CHAPTER 18

2.4K 99 2
                                    

"What did you say?!" medyo napalakas ang sigaw ng Hari. Naisip niyang nag papa pansin lamang si Eli dahil hindi naman masyadong kilala si Eli. Wala siyang kapangyarihan at higit sa lahat asawa lamang ito ni Theo ngunit hindi rin naman mahal.

"Ibigay nyo lamang po ang mga kailangan ko at gagawa ako."

"hindi mo ba narinig na isa itong lason at wizard o saintess lamang ang makaka gamot?" sarkatiskong saad ng hari.

"tss, kagalang galang na hari ano pa po ang magagawa nyo? malapit na pong m*m*tay ang reyna pati na po ang mga tao dito sa loob. Wala manlang po kayong magawa kung hindi ang tumunganga. Sa tingin nyo po ba ay karapat dapat kayo maging hari?" medyo pikon na si Eli, nauubusan na siya ng oras ngunit nanatiling blangko ang mukha niya.

"tsk, sige mga kawal ibigay nyo ang hinihingi niya." Utos ng hari sa mga kawal.

MAYA- MAYA, mabilis na dumating ang mga hiningi na bulaklak ni Eli. Hindi ito yung orihinal na bulaklak dahil napaka hirap kunin niyon at matatagalan pa. Humingi siya ng bulaklak na katulad niyon. Humingi na rin siya ng potion at ng mga kakailanganing lalagyan at panghalo.

Nabasa niya sa aklat ang lason na iyon. Nabasa niya rin kung paano gumawa ng healing potion dito ngunit hindi niya alam kung makakaya niya.  Hindi alam ni Eli na ang aklat na iyon ay pinag aagawan ng mga nakakataas, dahil matagal na nilang hinahanap ito. Ang aklat na iyon ay matagal nang nasa kaniya bigay pa ng n*m*tay niyang ina.

Pinapanood ng mga tao ang ginagawa niya habang siya ay pinag papawisan na. Todo punas naman si Lucius kay Eli.

Nagbubulungan na ang iba dahil hindi sila naniniwala na magagawa ito ni Eli. Samantalang si Theo at Thadeo ay nakatutok lamang sa ginagawa ni Eli.

Kinakabahan si Eli dahil hindi pa umiilaw. Kinakabahan siya na baka matagalan. Nilingon niya ang naghihingalong mga tao, kung hindi niya agad magawa ay baka katapusan na nila.Natigil ang kaba niya ng biglang nag salita si Lucius.

"Believe in yourself My princess.." ani nito kaya napangiti si Eli.  Ang kaninang kabadong si Eli ay naging confident na. Taas noo niyang hinahalo at maya maya ay nagkaroon ng liwanag.

Liwanag na sobrang nakakasilaw. Liwanag ng pag asa. Liwanag na ang gaan sa pakiramdam.

Nagulat ang mga tao, lalo na ang Hari.

No.. Ang ilaw na iyan ay ang katulad ng ilaw ng unang wizard noon, tanda ko pa ang mukha ng aking kaibigan. Si Leopard at ang saintess na si ELENA. Isip isip ng hari.

Walang time para mag celebrate si Eli kaya dali dali siyang lumapit sa Hari ngunit para makasigurado na totoo ito ay pinainom muna nila sa tao na dumalo sa Ball.

"Please, gumana ka." Bulong ni Eli sa sarili niya pero sapat para mapakinggan ni Lucius.  Hinawakan ni Lucius ang kamay ni Eli at pinisil para pakalmahin.

Maya maya ay biglang sumigla ang pinainom niya. Nawala ang paghihingalo nito at nakahinga ng maayos. Tumayo ito at tumalon talon. May tumulo pa nga na luha sa mata nito.

"MARAMING SALAMAT, NAKAKAHINGA NA AKO NG MALUWAG. HULOG KA NG LANGIT!" sigaw nito na ikinamangha ng mga nanonood.

Manghang mangha si Theo, nagkaroon na naman siya ng panibagong dahilan upang angkinin at bawiin si Eli.

Lumapit si Eli at ibinigay ang potion sa Hari tinulungan ni Lucius si Eli na ipamigay ito sa iba pang nangangailangan.

Ipinainom ng hari sa Reyna ang potion. Hinihiling na sana gumana. Maya maya ay nagmulat ang Reyna at nakahinga na ng maluwag. Niyakap ng Hari ang Reyna.

Ganoon din ang nangyari sa iba, gumaling sila at nag diwang.

"MARAMING SALAMAT!"

"HULOG KA NG LANGIT."

"SALAMAT."

Muntik na tumulo ang luha ni Eli sa tuwa pero niyakap siya ni Lucius para pakalmahin. Ayaw niya na makita ng iba na umiiyak si Eli dahil iisipin nilang mahina ito.

Ramdam ni Lucius na umiiyak si Eli sa bisig niya. Hinahawakan naman niya ang buhok ni Eli. Maya maya ay tumigil na si Eli at inayos ang sarili.

"tsk." inis na saad ni Theo, pakiramdam niya ay naaagaw na sa kaniya si Eli kaya labis ang inis niya.

Nahagip ng mata ni Eli si Thadeo at hindi maganda ang emosyon nito kaya lalapitan sana niya ng biglang nawala ito sa paningin niya. Bigla namang lumapit ang Hari kay Eli.

"Maraming salamat, ano ang gusto mong pabuya?" ani ng hari at ineexpect niya na magiging sakim si Eli sa tanong niya. Alam niya na maraming hihilingin si Eli.

"Wala po, hindi po binabayaran ang pagtulong ko." Sagot naman ni Eli na ikinagulat ng hari. Yumuko si Eli bilang paalam.

"Aalis na po kami." saad ni Lucius, hinigit niya si Eli paalis ngunit magaan lang. Bago sila maka alis ay nagsalita ulit ang hari.

"Kailangan ko makabawi kaya anong gusto mo?" Saad ng hari kaya napalingon si Eli. Ayaw man niya pero halatang desidido ang hari.

"Mga halaman at bulaklak po na maaari kong magamit sa pag gawa ng mga potion." saad ni Eli.

Napangiti ang Hari, walang duda katulad siya ni Elena hindi sakim. Si Elena ang first love ng hari.

SA KABILANG BANDA.

"NAHANAP NA PO ANG NAWAWALANG ANAK NIYO HARING LEOPARD."

Nagulat ang lalaki at napangiti. Finally, makikita na kita. Hindi ko alam kung bakit ipinagkait ka sakin ng mundo. Nawala na nga si Elena at hindi ko hahayaang kunin ka rin sakin.

LABIS ANG INIS NIYA, binato niya kung saan saan ang gamit niya.

"MY PLAN FAILED AGAIN! TSK, PALAGING HADLANG IYANG SI LUCIUS TAPOS ANG SAKIN HINAHABOL KA? DMN YOU ELEONORA!! "

"TAPOS NAGING HERO KA PA NILA? HINDI KO HAHAYAAN NA MAKUHA MO PABALIK ANG MGA INAGAW KO ELEONORA."

Kinakabahan siya na malaman nila ang ginawa niya, na nagpanggap at nilason niya ang utak nila. Na kinuha niya ang dapat kay Eli at bago pa mangyari ito kailangan niyang makuha si Lucius.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now