CHAPTER 17

2.4K 98 0
                                    


Muntik nang bumagsak mismo kay Eli ang Chandelier. Nabigla siya ng may tatlong kamay ang humila sa kaniya. Nilingon niya ang mga ito. Si Lucius na hindi maipinta ang mukha habang hawak ang kamay niya. Si Theo na hindi rin alam ni Eli kung anong emosyon ang bakas dito. At si— hmm? familiar wait parang...

"Thadeo?" yun lamang ang tanging lumabas sa bibig niya.

"tsk." inis na sabi Lucius at hinawakan sa bewang si Eli para hilahin ngunit hinila rin ng dalawa si Eli.

"bitaw." inis na saad ni Lucius ngunit hindi nagpatinag ang dalawa.

"ang sabi ko bitaw." ma awtoridad na dagdag ni Lucius.

Samantalang si Eli na nalilito kung anong nangyayari. Ang alam niya lang e nasasaktan sya dahil sa higpit na pagka hawak ni Theo. Nang makita ni thadeo ang reaction ni Eli na lahatang nasasaktan ay bumitaw na siya.

Ang mga kamay ni Theo sa bewang ni Eli ay napaka ingat na para bang hindi niya maramdaman. Animo'y mga bulak sa gaan.

Masama ang tingin ni Theo kay Lucius. Kalmado lang si Lucius ngunit deep inside e gusto na niyang p*mat*y. Samantalang si Thadeo e ngumiti lang kay Eli.

Ang bigat ng aura doon na halos hindi makahinga si Eli. Hindi niya alam na kahit nag tititigan lang silang tatlo ay parang nakikipag digmaan na.

Maya- maya ay naputol ang kanilang pag tatalo ng sumigaw ang mga kawal.

"TABI! NATAMAAN ANG REYNA." nagulantang si Eli sa sigaw nito. Nakita niya ang reyna na may dugo. Malalim ang pagkaka baon ng bubog ng Chandelier. 

Ang tatama sana kay Eli ay tumama sa Reyna ngunit hindi napuruhan sapagkat  tumalsik lamang ang mga bubog dito. Nanginginig si Eli hindi niya alam ang gagawin niya lalo na ng may mga iba pang natalsikan ng bubog. Napaka laki pa naman ng Chandelier na iyon.

"Help! tumawag kayo ng mang gagamot." sigaw ng iba. Nilingon ito ni Eli, malalim ang pagkakabaon nito at hindi tumigil ang pag durugo.

Nakahinga siya ng maluwag ng may mga dumating na mang gagamot.  Ngunit nagtaka siya ng iisa lamang ito.

"What? pano naman yung ibang natamaan?" Sigaw ni Eli sa mga kawal. Hindi dala ni Eli ang potion nya at malayo naman kung kukunin niya pa baka lumala. Wala rin naman siyang kapangyarihan.

"Wag kang makialam miss, mas inuuna namin ang Reyna." sagot ng kawal at tinulak si Eli ngunit agad nasalo ni Lucius.

S*s*pakin na sana ni Lucius ito ngunit pinigilan ni Eli.

"bulls!t, anong utak ang pinapagana niyo?—" Naputol ang pag sigaw ni Eli nang sumigaw ang doctor.

"H- HINDI KO KAYA! HINDI KO MAGAGAMOT IYAN!" natatarantang sigaw ng Doctor ngunit biglang tinutukan ng espada ng mga kawal ang leeg nito.

"Wag, hayaan nyo syang magpaliwanag, panong hindi? Nag durugo lamang naman! " inis na sigaw ng hari."

"M- may lason po ang bubog. Isa pong lason na mga wizard lamang ang nakaka alam ng lunas. T-tanging mga saintess lamang po ang maaaring makagamot." kinakabahang sagot ng Doctor.

"Kung ganon ipatawag nyo ang saintess, si Lily!"

"Hindi po makita si Saintess Lily." sagot ng mga kawal.

"WALANG KW*NTA!  SIYA ANG TAGA PAG PAGALING AT NGAYONG KAILANGAN SIYA HINDI NAMAN MAKITA?!" sigaw ng hari.

Maya- maya, pinuntahan ni Eli ang hari at reyna. Sapagkat nag hihingalo na ang reyna at ang iba pang mga natamaan. Hindi man siya sigurado pero.

"Gagaling po sila ako po ang bahala." saad ni Eli. Napangiti si Lucius alam niya ang skills ni Eli, alam niya na walang limitasyon si Eli dahil alam niya kung sino siya.

Habang ang iba ay gulat na gulat lalo na si Theo at si Thadeo naman ay nag alinlangan.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now