CHAPTER 27

1.7K 67 0
                                    

ELI,

" It won't hurt if you eat, you know."

Nagulat si Eli nang biglang may magsalita, wala siyang time lumingon dahil abala siya at kailangan nya na mismo ng lunas.

Hmmm... Anong Mali? Bakit hindi ako makagawa ng lunas? Kung hindi pa kumpleto ang gawa kong potion what if yung mga kulang na ingredients ang gamitin ko?

Hmm, let's try..

Nagsimula na siyang ayusin ang mga halaman na gagamitin niya. Hinalo halo niya ito at nilagyan ng holy water. Naging kulay green ang liquid.

YES! that means tama ang ginawa ni Eli ngunit hindi pa tapos dahil simula pa lamang ito.

" Anong sunod? Please.." Bulong ni Eli, sumasakit na ang utak niya kakaisip. Gusto niya magpasalamat kay Lily dahil medyo nakakapag isip na sya ngayon.

"Hmm.." Tanging lumabas sa bibig ni Theodore habang inoobserbahan ang bawat galaw ni Eli.

Yes may talent sya para na siyang Saintess sa ginagawa niya ngayon. No.. More like a wizard.. She's good at experimenting and healing... Skills of wizard and saint huh.. Isip isip ni Theodore.

" paano kung maglagay ako ng halaman na kalaban ng halaman na ginamit ko?" saad ni Eli at narinig yun ni Theodore na ikinagulat nito.

She's intelligent huh, sa mabilis na oras nakapag isip agad siya. Ano pa bang kahanga hanga ang matutuklasan ko sayo Eleonora?  Isip ni Theo.

Kinakabahan si Eli, takot na baka hindi gumana ang iniisip niya. Hinalo niya muli. Last, nanginginig na ibinuhos ang Kristal na dinurog niya.

Pumikit siya, ayaw niyang magmulat ito na lamang ang huling pag asa niya.

Lumiwanag ang buong paligid ngunit hindi ganon katindi. Namangha si Theodore. Ang makita si Eli na tinatakpan ang mata. Napangiti siya ngunit sa loob lamang. Na kyutan siya sa itsura ni Eli.

Unti unting sumisilip si Eli sa butas sa siwang ng mga kamay niya. Sinilip niya ang lalagyanan na may potion.

No....

Bumagsak ang balikat ni Eli na ikinataka ni Theodore.

I tried my best, bakit hindi parin enough? Isip ni Eli habang pinipigilan ang luha niya na nagbabadya na tumulo.

" Why? Okay naman ang ginawa mo? You succeed right?" pangungumpirma ni Theodore. "Lumiwanag naman?" dagdag pa nito.

" I wish.. Pero..  Hindi ako nanalo..." nawalan ng enerhiya ang tuhod ni Eli ngunit nasalo naman siya ni Theodore.

Nasasaktan si Theodore sa kalagayan ngayon ni Eli. He want to cheer her up pero hindi sya magaling sa ganoon.

" Hindi ganyan ang lunas, iba ang pakiramdam..." dagdag ni Eli at pumiyok pa.

" D- don't give up Eleonora..." nag aalangan na saad ni Theodore na ikinagulat ni Eli.

Knowing him hindi siya nag sasalita ng ganon..

Tinitigan niya sa mata si Theodore na ikinahina ng tuhod din nito, muntik na sila matumba. Ngunit hindi pinansin ni Eli iyon, ang umagaw ng atensyon niya ay isang libro. Libro na sobrang pamilyar.

Kinuha niya ito, at binasa ang pahina na nakabuklat na.

Gumawa ang Wizard ng isang experiment ngunit kailangan ng hiling ng isang  Saintess na may mabuting kalooban, Kung Wala ito, Hindi siya mag wawagi.

Binasa ni Eli iyon, akala niya ay iyon na ang solusyon. Inalalayan siya ni Theo para tumayo. Tinitigan niya muli ang ginawa niya at pumikit siya.

Sana, sana magkaroon ng himala upang matulungan ko ang mga tao na nag durusa. Please hear me God.

Nang matapos iyon, lumiwanag ang paligid, nakakasilaw, nanggagaling ang liwanag na iyon sa ginawa niyang lunas.

Hindi kaya?

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now