SEASON 2 :CHAPTER 1

2K 55 5
                                    

" Bakit siya nandito?" tanong ng isang puting babae nang makita si Eleonora sa langit na tinatawag na kaharian ng mga kaluluwa.

"malamang pat*y na siya." Sagot naman ng isa pang kasamahan nito.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, bakit ang anak ng mga makapangyarihan ay nandito? akala ko ba ay matutupad ang teorya nila na may panibagong magliligtas?" Singhal nito.

"Aba malay ko, bakit sakin mo tinatanong?"

"Wag na nga kayong magtalo dyan." dumating ang isang babae na triple ang kapangyarihan sa kanilang dalawa.

Yumuko naman ang dalawang babae. "Paumanhin po."

" Maaari na kayong maka alis." pagkasabi nya ay umalis na ang dalawa. Naiwan na lamang silang dalawa ni Eleonora.

Maya- Maya ay dahan dahang nag dilat ang mata ni Eleonora.

" N-nasan ako?"

" Nasa langit ka Eleonora." sagot ng babae.

"ANO?! s-sorry.. Ibig sabihin ay patay na ako?" Napasigaw siya ngunit agad na kinalma ang sarili.

" Huwag kang mag alala, ang kalahati ng buhay mo ay nasa lupa at ang kalahati naman ay narito. Ibig sabihin, 50/50 ang buhay mo. Ngayon, tatanungin kita. Gusto mo pa bang bumalik sa iyong katawan?"

" U- uhh... Hindi ko po alam. Hindi ako karapat dapat.." umiwas ng tingin si Eleonora.

Hindi niya alam kung babalik siya, Bakit pa? She already failed.. Hindi siya nagtagumpay na ingatan ang katawan ni Eleonora.

" Sundin mo ang tinitibok ng puso mo Prinsesa, marami ka pang hindi nalalaman. Marami ka pang kailangan gawin dito sa mundo. Trust me princess, there's something you need to know dahil ikaw ang— Dahil ikaw ang nakatadhana." napatigil ang babae ng biglang madulas siya, hindi pa kailangang malaman ni Eli ang lahat.

Bumuntong hininga si Eli, Yes. To be honest gusto niya pang bumalik, marami pa siyang hindi alam. Iba na ang takbo ng Novel. Hindi na ito ang novel na nabasa niya. Gusto niya pang hukayin ang katotohanan.. Kung bakit... Kung bakit siya ang nai summon ni Eleonora.. Kung bakit sya napunta sa mundo nila.

Para bang may kung anong bagay ang humihila sakin para alamin ang katotohanan..

" Hindi ko alam kung deserve ko.." sagot ni Eli.

Ngumiti ang babae. " You deserve more Princess.. They deserve more..." tinuro ng babae ang lupa.

Kitang kita ni Eleonora si Lucius na pugto ang mata. Hindi na niya makilala ang itsura niya. Nakabantay siya sa katawan ni Eli.

Napansin niya rin si Theodore na wala sa sarili, binabasag ang lahat ng gamit at si Thadeo na nakatulala.

Nakita niya rin ang mga tao, lahat sila ay umiiyak at nananalangin at ang mas nakaagaw pa ng pansin nya ay ang Reyna..

Bumilis ang tibok ng puso ni Eli, hindi siya makahinga.

I knew it!


Ngumiti ang babae kay Eli, she snapped her fingers..

" Goodluck.."

Tumingin si Eli sa babae dahil sa sinabi nito. Ngumiti siya at pumikit..


"A- ouch..." daing ni Eleonora. Nagulat si Lucius ng marinig niya ang boses ni Eli.

"P-panaginip na naman ba ito Prinsesa?" lumuha na naman si Lucius habang hawak ang mukha ni Eleonora. Alam niya na nananaginip lang siya, araw araw kasi siyang nag iilusyon na gumising na si Eleonora.

Hinanap na nila lahat ang manggagamot ngunit wala kahit isa ang kaya. Nagpunta narin sila sa mga sikat na wizard, umaasa na buhayin si Eleonora kaya hindi pa nila nililibing ang katawan nito.

" Silly... hindi ka nananaginip..." Saad ni Eli na ikinatigil ng tibok ng puso ni Lucius.

"P- princess?? " Nagunahan tumulo ang luha ni Lucius. He missed her so much! Hindi siya makagalaw.

Napangiti naman si Eleonora at niyakap si Lucius.

" I'm back.." bulong nito sa tenga ni Lucius.

"AHHHHH!" napatili si Eli ng yakapin din siya ni Lucius. Nagulat siya sa biglaan nitong pagyakap.

" Wala kang ideya kung gaano ako nangulila sayo.. A- alam ko na babalik ka.. Alam ko na hindi mo ako iiwan.. Dahil kung sakali man, susunod ako sayo.." humihikbi si Lucius.

Hinimas ni Eli ang buhok ni Lucius. ahhh... so cute...

" halata sa itsura mo, bakit mo naman pinabayaan ang sarili mo?" kunot noong saad ni Eli.

" Because! Iniwan mokoo... Wala ng dahilan para magayos ng mukha." nakasimangot si Lucius tila nag mamaktol.

" Damn, I miss you so muchhh! Hindi ako makapaniwala." pinahinga ni Lucius ang ulo niya sa dibdib ni Eli at dinadama ang kalambutan niya. Nagbibigay ito ng comfort sa kaniya.

" K-kalma Lucius..." Namula si Eli at umiwas ng tingin. Ang mga muscle ni Lucius ay damang dama niya dahil sa higpit ng hawak nito. Bakit pakiramdam niya ay mas nag matured pa si Lucius??

"I- I'm sorry... I failed to protect you..." Muling umiyak si Lucius.

" You did. Wala kang ideya kung paano but you did." ngumiti si Eli.

" No it's not enough, I'm not strong enough that's why I need to—" pinutol ni Eli si Lucius.

"Kumalma ka muna, hindi mo na kailangang lampasan ang limit mo para sa akin Lucius."

" I want to, I want to protect you. Gusto kong ako ang gagawa non dahil hindi ko na ulit kakayanin ang mawala ka sakin. Kahit ang tadhana ay kailangan kong kalabanin huwag ka lang kunin." seryosong sagot ni Lucius na ikinangiti ni Eli.

" Hays, hindi ka na baby."

Sumimangot naman si Lucius at tinitigan si Eli. Little did Eli know, sabik na sabik na si Lucius sa kaniya lalo na at dalawa lang sila sa kwartong iyon..


" GISING NA SI ELEONORA?!" kuminang ang mata ni Theodore ng marinig ang report ng kawal niya. Dali dali naman siyang nag ayos.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt