CHAPTER 5 : Lucius

3.5K 130 3
                                    

CHAPTER 5.

Bakit hindi ko napansin na napaka ganda at simple niya?
Bakit ba pinipilit niya na makipag hiwalay sakin.

Nang pumasok sya sa office ko suot ang simple nyang damit. Nasanay ako na palaging elegante ang suot nya at palaging may kolorete sa mukha ngunit ngayon napaka simple na nya at hindi na sya tulad ng dati.

Ano ba kasing nararamdaman ko sa kaniya? Isip isip ni Theodore habang tinutuktok ng mga daliri nya ang lamesa.

"Theo, bakit nakatulala ka? " saad ni Lily kaya naudlot ang pag iisip ni Theo.

"Wala." Tipid na sagot nito.

"May nakita akong kwintas napaka ganda ngunit hindi ko kayang bilhin kasi isa lamang akong normal na babae." Pagpapa awa ni Lily.

Bumuntong hininga si Theo at sinabi. "Let's go buy it."
Napangisi naman si Lily, ngising nag tagumpay sa plano.

Sa kabilang banda.

"Ano pong gagawin nyo?" Kinakabahan na tanong ni Violet kay Eli.

Nagsuot si Eli ng cloak upang hindi sya makilala, ipinuyod nya rin ang curly na buhok niya.

"May pupuntahan ako." Sagot naman ni Eli.

"Nako baka mapano po kayo." nag aalala na sabi ni Violet.

"Wag ka mag alala, may lahi akong ninja hiyaaahh!" umacting acting pa si Eli na kunwari ay ninja. Napatawa naman si Violet, hinayaan nya na lamang si Eli ngunit ipinanalangin padin niya na mag ingat ito.

"Wow ka ganda mo naman." nagulat si Eli nang may mga kalalakihan siyang madaanan.

Papunta siya ngayon kay Lucius na naka kulong pa ito sa isang lugar na nagbebenta ng alipin. Si Lucius ay isang makapang yarihan ngunit alila pa lamang ito at hindi pa alam ng iba ang kapangyarihan nito.

Hinawakan siya bigla ng isang lalaki. Napa buntong hininga sya.

"Bitaw." banta niya.

Nag tawanan naman ang mga lalaki, nag si lapitan ang mga lalaki kay Eli.

Hinawakan ni Eli ang braso ng humawak sa kaniya at ipin*lipit ito.

"ARAY!" sigaw ng lalaki.

Akmang susuntukin naman ng isa pang lalaki si Eli ngunit napigilan nya ito. Binuhat nya ang lalaki at ibinal*bag. Sobrang lakas ng bagsak nito kaya nahimat*y.

Sumugod pa ang isa, kumuha ito ng kahoy upang ipang h*mpas sa kaniya. Ngunit bago pa sya tamaan nito hinawakan na niya ang kahoy at inunahan niyang hamp*sin sa ulo ang lalaki. Mukhang napalakas kasi dumugo ang ulo nito at natumba. Tinignan nya ng masama ang iba pang lalaki at nag takbuhan ang mga ito.

"Nakakainis naman, andaming abala." ani ni Eli habang inaayos ang suot niyang cloak.

Pano ba nila nalaman na babae ako e naka cloak na ako? Isip niya.
Tinignan niya ang katawan niya.

Ahhh... Halata pala sa katawan ko.

Kitang kita ang curve ng katawan at ang pinagpala niyang hinaharap.

Ang ganda mo naman kasi Eleonora hays.

Lucius, hintayin mo ako.

Another Male Lead Unlocked.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now