CHAPTER 26

1.7K 62 0
                                    

" Prinsesa, magpahinga na po kayo please." nag mama kaawa ang mukha ni Violet habang awang awa na nakatingin kay Eli na halatang pagod.

"Hindi pwede Violet, wala pang lunas at wala akong karapatan na magpahinga kung maraming taong nag durusa dahil sa akin." walang ganang saad ni Eli habang paulit ulit na nag eexperiment. Hindi nya pinapansin kahit na ilang beses siyang matusok ng mga tinik ng halaman.

" D*MN!" frustrated na sigaw ni Eli tila hindi na makapag hintay. Kinakabahan siya, maraming tao ang m*m*m*tay kung hindi agad siya makakagawa ng lunas.

Nasasaktan si Violet kapag nakikita niyang ganito si Eli. Si Eli ay kalmadong babae, pabago bago ang mood. Minsan nakangiti, minsan seryoso, minsan tawa ng tawa. Pero ang Eli na hindi na makangiti at tila buhat buhat ang mundo. Hindi ganon ang prinsesa na kilala niya.

Biglang niyakap ni Violet si Eli. Nagulat naman si Eli sa ginawa ni Violet. Ang nararamdaman niya na sobrang bigat ay panandaliang nawala. Nanghina ang tuhod niya. Ang luha na pinipigilan niya ay nag si unahang tumulo. Niyakap niya pabalik si Eli.

" I'm tired Violet, Maybe I'm too dramatic na mag overreact, sobrang hirap lang sa pakiramdam na naka salalay sayo ang buhay ng maraming tao knowing na wala kang alam na solusyon." nag crack ang boses ni Eli.

"Prinsesa, okay lang po na hindi maging okay. Okay lang din po na mag alala kayo sa ibang tao. Ang hindi okay ay saktan nyo mismo ang sarili nyo dahil lang iniisip nyo na kayo ang may kasalanan. Hindi nyo po magagawang makapag pagaling ng iba kung sarili nyo mismo ay hindi nyo magawang tulungan."

" Kailangan din po kayo ng sarili nyo. Kailangan nyo po magpahinga saglit para may lakas kayo na makapag isip." huling katagang narinig ni Violet habang bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata. Yes, nakatulog sya kay Violet.

She's glad na meron siyang Violet na nasa tabi niya ngayon pero still she's hoping na kasama niya rin si Lucius. Having him by her side is enough.

Theodore.

"What? Anong nangyari kay Eli?" na agaw ang atensyon niya ng marinig ang tauhan niya habang nag bibigay sa kaniya ng impormasyon tungkol sa pagitan nila Eli at Lily.

The man was shocked by Theodore's behavior.  Akala niya ang unang itatanong nito ay si Lily at kakamustahin.

"Nakita ko po na kinuha ni Lily ang papel na may laman na formula ni Prinsesa Eli. Hindi pa po tapos ang formula na iyon na maaari pong ikapahamak ng mga tao sa kaharian nyo." saad ng lalaki, kumunot ang noo ni Lucius dahil hindi nya pa naririnig ang sagot sa tanong niya.

"I'm asking kamusta ngayon si Eli?" may bantang tanong niya. Tila naiinip sa sagot  kaya pinagpawisan ang lalaki.

" Wala pa po siyang pahinga, ginamit niya lahat ng lakas niya sa katawan para po sa lunas. Siya po ay nabibigatan dahil iniisip nya na responsibilidan nya ang nangyari." the man replied.

" And what about Lily? What the h*ll is she doing?" madilim na tanong ni Theo.

" She accused her maid at pinilit niya po  na pagtakpan ang ginawa niya." saad ng lalaki hinihintay ang sunod na isasagot ni Theodore.

"You may go." walang emosyon na sagot niya. He can't believe na ang mala anghel na si Lily ay magagawa ang lahat ng ito. Kahit na may ebidensya ayaw niya pa rin maniwala at pinipilit na plano lang ni Eli ang lahat ng mga nangyayari para makuha ang atensyon niya. Ngunit hindi niya maitatago ang pag aalala niya para kay Eli dahil mismo ang sarili niya ay hindi naniniwala.

"Magandang araw kamahalan, Ano po'ng maipaglilingkod ko?" saad ni Violet ng pumasok si Theodore.

Bakit na naman nandito ito? isip isip ni Violet.

"Where's Eli?" walang emosyong tanong ni Theo habang ginagala ang paningin sa bawat sulok ng shop ni Eli.

"Nasa loob po." sagot naman ni Violet at sinamahan si Theodore papunta kay Eli.

Nadatnan ni Theodore na abala si Eli habang may ginagawa ni hindi nito napansin ang presensya niya. "Nagpahinga na ba sya?"

"Opo, naka idlip na po ang Prinsesa." Ani Violet.

"Kumain na sya?"

"Hindi pa po, ilang araw na po ang Prinsesa na hindi kumakain. Pinipilit niya po na wala syang karapatan na kumain— P-pasensya po sa aking bibig." Tinikom na ni Violet ang bibig niya, nakalimutan niya na hindi nga pala interesado si Theo kay Eli.

"That's okay, iwan mo na muna kami." Nagulat si Violet sa inasal ng Prinsipe, agad siyang lumabas at pinanalangin na sana walang masamang mangyari kay Eli.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now