CHAPTER 9 : SUCCESS!

3.1K 114 0
                                    

"Hayss" Bumuntong hininga si Eli na ikinabahala ni Lucius.

"Meron na nga akong potion kaso hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng bibili sakin." Dagdag pa niya.

Maya maya, biglang tumayo si Lucius at hin*wa ang pulsuhan niya. Nagulat si Eli. Umagos ang dugo, akmang pupuntahan na ni Eli ito ngunit biglang lumabas si Lucius at sumigaw.

"AHHHH ang sakit." daing ni Lucius.

Tarantang kinuha ni Eli ang potion niya at lumabas din upang puntahan si Lucius. Pinag titinginan ng mga tao ang kawawang si Lucius.

Nanginginig na binuksan ni Eli ang potion at ipinainom kay Lucius.

"Ano ba kasing iniisip mo!" may pag aalalah sigaw ni Eli.

Umarte si Lucius na mawawalan na ng buhay ngunit sa loob ay masaya sya. Successful kasi ang plano niya.

"Gumana ka please." pag mama kaawa ni Eli .

Nagulat ang mga tao nang biglang mag hilom ang sugat ni Lucius tumigil na rin ang pag dugo nito. May lumapit na bata sa kanila.

"Wow, ina kailangan po natin ng ganiyan para sa sugat ng lola."

"San iyan nakukuha?" tanong ng ginang kay Eli. "Kailangan na kailangan talaga namin." dagdag pa nito nang may pag mamakaawa.

"A-ah... Doon p-" Naputol ang sinasabi ni Eli. Nauutal pa siya dahil wala siyang mantindihan sa mga nangyayari. Naka ngiti pa sa kaniya si Lucius na parang walang nangyari.

"Ginawa nya po iyan, maaari nyo pong tignan sa loob." saad naman ni Lucius.

Pumasok sila sa loob at gustong bumili ng mag ina. Nakita nila ang presyo mukhang kulang pa ang dala nila at kailangan pa nilang bumili ng maka kain.

"S- saka na lang pala" sabi ng ginang.

"Ngunit inay, kailangan na po iyan ng lola." Sagot ng bata. Hinila ng ginang ang kaniyang anak ngunit pinigilan ni Eli. Alam niya na gusto nila ngunit walang pambili. Bakas kasi sa mga ekspresyon nila.

"Huwag nyo na pong bayaran." nakangiting sagot ni Eli.

"N-naku hindi na." Sagot naman ng ginang ngunit agad na nilagay ni Eli ang potion sa kamay ng ginang.

"Nawa po ay gumaling na ang may kailangan." saad ni Eli.

"Maraming salamat! siguraduhin kong malalaman nila ito." yumuko ang mag ina at lumabas nang may ngiti sa labi.

"Isa kang anghel Eli." nagulat na lang si Eli nang magsalita si Lucius.

Iniisip ni Lucius kung okay lang bang mahalin ng isang katulad niya ang isang anghel, samantalang mag kaiba sila ng ugali.

Sumimangot si Eli na ikinangiti ni Lucius.

"Ikaw? Ano sa tingin mo ang ginawa mo kanina?" Medyo galit na sermon ni Eli.

"Para malaman nila na gumagana." kalmadong saad ni Lucius. "A-AWW." Nagulat si Lucius nang pitikin ni Eli ang noo nito.

"Paano kung hindi gumana?" Kunot noong saad ni Eli.

"Eli.." hinawakan niya ang baba ni Eli at tinignan sya sa mukha. " Know your worth, alamin mo ang halaga at kakayanan mo. Mag tiwala ka sa sarili mo na kaya mong gawin. Ikaw pa." saad naman ni Lucius.

Bumitaw bigla si Lucius nang maramdaman niya na kinikilig na naman siya. Napakamot siya sa noo, hinawakan pa niya ang batok niya.

"Eli lalabas lang ako saglit upang magpa hangin. Bibili na rin ako ng maka kain natin." paalam ni Lucius, tumango lamang si Eli at sinenyasan siya na mag ingat habang abala pa sa pag aayos ng mga potion.

Sa tingin ni Lucius na hindi niya kakayanin ang nararamdaman kapag nandun pa siya. Pinipigilan niya ang damdamin niya dahil ayaw niyang masaktan si Eli.

Ang tipo niya ay isang obsessed sa pag mamay ari niya. Hindi pa naman niya pag mamay ari si Eli kaya hanggat maaari ay kailangan niyang mag pigil.

Napabuntong hininga na lamang sya sa frustration na nararamdaman niya.

SA KABILANG BANDA, nagulat si Eli nang sumugod ang sandamak mak na mga tao upang bumili. Nag aagawan pa ang mga ito. Ngayong araw sobrang saya nya bukod sa nakapag benta sya, malaki ang nakita niya at naubos pa.

May isang tira na lang si Eli balak niya sana na inumin ito para sa sugat niya dahil nahiwa rin ang kamay niya sa kahoy sa pag mamadali.

Ngunit maya maya may lalaki na pumunta sa kaniya at inagaw ang potion na hawak niya.

Sa kabilang banda, nabalitaan ito ni Theo at sabik na makausap si Eli dahil miss na niya ito kahit hindi pa siya aware sa nararamdaman niya para kay Eli. Naguguluhan padin siya. Kaya pala hindi sila nagkikita abala pala si Eli. Kasama niya ba ang lalaking alipin(Lucius). Sa isiping ito ay dumilim ang paningin niya sa inis.

ANOTHER MALE LEAD WILL BE UNLOCK.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now