CHAPTER 19

2.4K 86 0
                                    

" Goodmorning my princess." saad ni Lucius buhat buhat ang gatas at tinapay para kay Eli.

Kinusot kusot ni Eli ang kaniyang mga mata at dahan dahang minulat. Hindi niya alam pero sobra ang pagod ng katawan niya.
Bumungad si Lucius na nakatayo, dahan dahan niyang nilapag ang tray at tinitigan si Eli.

" Kahit pag gising mo ang ganda mo parin." saad ni Lucius habang kumikislap ang mga mata. Nabigla si Eli at napahawak sa batok.

"ha? uh.. hindi naman.." yes maganda si Eli pero hindi niya matanggap dahil hindi nman sa kaniya ang katawan na gamit niya.

"yes you are, kapag may nag compliment sayo you should say thank you." Pag correct ni Lucius ngunit agad dinagdagan. " Correction, sa akin lang." ani nito at sinubuan si Eli na agad namang kinain ni Eli.

Tumikhim si Lucius dahil kung ano ano naman ang naiisip niya. Pagka ubos ni Eli tumayo siya.

"Mag ready ka na ng sarili mo, pupunta pa tayo sa shop mo right?" tanong ni Lucius habang dala dala ang baso at plato.

"oo nga pala, thank you Lucius." Ani ni Eli at tumayo, tumingkayad pa siya para maabot ang buhok ni Lucius. Ginulo niya ito. Napangiti si Lucius pero tinatago niya lang.

" Anything for you my princess.." Ani nito at lumabas, sinarado muna niya ang pinto.

Pagkalabas ni Lucius napahiga ulit si Eli. Tinatamad siyang kumilos pero kailangan. Kailangan niya intindihin ang shop niya lalo na at marami nang bumibili sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang si Eli, tumayo siya at nag intindi.

"WOAHHHH." medyo napa lakas ang sigaw ni Eli nang makita ang mga bulaklak at halaman.

Sobrang saya niya ng makita niya ito. Yung iba ay mga rare na halaman na maaari niyang magamit. Makakagawa na siya ng mga potion na makakapag pagamot ng rare na karamdaman katulad ng ipinangako niya kay Thadeo.

"May maitutulong ba ako? Anything please." saad ni Lucius.

" Ah, pag sama samahin mo na lang yung mga halaman at bulaklak na parehas ang category." Sagot naman ni Eli.

Abalang abala si Eli sa pagbabasa dahil gusto niya makagawa ng ibat ibang potion. Hindi lamang sa pagpapagaling kundi gusto niya rin makagawa ng potion na magbibigay sa tao ng kapangyarihan.

Hindi nga lang alam ni Eli kung posible ito.

Si Lucius ay abala rin sa pag hihiwalay ng mga halaman. Nakasimangot na siya dahil napansin niya na abala si Eli.

"hmpp, di manlang niya ako pinapansin." bulong ni Lucius.

Pumadyak padyak pa siya para agawin ang atensyon ni Eli ang kaso wala parin. Nangungulila na si Lucius kaya nag acting na naman siya.

"awww." daing ni Lucius kaya napatingin sa kaniya si Eli.

Dali daling tumayo si Eli at nilapitan si Lucius. " oh anong nangyari?" Nag aalalang saad ni Eli.

"Wala, nakagat lang ng langgam." sagot ni Lucius na tinatago ang ngiti.

"AW!" saad nito ng pitikin ni Eli ang noo niya.

"Akala ko naman kung na ano ka na."  saad ni Eli at napa buntong hininga.

"eh kasi, kanina ka pa dyan ih." nakangusong saad ni Lucius.

"Kailangan Lucius." seryosong saad ni Eli.

"Opo na." sagot ni Lucius at pinunasan ang pawis ni Eli. Pumunta si Lucius sa kusina ng shop nila para maghanda ng meryenda ni Eli.

NAPALINGON si Eli sa pinto ng bumukas ito. Iniluwa ng pintong iyon si Theo at Lily.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now