CHAPTER 24

1.8K 64 0
                                    

" Kailangan nyo na po na manatili sa Kaharian nyo." saad ng butler niya at tinignan ang bilog na hawak ni Lucius. Pinapanood ni Lucius ang tulog na si Eli. Para manigurado na safe ang dalaga.

"What do you mean?" kunot noong sagot ni Lucius at saglit na tinignan ang butler na napalunok.

" Kailangan ka po nila, kailangan nila ang pamumuno mo— at.. mapapahamak ang mahal mo sa—"

"Shut up! subukan mo na ituloy." kalmado ngunit nakakatakot ang tono ng boses ni Lucius.

" I know what I'm doing." dagdag pa ni Lucius at nilisan ang lugar na iyon.

"My princess." kumatok si Lucius sa pintuan ng kuwarto ni Eli at nang mapansin na walang sumasagot ay pumasok siya. May permission naman siya kay Eli at may tiwala ito sa kaniya.

"hmm. mamimiss kita sobra Eli." Bulong niya habang hinahawakan ang pisngi ni Eli. Bumuntong hininga pa nga siya at tinitigan ang dalaga.

He kissed her forehead at muling bumulong. "I love you  Mi princesa " tumayo sya at pinunasan ang luha na tumulo sa kaniyang malungkot na mata.

"Patawarin mo nawa ako dahil hindi ako nakapag paalam ngunit babalik ako at pangako na sa pag balik ko may maipagmamalaki na ako sayo. Hanggang sa muli, aking mahal."  huling saad ni Lucius at nilisan ang kuwartong iyon..

" Hmmm..." Iminulat ni Eli ang mata niya at iginala ang paningin. Nagtaka siya dahil walang Lucius na bumungad sa kaniya na may dala na tray ng pagkain. Isinawalang bahala na lang niya dahil busy ito dahil malaya naman ito.

Bumangon siya at dumungaw sa bintana. Kasabay ng pag ihip ng hangin ang pagbabalik ng pangyayari sa nakaraan.

Inabot ni Eli ang kontrata kay Lucius. Kumunot ang noo ni Lucius at takang binasa ang papel. Nagulat siya sa laman noon ngunit nag kunwari na walang nabasa.

"May problema ba?" Tanong ni Eli nang mapansin na nakatitig lamang doon si Lucius.

"Marunong ka ba mag basa?" tanong niya na ikinailing ng binata. "Ah kaya naman pala, nakalagay diyan na binili kita ngunit hindi para maging alipin. Ayan ih*mpas mo sa mga nagsasabi sayo na alipin kita."

Napangiti si Lucius, hays this woman is too kind.

"Nag aalala ka ba sakin Prinsesa?" Hindi maiwasang maitanong ni Lucius. Nagulat naman si Eli.

"h-huh? Oo naman! syempre malapit ka na sa buh—" Eli was shocked when Lucius suddenly smile at bigla siyang niyakap.

"thank you Eli, na appreciated ko ngunit mananatili ako sa tabi mo para protektahan ka ." Sagot nito na ikinangiti ni Eli.

Ginulo ni Eli ang buhok ni Lucius kasabay non ang pagbabalik niya sa reyalidad.

" I miss him." Bulong ni Eli at nag ayos para pumunta sa shop niya. Nang makapag ayos na siya aalis na sana siya ng ipatawag siya ni Theodore.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now