay si Eleonora. Eto naman ang gusto niyang mangyari pero bakit naiinis sya? Meron na ba siyang hinahabol? Napa kuyom ang kamao niyang lumabas sa kwarto ni Eleonora...

No way! You're mine Eli. Isip isip nya kahit naguguluhan sya sa nararamdaman.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now