CHAPTER 25

1.8K 59 1
                                    

" Prinsesa, bakit wala po ata kayong customer ngayon?" takang ani ni Violet dahil nasanay sya na pinag dudumugan ang shop ni Eleonora.

Hindi nasagot ni Eli ang tanong dahil bigla silang na antala ng mga sigawan sa labas.

Tinignan nila ang labas upang malaman kung anong nangyayari at dun nila nakita ang maraming tao na nakapila sa isang di pamilyar na shop. Mukhang bagong tayo lang sa harap mismo ng shop ni Eli. Tinignan ni Eli ang sulat sa taas ng shop. LILY THE SAINT.

"huh?" pinuntahan ni Eli ang lugar na iyon at nakinig sa mga usapan ng mga tao.

"Balita ko ay si Saint Lily ang may ari nito."

"Oo nga, kaya dapat bumili tayo rito at siguradong nakakapag pagaling."

"Ngunit paano ang shop ni Miss Lily?"

"Hayaan mo na iyon, bakit tayo bibili sa witch na yun kung meron naman tayong mabait na Saint dito. Tsaka gumagana ba ang potion niya?"

" Aba, oo naman nakailang bili na kami doon at gumagana! Bahala ka sa isipin mo basta ako dun bibili!"

Nagtatalo talo ang mga tao na nakapila dun, wari ni Eli ay pinagtatalunan kung kanino bibili.

Napabuntong hininga na lamang si Eli. Ano na naman ba ang trip ni Lily.

May mga lumabas na tao galing sa shop ni Lily at may dalang potion. Ganon na lamang ang gulat niya ng makita niya ang potion na hawak nila.

KATULAD NG INE EXPERIMENT NIYA!

P-PAANONG MALALAMAN ITO NI LILY?

Kinabahan siya at dali daling nilapitan ang isang babaeng may hawak ng potion.

"Maaari ko bang maamoy saglit ang hawak mo?" Pakiusap ni Eli. Kumunot ang noo ng babae at ibinigay din naman.

Walang duda! Ito yung ginawa ni Eli!

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now