CHAPTER 8 : Flirty lucius

3.3K 113 0
                                    

Gusto man na matulog ni Eli ngunit mas pinili na lamang niya ang gumawa. Na bo bored na siya kahit andaming gustong mag invite sa kaniya sa mga party. Alam niya na ipapahiya lamang siya nila.

"Prinsesa.. Palagi ka na lamang may ginagawa. " Malungkot na saad ni Lucius habang pinag lalaruan ang buhok ni Eli.

"Shh, gumagawa ako ng potion." sagot ni Eli na halatang ayaw mag pa abala.

Tinignan ni Lucius ang librong binabasa. Inaaral ni Eli kung pano gumawa ng mga healing potion. Alam ni Lucius na impossible ito dahil mga sikat na wizard lamang ang kayang gumawa ng ganito.

Pero kahit gayon ay ayaw niya na mawalan ng pag asa si Eli.

Kumuha si Lucius ng tela pamunas sa tumutulong pawis ni Eli.

"AHHHHHHHHHH!"

Dali daling tumakbo si Lucius dahil sa pag sigaw ni Eli at laking gulat na lang niya ng makita ang isang liwanag. Simbolo na nag tagumpay si Eli.

"YESSSSSS NAGAWA KO!" Sigaw nito at sumayaw sayaw pa.

Lihim na napangiti si Lucius,nagulat sya sapagkat unang try pa lamang ni Eli ay nagawa niya agad ang potion. Normally e halos ilang buwan pa bago ito magawa.

"Ikaw'y nakakamangha prinsesa." nakakatitig si Lucius kay Eli.

"Tawagin mo na lang akong Eleonora or kahit ano." saad ni Eli, hindi kasi siya sanay na tinatawag siyang prinsesa.

"Eli..."
Napa atras si Eli nang hawakan ni Lucius ang buhok niya. Inayos at isiningit sa tenga niya ang buhok na natatabunan ang kagandahan ni Eli.

Tumikhim si Eli upang isantabi ang nararamdaman niya.

"Umm, ang problema paano ko ipapakita sa kanila na gumagana ang potion ko? hindi ko alam kung maniniwala sila sa akin." saad ni Eli.

"Ako ang bahala Eli." kinindatan siya ni Lucius. Sumimangot naman si Eli dahil sa inaasta ni Lucius.

Maya't maya ay naisipan nilang dalawa na mag libot muna. Kung saan saan sila nakarating ng mahagip ng paningin ni Eli ang isang kwintas.

Binili ni Eli ito, naisipan niya rin na bilhan si Lucius. Nabigla pa nga ito ngunit tinanggap din.

" Eli, akin na ang iyong kwintas."

Kunot noo na tinignan ni Eli si Lucius at inabot ang kwintas.
Maya maya e nilagay ito ni Lucius sa leeg niya. Hinawi nya pa muna ang buhok ni Eli. Nagtaka pa si Eli kung bat ang tagal ikabit ni Lucius.
Naramdaman niya pa ang hangin sa leeg niya.

Hindi niya alintana na nilapit ni Lucius ang mukha nito sa leeg niya ngunit agad na pinigilan ang sarili.

"You're an art Eli. Napaka ganda mo." Seryosong puri ni Lucius kay Eli. Nagulat lang si Eli at kinuha din ang kwintas sa kamay ni Lucius.

"Ang tangkad mo." nakangusong reklamo ni Eli. Gusto nya kasi isuot ang kwintas kay Lucius bilang ganti.

Napatawa sa isip si Lucius. Cute.

Yumuko si Lucius upang maabot sya ni Eli. Dumagundong ang puso niya ng tignan nya ang mukha ni Eli. Sobrang lapit nila sa isat isa.
Busy si Eli na ikabit sa harap ang kwintas habang si Lucius naman ay abala sa pag admire sa kaniya.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now