CHAPTER 28

1.7K 67 0
                                    



I refused to believe. I did it!

Ito yung kulay na ibig sabihin nagawa ko na yung lunas! ngunit paano?

Inalis na ni Eli ang isipin na iyon at dali daling kumuha ng mga potion bottle. Nabangga niya pa nga si Theo ngunit hindi niya napansin. Si Theo ay nakatulala lang at gulat na gulat.

Isinalin na ni Eli ang lunas sa mga maliliit na bottle. Nang makabalik na si Theo sa reyalidad ay nilapitan niya si Eli.

"What are you doing prince?" saad ni Eli ng mapansin na kumukuha din si Theo ng mga bote sa tabi niya.

"giving you a hand" Tipid na sagot ni Theo.

" Hindi na po kailangan, madudumihan lamang po ang kamay mo" sagot naman ni Eli.

"Tsk." nagsalin padin si Theo sa kabila ng sinabi ni Eli.

"VIOLETTTTTT." nagulat si Theo sa sigaw ni Eli. Dumating naman si Violet na hinihingal.

"Ano pong nangyari Prinsesa?"

Nakangiti lang si Eli, natulala lalo si Theo sa kaniya. Bakit nagawa niyang ngumiti sa iba? Samantalang kay Theo ay seryoso lamang. Isip isip ni Theo, pinipilit na alisin iyon sa isipan niya.

Dumako ang mata ni Violet sa potion.

"Wow.. bakit nyo isinasalin Prinsesa? Ibig sabihinnnnn...." nanlalaki ang mata ni Violet.

"Sa wakasss!" sabay nilang sigaw at parang bata na nagtatalon. Hinawakan ni Eli ang kamay ni Violet sabay tumalon. Ginaya naman siya ni Violet. Paikot silang nagtatalon talon. Napangiti naman si Theo ngunit inalis din niya agad.

"Ha..." hingal na hingal ang dalawa.

"Ngunit Prinsesa pano natin ito maibibigay sa mga tao? Kailangan na may permission ng Hari." saad ni Violet.

" Nakalimutan nyo na ba na Prinsipe ako? Hmm?"

Napalingon sila kay Theo at nagulat. Ibig sabihin tutulungan sila ni Theo. Napaka imposible.

" WHAT?! 60% NG TAO SA KAHARIAN NATIN AY MAY PAREHAS NA SAKIT? ANO BANG NANGYARI?" sigaw ng Hari sa mga kawal na nagbalita sa kaniya.

" Tumigas po ang katawan nila at hindi makagalaw. Ngunit hindi lamang po iyon, naghihingalo rin po sila. Hindi maintindihan kung anong nangyari sa katawan nila."

" ANO PANG HINIHINTAY NIYO? IPUNIN NIYO NA LAHAT NG MGA EKSPERTO SA PANG GAGAMOT!" sigaw ng Hari habang hinihilot ang sentido niya.

"Ginawa na po namin ngunit hindi po nila alam kung anong klaseng sakit iyon."

"Tsk, EKSPERTO? Tapos hindi magawan ng solusyon? Huwag nyo akong biruin. Kung gayon ipatawag niyo si Saintess Lily baka ngayon ay may pakinabang naman siya." Hari

"Masusunod po."

" ano pong maipaglilingkod ko kamahalan?" saad ni Lily at yumuko.

" tulungan mo akong gamutin ang mga tao sa kaharian ko, alam ko na alam mo ang tinutukoy ko." Hari

Nang masabi iyon ng hari hindi mapigilan ni Lily na mapalunok. Anong gagawin niya? hindi niya alam kung paano! Ah!

" Si lady Eli po ang gumawa ng sakit na iyon. Siya lamang po ang makaka gamot sa kanila." nakangiti na paliwanag ni Eli.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Saintess?" sarkatiskong tanong ng Hari. " Kapag nalaman ko na nag sisinungaling ka, alam mo ang kalalagyan mo. Isa kang Saintess baka nakakalimutan mo." dagdag pa ng hari.

"Opo." kinakabahang saad ni Lily. Gumaan ang pakiramdam niya sa sunod na sinabi ng hari.

"Alis." Hari

Nagmamadaling tumayo si Lily at akmang aalis na ng nagsalita muli ang hari.

"Anong ginagawa mo? Pinapaalis ko ang kawal ko. Ipatawag nyo si Lady Eli at ikaw Lily dyan ka lang! Aalamin ko kung anong totoo." matalim na tinignan ng Hari si Lily.

Tumigil bigla ang mundo ni Lily. Sht I'm doomed!

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now